Nakatingin lang ako ng mga oras na ito kay Kendra habang naghahalikan kami ni William sa harapan niya para ipadama na hindi lahat ng bagay ay kaya niyang kunin.
Iba ako at kung anong meron sa akin ay hinding-hindi ko ipapahiram sa iba.
Nakasara na ang pinto ng silid namin kaya tumigil na ako sa ginagawa ko kay William.
"Magbihis na tayo at nakakahiya na kila Pat at Mary na mag hintay sila ng matagal sa atin," seryosong sambit ko kay William.
"Sige." tugon niya sa akin.
Pumasok na ako sa loob ng banyo upang mag shower ng sarili ko at pagkatapos nito ay isinuot ko na ang nabili kong one piece swimsuit at bumili lang din ako ng cardigan na see through para matakpan ng bahagya ang katawan ko.
"Tapos na ako!" sigaw ko paglabas ko ng banyo.
"Tagal mo! Kanina pa ako tapos," natatawang sambit ni William sa akin.
"Sabi ko nga eeh tapos ka na,"
"Tara na alis na tayo?"
"Ok sige,"
"Pero ok lang bang wag ka na magalit if ever makita mo si Kendra?"
"Ok sige pwede ko naman siyang asarin at ingitin dahil wala siyang William,"
"Iba talaga 'to!"
"Bakit papaagaw ka ba sa kanya? Kung gusto mo ibigay na lang kita sa kanya para hindi na ako mahirapan na ilayo ka?"
"Syempre sayo lang ako! Asawa kita eeh!"
"Mabuti! Halika na at nakakahiya na tayong dalawa."
Madali akong lumabas ng kwarto namin ni William at tumungo sa elevator.
Pag bukas ng elevator ay pumasok na kami ni William at ng papasara na ito ay may pumindot sa labas kaya bumukas muli ito. Pagbukas ng pinto ng elevator ay nakita ko si Kendra sa labas na nakangiti sa amin habang nakapameywang na naghihintay na bumukas ang pinto ng elevator.
"Puno na 'yung elevator," mataray kong sambit.
"Puno ba 'yan?" natatawang niyang sambit sa akin sabay pasok sa loob.
Madali kong iginilid si William sa elevator upang hindi siya malapitan ni Kendra ng biglang nagsalita si Kendra.
"Mabuti naman at bumalik ka dito William." sambit bigla ni Kendra kay William.
Hinawakan ko ng madiin ang kamay ni William upang signal na hindi dapat siya makipag usap kay Kendra.
"You know Pat is our best friend so he told me that your here."
"Bwisit na Pat 'to sinabi dito sa babaeng 'to na nandito si William." inis na sambit ko sa sarili ko.
"Anyway Wil, you look handsome today I hope we get along again."
Nag iinit ang ulo ko dahil sa kalandian nitong babae na 'to kung mahal mo bakit mo pinakawalan! Bakit kailangang masira ang gabi ko sa babaeng 'to.
Pag bukas na pagbukas ng pinto ng elevator ay lumabas na kami ni William at magkahawak kamay na umalis sa harapan ni Kendra. Ngumiti sa akin si William kaya nginitian ko rin siya. Dumaan sa ibang diresyon si Kendra at hindi sa main door.
"I love you," sambit ni William sa akin habang naglalakad patungo sa pool area.
"I love you more!" nakangiting tugon ko sa kanya.
Hinalikan ni William ang kamay ko at nakita ito ng kaibigan niyang si Pat kaya tinukso niya kaming dalawa.
"Kaya pala sobrang tagal niyo!" panunukso niya sa amin.
"Huy!" natatawang tugon ni William sa kanya.
"Hello! Akala ko hindi ka na lalabas ng kwarto," nakangiting sambit ni Mary sa akin.
"Pwede ba 'yun?" tugon ko sa kanya.
"Siya nga pala nandito pala 'yung isa naming kaibigan pero sana wag kang magalit,"
"Si Kendra?"
"Oo! Paano mo nalaman?"
"Ex ni William na ayaw tumigil sa amin kaya kilala ko siya,"
"Aaah ganun ba? Hayaan mo na si Kendra aah? Wag mo na lang pansinin medyo siraulo lang 'yun pero mabait 'yun,"
"Ok sabi mo eeh."
Ngumiti sa akin si Mary at inabutan na ako ng plato at pinaupo sa tabi niya.
"Ok lang ba na tabi tayong dalawa?" tanong sa akin ni Mary.
"Oo pwede naman."
Umupo ako sa tabi ni Mary at nasa kabilang tabi ko naman si William. Masaya naman kasama ang mag asawa na ito ngunit natigil lang ito ng biglang dumating si Kendra na lasing na lasing. Agad na tumayo si Mary sa tabi ko at inasikaso si Kendra.
"Saan ka uminom sis?" tanong ni Mary sa kanya.
Tumawa lang si Kendra sa kanya at kinindatan ako.
"Tuloy niyo lang ang bonding niyo at dito lang muna ako mag iinom sa tabi niyo," natatawang sambit ni Kendra sa amin.
"Kanina pa kita hinahanap at tinatawagan pero hindi ka sumasagot umiinom ka na pala,"
"Ssshhh... Pwede ba mama Mary? Ang pag silbihan mo ay 'yung mga bisita mo hindi ako,"
"Nako naman talaga 'tong babae na 'to! Ooh heto malamig na juice para mahimasmasan ka ng kaunti."
Inabot naman ito ni Kendra at ininom ito agad sabay buga kay William.
"Ooh sorry-sorry William!" sambit niya habang pinupunasan si William ng tissue.
Pinigilan siya ni William sa pag mumunas sa kanya at hinubad na lang ang damit niya.
"Ok na Kendra." pasasalamat ni William sa kanya.
Nakatingin lang ako nito sa kanila at hindi na lang masyadong pinansin ang ginawa ni Kendra kay William ngunit hindi pa natapos si Kendra sa ginawa niya at tumabi ito kay William tsaka sandal sa balikat nito.
Dahil sa nasa tabi ko lang si William ay agad akong tumayo sa kinauupuan ko at pinalipat ko ng upuan si William.
"Love? Halika palit tayo para naman makatulog ng maayos si Kendra sa tabi ko," seryosong sambit ko.
Napatingin silang lahat sa akin habang inilalagay ang ulo ni Kendra sa balikat ko.
"Hindi ko alam na mababa lang pala ang tolerance ng alak sa katawan ni Kendra or baka naman gumagawa ka lang ng pagkakataon para maka-score ka sa boyfriend ko?" pataray na tanong ko kay Kendra.
Hindi tumugon sa akin si Kendra kaya inabot ko ang alak sa harapan ko at inilagay ito sa baso ko sabay inom nito.
"Wala bang music dyan para mas maganda ang party natin?" nakangiting tanong ko sa kanila.
"Aaah a-ano meron," utal na tugon ni Mary sa akin.
"Love?" tanong ko kay William habang nakatingin sa akin.
"Yes love?" nagtatakang tugon niya sa akin.
"Do you know why I really love you a lot?"
"Bakit?"
"Because you are different! Hinding-hindi kita iiwan kahit pa may mga problemang dumadating sa ating dalawa ngayon,"
"Ayun ooh! That's the spirit! Ex na 'yan kaya dapat wag kang ma-insecure sa kanya dahil ikaw ang present!" nakangiting sabat ni Pat.
"Hindi ako insecure Pat ayoko lang na umeepal pa eeh past na nga? Kung mahal mo pala eeh bakit mo hiniwalayan 'di ba? tapos kung kailan may bago na tsaka pa bumabalik! Anong point mo 'di ba?"
"Love let's call it off na kasi this is a party para sana maging masaya tayo ngayon at mag enjoy," bulong ni William sa akin.
"Sorry kung medyo naging seryoso ako huh? ayoko lang talaga ng ganitong piling kaya ganito ako,"
"Nako ok lang 'yun! Ganyan naman talaga ang unang reaksyon ng babae kapag may lumalandi sa mga boyfriend o asawa nila," nakangiting sambit ni Mary sa akin.
"Thank you for understanding Mary," nakangiting sabi ko sa kanya.
"Ok na! Let's start the party!" sigaw ni Pat sabay bukas ng champaigne.
Binuksan ni Mary ang bluetooth speaker at nagpatugtog kami ng mga pang disco na tugtog at nagsimula na kaming mag saya na apat habang mahimbing ang tulog ni Kendra sa tabi ko.
Ilang oras pa at medyo nagkakatama na kaming apat kaya't nag ayaan na kaming maligo sa pool para mawala ang mga amats namin.
"Ang lalim pala ng swimming pool nyo!" sigaw ko.
"Hindi ka ba marunong lumangoy?" tanong ni Mary sa akin.
"Marunong ako," natatawang sambit ko sa kanya. "Nagulat lang ako kasi ang typical na swimming pool kasi mababaw hanggang sa palalim,"
"Aaah... Malalim talaga 'yung pwesto natin kasi dun sa kabila ang mababaw," nakangiting tugon niya sa akin.
"Aaah ganun ba? Akala ko malalim lang lahat 'to,"
"Hindi," natatawang tugon niya sa akin.
Habang nag uusap kaming dalawa ni Mary ay lumapit sa amin sina William at Pat.
"Pool fight!" sigaw ni Pat sabay lusong sa ilalim at kuha ng hita ng asawa niya.
Nasa balikat ngayon ni Pat si Mary kaya ginawa din ni William ang ginawa ni Pat kay Mary at inilagay niya ako sa kanyang balikat.
Hindi ko pa nasusubukan ang ganitong ginagawa sa pool kaya hindi ko alam kung paano ako sasampa sa balikat ni William kaya nakailang ulit kaming dalawa na paglusong niya para makasampa ako sa balikat niya.
"Ang hina mo naman William!" panunukso ni Pat.
"Jusko napakakulit nitong partner ko!"
"Paano ba kasi 'yun? Baka first time ko!"
Bumaba si Mary sa balikat ni Pat at pumunta sa likuran ko para tulungan akong sumampa kay William.
"Ok lusong na William para masampa ko si Agatha sayo,"
"Sige."
Lumusong si William sa ilalim ko at binuhat ako ni Mary pasampa kay William at sa wakas ay natapos din kami sa ilang beses na pagsubok ng pagsampa ko sa balikat niya.
"Si Mary lang pala ang hinihintay mo para makasampa ka," natatawang sambit ni William sa akin.
"Thank you Mary," nakangiting sambit ko sa kanya.
"You're welcome sis!"
Lumusong na muli si Pat kay Mary at sumampa na si Mary sa balikat ni Pat.
Hindi ko alam kung anong laro 'yung pool fight dahil hindi naman ako laman ng mga ganitong kasiyahan.
Lulusob na si Mary sa akin kaya bigla akong nagulat sa kanya at nalaglag ako sa balikat ni William.
"Yehey! 1 point na kami! Ang matalo dito may consequence huh!" sambit ni Mary sa amin.
"Hala hindi ko alam kung anong klaseng laro 'yan?"
"Madali lang 'to parang maglalaban lang tayo habang nakasampa tayo sa mga partner natin tapos maghahawak kamay tayo then mag tutulakan kung sino malalaglag sa pool siya ang talo," lahad ni Mary.
"Aaah... Napakadali lang pala niyan! Sige! Prepare for a bottle dahil hindi kami uurong!" nakangiti kong sambit sa kanya.
"Ooh? Narinig niyo 'yun? Kami ang mananalo!" natatawang sambit ni William.
Parang mas lalong ginanahan si Mary sa laro dahil siya ang tipo ng babaeng hindi mag papatalo pero wag ako dahil kung sa akala nila ay hindi ko kayang ipanalo ito ay nagkakamali kayo.
Dahil sa dedikasyon kong manalo sa laban ay mabilis din akong nakasampa kay William. Nag aalab ang aking mga mata sa tagumpay kaya pag sabi ni Mary ng go ay agad akong lumusob sa kanya at napatumba siya.
"Yehey! Kami ang nanalo!" masayang sambit ko sa kanila.
Sobrang saya naming dalawa ni William dahil talo namin 'yung mag asawa sa unang subok ko ng larong ito.
"Aba! Hindi kami papatalo!" sigaw ni Pat sa amin.
"Oo! Hindi kami papatalo!" natatawang sambit ni Mary habang sumasampa sa balikat ni Pat.
Sumigaw muli si Mary ng go at lumusob muli ako sa kanya at sa pangalawang beses ay napatumba namin sila.
"Yehey!" masayang sigaw ko muli.
"Daya! Akala ko ba hindi pa nakakapaglaro ng ganito si Agatha," natatawang sambit ni Mary sa akin.
"Well," pang aasar ko sa kanya.
"Hindi ka na makakaulit!" sigaw ni Mary sa akin sabay tawa ng pang bruha.
Natatawa lang ako sa kanya ngunit hindi pa rin ito dahilan para mag patalo ako sa kanila.
Sumampang muli si Mary sa balikat ni Pat.
"Ito na ang huling round kapag kayo ang nanalo ay kami ang gagawa ng consequences,"
"Ano ba ang consequence?"
"Secret!" natatawang sambit ni Mary sa akin.
"Ok sige! Call!"
Sumenyas na si Mary at sumigaw ng go. Sobrang igting ng labanan naming dalawa ngunit parang may pumasok na malakas na pwersa sa akin at naitumba ko si Mary.
Nag bunyi ako dahil panalo kami ni William sa laban na ito ngunit hindi ko alam na nabalian pala ng hinliliit si Mary dahil sa sobrang lakas at higpit ng hawak ko sa kanya.
Mula sa pagkakabagsak ni Mary sa tubig ay madali siyang sinagip ng asawa niyang si Pat.
"Mukang nabali ang hinliliit ko," malungkot na sambit ni Mary sa amin.
"Hala? Hindi nga?" kinakabahang sambit ko sa kanya.
"Oo," malungkot na sambit niya. "Hala may dugo ang ilong mo!" sigaw naman ni Mary sa akin.
Agad na binaba ako ni William sa balikat niya at tiningnan ako.
"Dinudugo nga ang ilong mo Aga." sambit niya sa akin sabay sampa sa akin sa aisle ng pool.
Pinunasan ko ng kamay ko ang ilong ko at tumayo na ako para pumunta sa kubo. Ako ang naunang nakapunta ng kubo at dalawa lang kami ni Kendra na nandoon.
Habang pinupunasan ko ang ilong ko ng tissue ay biglang tumawa sa tabi ko si Kendra. Isang nakakalokong tawa ito.
"I know your secret Agatha," sambit niya sabay tingin sa akin.
"Huh? Anong sinasabi mo?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
"The guy on that night?" pang aasar niya sa akin.
"The hell you're talking about Kendra?"
Umupo si Kendra sa tabi ko at tinawanan ako. Papalapit na si William ng mga oras na ito kaya nananahimik na ako.
"Hey! Kumusta love?" sambit niya sa akin sabay kuha ng tissue at punas ito sa ilong ko.
"Wala lang 'to love. Kumusta si Mary?"
"Ok na 'yung dalari niya nag lock lang sa paghawak niyo siguro sa isa't-isa,"
"Aaahh.. Mabuti naman kung ganun akala ko kung ano ng nangyari sa kanya."
Habang nag uusap kami ni William sa tabi ni Kendra ay hindi maiwasan ni Kendra na tumawa ng malakas nababaliw na ata 'tong babae na 'to kaya tawa nang tawa kahit walang nakakatawa.
Nakailang punas na si William sa ilong ko at mabuti na lang at tumigil na ito sa pagdurugo.
Uminom ako ng malamig na tubig para maibsan ngayon ang uhaw ko dahil na rin sa malakas na pwersa ang nawala sa akin dahil sa labanan namin ni Mary.
Dumating na sila Mary at tumabi na ito sa akin.
"Kumusta ang daliri mo?" tanong ko sa kanya.
"Ok na siya naglock lang pala siya akala ko nabali," natatawang tugon niya sa akin.
"Aaah mabuti naman kung ganun akala ko kung anong nangyari na sayo,"
"Ikaw ba kumusta ka? Nag dudugo pa ilong mo?"
"Hindi na ok na ako!" natatawang tugon ko sa kanya.
"Mabuti naman kung ganun. Grabe ang lakas mo pala!" natatawang sambit ni Mary sa akin.
"Talaga ba? Ikaw rin naman ang lakas mo!"
"Mas malakas ka!"
"So ano nang consequence ang gagawin niyo?" tanong ko sa kanya.
"Dad? Ano daw consequence?" tanong ni Mary kay Pat.
"Dahil sa traditional na sa amin ito ay ipapakilala ko sayo kung anong consequence ang gagawin namin."
Kumuha ng dalawang baso si Pat at inilagay ang lahat ng condiments na meron sa aming la mesa at alak pagkatapos ay pinaghalo niya ito sabay abot ng isang baso kay Mary.
Nakakadiring tingnan 'yung alak na iinumin nilang dalawa. Mabuti na lang at kami ang nanalo dahil kung hindi ay masuka-suka akong iinom nito.