EPISODE 46

1754 Words
Inubos nila ito ng isang tunggaan lang. Nakatingin ako sa kanila habang napapapikit silang umiinom ng alak na binarubal. "Wooh!" sigaw ni Pat sabay inom ng isang basong tubig. Nakangiting nakatingin sa kanila si William at natatawa naman si Kendra sa tabi ko. Hindi ko alam kung anong dapat na reaksyon ko sa mag asawa habang tinitingnan sila na uminom. Ubusan ng lakas at ulirat ngayon dahil alas dose na ng madaling araw ay mulat pa rin kaming lahat nag kakasiyahan at nag kakasayahan. Ok naman ang ugali ni Kendra ngayon kumpara mo sa nakaraan at kanina ngunit sa kabila ng pakikitungo niya ng maayos sa akin ngayon ay may masama pala siyang binabalak. Kumuha lang ng tamang oras si Kendra para makalapit siya kay William. Kahit ihing-ihi at lamig na lamig na ako ay hindi ko maiwanan mag isa si William sa kubo dahil nandoon si Kendra ngunit heto na nga at lasing na silang lahat at tangin ako na lang ang medyo may ulirat. Nakahiga na si Kendra sa tabi ko at natutulog na kasama ang iba pa naming mga kaibigan ito na ang tamang oras para umihi ako kaya nag madali akong tumayo sa kinauupuan ko at tumakbo ako sa malapit na banyo sa lugar namin. Pagkatapos kong umihi ay nakaramdam na ako ng ginhawa sa sarili ko at medyo masaya na rin ako nito ngunit ng papalapit na ako sa kubo ay nakita ko na lang si Kendra na nakapatong na kay William. Hinahalikan niya si William sa kanyang labi kaya patakbo akong lumapit sa kanya at agad na hinila ang buhok niya. Bumagsak sa sahig ang katawan ni Kendra ngunit hindi ito naging rason para tigilan ko siya. Hinila ko si Kendra palapit sa pool at doon kami nagtalo na dalawa. "Ano bang kababuyan 'yan Kendra?!" galit na sigaw ko sa kanya. "Kinukuha ko lang kung anong para sa akin," "Kinukuha ang meron sayo? Bakit ano bang meron sayo?" nakataray na tanong ko sa kanya. "Akin lang si William!" sigaw niya sa akin. "Anong sa'yo? Walang sa'yo Kendra!" Sinabunutan ako ni Kendra kaya bumawi din ako sa kanya. Sobrang ingay naming dalawa ngunit ni isa sa mga kasama namin ay walang nagigising hanggang sa napunta na kami sa sakitan na dalawa. "Akala mo mag papatalo ako sayo Agatha?" pang aangas ni Kendra sa akin. "Akala mo sa akin natatakot sayo?" "Nakita kita sa bar na may kahalikan na ibang lalaki at isusumbong kita kay William!" sigaw niya sa akin. "William! William!" sigaw ni Kendra sa pangalan ni William. "Hindi!" galit na sambit ko sa kanya habang nanlilisik ang aking mga mata. Habang nag aaway kami ni Kendra ay parang may malakas na pwersang lumalabas sa aking katawan kaya mahigpit kong hinawakan ang bibig ni Kendra upang tumahimik siya ngunit pumapalag siya sa akin kaya nagkatulakan kaming dalawa sa pool hanggang sa nadulas siya at tumama ang ulo niya sa gilid ng pool at nahulog sa tubig. Sasagipin ko pa sana si Kendra ngunit parang may pumipigil sa akin kaya napangiti na lang ako habang nakikitang nalulunog si Kendra sa tubig at kumukulay pula ang tubig sa harapan ko. "Mabuti nga sayo! Peste ka kasi!" natatawang sambit ko sa kanya. Nakatingin lang ako kay Kendra ng mga oras na ito habang pinapanuod siyang mamatay sa harapan ko ngunit pagtingin ko sa direksyon nila William ay nakita ko siyang nakaupo habang kinukuskos ang kanyang mata kaya napasigaw ako ng malakas. "Tulong!" sigaw ko ng malakas. Napatingin sa akin si William at agad na tumakbo patungo sa akin. "Nalaglag si Kendra sa pool! Tulungan niyo kami!" sigaw ko. Kinalmot-kalmot ko ang braso at tiyan ko para hindi ako mapanghinalaan at pagkatapos ay ginulo ko pa lalo ang buhok ko. Sinapak-sapak ko din ang hita ko at sinugatan ito gamit ang kuko ko para ipalabas na binugbog ako ni Kendra at ipalabas na prinotektahan ko lang ang sarili ko. "Anong nangyari dito! Jusko!" kinakabahang sambit ni William sa akin. Nakalutang na lang sa tubig si Kendra ng nasagip siya ni William. "Anong nangyari dito Agatha?!" galit na tanong niya sa akin. "Sinaktan ako ni Kendra at sabi niya sa akin papatayin niya daw ako kaya nung nag tangka siyang itulak ako sa pool ay nakaiwas ako kaya siya ang nalaglag sa pool," umiiyak kong sambit sa kanya. "Humingi ka kaagad ng tulong para madala sa ospital si Kendra! Madali ka!" sigaw ni William sa akin. Agad akong tumalikod kay William sabay takbo patungo sa mag asawa habang Sini-Cpr niya si Kendra. Niyugyog ko si Mary at agad naman siyang nagising. "Bakit?" tanong niya sa akin. "Si Kendra nalaglag sa pool!" mangiyak-ngiyak na sambit ko sa kanya. "Ano!?" gulat na tanong niya sa akin. Ginising ni Mary si Pat at tumakbo si Pat sa loob ng restaurant para kunin ang susi ng kotse nila at itinakbo ni Pat at William si Kendra agad sa ospital. Naiwan si Mary sa tabi ko habang pinapakalma ako sa nangyari at tinatanong kung anong nangyari. Iyak lang ako ng iyak sa harapan ni Mary ngunit nag bubunyi ang kalooban ko sa loob. Masayang-masaya ako sa nangyari kay Kendra dahil panigurado ay mawawalan na ito ng buhay. Ilang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin tumatawag sila William sa amin kaya alalang-alala na si Mary kung ano ng nangyari kaya tinawagan niya si Pat. "Hon! Anong balita diyan?" alalang tanong niya kay Pat. Nakatingin lang ako kay Mary nito habang nakikiramdam ako sa usapan nila ng biglang nanlaki ang mga mata ni Mary at gulat na tumugon kay Pat. "Ano? Bakit naman ganun? Comatose? Paano?" paulit-ulit na tanong niya kay Pat. Titingin-tingin sa akin si Mary habang nag uusap sila ni Pat kaya napapatingin ako ng matalim sa kanya sabay iyak ko muli. "Bakit anong nangyari kay Kendra?" umiiyak na tanong ko sa kanya. Pinatay na ni Mary ang tawag niya at lumapit sa akin sabay amo sa akin. Lumakas ang iyak ko na tila ba'y nag papaawa kay Mary. "Kumusta na si Kendra?" tanong ko sa kanya habang umiiyak. Pailing-iling na tumugon sa akin si Mary. "Critical ang condition ni Kendra dahil comatose siya ngayon," "Huh? Kasalan ko 'to!" sigaw ko sabay umiiyak. "Sana hindi ko na lang iniwasan ang pagtulak niya sa akin sa pool para ako na lang ang nasa pwesto niya ngayon," mangiyak-ngiyak kong sambit sa kanya. "Ssshhh... Hindi mo kasalan kung anong nangyari kay Kendra kasi wala ka namang ginawang masama at tingnan mo nga ooh ikaw pa ang dehado sa itsura mo. Bakit hindi ka pumalag sa kanya?" malumanay na tanong niya sa akin. "Hindi kasi ako 'yung tipo ng tao na bumabawi sa nananakit sa kanya kaya hinayaan ko na lang siya na saktan ako," "Bakit kasi masyadong mainitin ang ulo ng babae na 'yan! Nako!" "Pilit niyang inaagaw si William sa akin tapos sabi niya sa akin papatayin niya daw ako para makuha na niya si William," "Grabe sinabi niya 'yun?" "Oo! Magaling lang ako makipag talo pero hindi ko kayang manakit ng kapwa ko pero iba 'tong si Kendra," "Hayy nako," sambit niya sabay bugtong hininga. "Mabuti pa mag pahinga ka na muna sa kwarto niyo," "Hindi. Hihintayin ko na lang si William," "Huh? Bakit? Baka mamaya pa uuwi 'yung mga 'yun," "Hindi kasi ako nakakatulog ng walang kasama," "Gusto mo ba sa amin ka muna tulog? Or sige dito na lang muna tayo sa kwarto namin ni Pat tutal wala pa naman sila pwede tayong mag tabi sa kama kung gusto mo?" "Pwede naman kaso paano 'yung dugo ni Kendra sa pool? Baka makita ng mga guest mo 'yan?" "Pag akyat natin sa taas tawag ako ng maglilinis ng pool then mag popost na lang ako sa site namin para alam nila na nagkaaksidente sa pool area," "Aaah ok sige," sambit ko sabay hikab. "Ooh! Inaantok ka na pala eeh! Tara na!" panghihikayat niya sa akin sabay hawak sa kamay ko. "Wag kang mag alala hindi ako katulad ni Kendra na sasaktan ka at sisiraan ka sa iba para lang umangat ako," nakangiting sambit niya sa akin. "Salamat." Naglakad na kami ni Mary sa lobby at sumakay na kami sa elevator. Mabilis na nagsara ang elevator kaya umangat na ito agad sa floor kung saan ang kwarto nila Mary. Mabilis lang ang oras na ginugol namin sa loob ng elevator sapagkat diretso kami agad sa floor nila dahil walang gumagamit na iba ng elevator. Pagbukas ng pinto ng elevator ay lumabas na si Mary at sinundan ko siya kung saan siya pupunta. Inilabas na niya ang tap card at agad na tinap ito sa pintuan nila at bumukas ito. Inaya niya akong pumasok sa loob at sumunod naman ako. "Gusto mo ba mag shower ka muna o mag palit ka na lang ng damit?" tanong sa akin ni Mary. "Wala na akong damit na pamalit," nahihiyang sambit ko sa kanya. "Ooh? Edi sayo na 'tong damit ko dito hindi ko pa nagagamit 'yan tapos meron din akong panty at bra dito na hindi pa nagagamit. You can have them." sambit niya sa akin sabay bukas ng cabinet niya. Kinuha ni Mary ang damit at mga undies at pagkatapos ay inabot niya ito sa akin. "Magbihis ka na at natuyuan na tayo ng tubig sa likod mamaya magkasipon ka pa," nakangiting sambit niya sa kain. "Salamat!" nakangiting sambit ko sa kanya. Pagkakuha ko ng damit ni Mary ay agad akong pumunta sa kusina upang sa banyo magpalit ng damit ko. Naiwan sa kwarto si Mary at rinig mula sa banyo ang boses niya na nakikipag usap sa cellphone. "Dito na muna si Agatha matutulog habang nandyan kayo sa ospital," "Walang problema ako na ang bahala sa kanya basta pagkatapos niyo diyan umuwi na kayo dito." Walang kahina-hinalang pag uusap ang narinig ko kay Mary at sa kausap niya kaya napalagay ang loob ko sa kanya.  Mula sa banyo ay may isang malaking salamin na nakasabit doon. Napatingin ako dito at bigla na lang akong natawa sa sarili ko. "Stupid Mary." natatawang sambit ko habang nakatingin ako sa salamin. "Sana hindi ka na magising Kendra dahil kapag nangyari 'yun ay tutuluyan na kita. Sino ka para takutin ako? Diyan ka na sa ilalim ng lupa magigising Kendra!" nakataray kong sambit. Ilang minuto pa ang lumipas ay natapos na din akong mag bihis ng damit ko sa loob ng banyo. Paglabas ko dito ay agad akong tumungo sa kwarto at nakita ko si Mary na masarap na ang tulog sa kama kaya tumabi na ako sa kanya para matulog na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD