Akala ni William ay matatapos na ang palabas ko dahil lang sa pagsubo ng kanyang ari ngunit hindi pa dito natatapos ang lahat dahil mas magaling na ako ngayon at mas hubog na ako dahil sa ilang beses na rin kami nakapagtalik na dalawa ni William.
Hindi ako nanunuod ng mga x-videos pero piling ko alam ko na lahat ng mga posisyon para sa isang exciting na gabi namin ngayon ni William. Habang umiindayog ako sa taas ni William ay para akong nauulol sa sobrang sarap. Mas lalo akong nababaliw ngayon dahil pareho kaming palaban ni William at wala ni isang nagpapatalo sa amin sa oras na ito.
Sobrang tagal kong nag drive sa kanya hanggang sa mapagod at matuyo ako sa kakagiling ko sa itaas niya. Ilang minuto pa ang lumipas ay nawalan na ako ng lakas at si William na ang nag take charge sa akin.
Sa bawat galaw ni William sa akin piling ko mawawasak ang perlas ko sa sobrang lakas at sobrang bilis ng pagbayo niya sa akin.
"William!" sigaw ko sa kanya habang habol-habol ang hininga ko.
"What?" tanong niya sa akin habang umiindayog sa harapan ko.
Napapadila at napapaungol na lang ako sa kanya dahil sa sobrang nakakabaliw na gabing ito. Pagod na ako ngunit patuloy pa rin kami ni William sa pagpapalabas ng mga likido sa aming katawan hanggang ngayon kasi hindi pa namin nakakamtan ang rurok ng kasiyahan.
"Malapit na!" sambit ni William sa akin sabay mas madiin at mas mabilis na indayog sa akin.
Napapaungol ako ng malakas kaya't tinakpan niya ang aking bibig.
Ilang minuto pa ang lumipas at natapos na din kaming dalawa ni William sa aming nakakapagod na ehersisyo. Pagkatapos naming magpalitan ng init ng katawan ni William ay humiga na kaming dalawa sa kama at nagyakapan na dalawa.
"Grabe! Parang ibang tao ka kanina," panunukso ni William sa akin.
"Oo nga hindi ko rin naintindihan sarili ko parang may sumanib sa aking malibog na kaluluwa!" natatawa kong sambit sa kanya.
"Ito ang pinaka the best na araw para sa akin," sambit niya sabay halik sa balikat ko.
"Talaga ba? Sobrang nag enjoy ka talaga?"
"Oo! Tingnan mo naman kung ilang posisyon ang ginawa mo para sa akin at talagang sobrang galing mo!"
"Compliment ba tawag diyan?"
Niyakap ako ng mahigpit ni William habang nakatalikod ako sa kanya.
"I will do everything para mag stay ka sa akin." malambing na sambit niya sa akin.
Humarap ako kay William at hinalikan siya sa kanyang labi.
"I will try to change myself para sayo,"
"No! You don't have to. Minahal kita na ganyan ka kaya gusto kong ganyan ka lang,"
"Sure ka? Edi hindi na ako mag aral na magluto para sayo? Ok lang ba?"
"Except for that one,"
"Sus! Sabi na eeh!"
Niyakap ako ng mahigpit ni William sabay bugtong hininga.
"I think I'm tired,"
"Kahit ako din napagod ako,"
"Tulog na muna tayo tapos after nito bumaba na tayo sa mezzanine para bumili ng damit mo,"
"Ok sige."
Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko at madali akong nakatulog sa mga braso ni William.
Lumipas ang mga oras at tumunog ang cellphone ni William. Pagdilat ng mga mata ko ay sobrang dilim ng kapaligiran at sobrang tahimik.
"Love, tumutunog ang cellphone mo." sambit ko kay William sabay yugyog sa kanya.
Hindi kumibo si William kaya't bumangon na ako at hinanap ko ang switch ng mga ilaw sa loob ng kwarto. Paghanap ko ng switch ng ilaw ay agad kong binuksan ang ilaw at parang may naaninag akong malaking anino mula sa sala kaya't tumakbo ako ng mabilis kay William at ginising siya.
"William!" sigaw ko kay William.
"Ano 'yun?" iritableng tugon niya.
"May anino! Dalian mong gumising at natatakot na ako!" sigaw ko sa kanya.
Bumangon na si William at binuksan ang lahat ng ilaw sa loob ng kwarto namin.
"See? Wala namang anino dito tsaka baka anino mo lang 'yun! Masyado ka na namang matatakutin niyan Love,"
"Baka nga siguro,"
"Anong oras na?"
"Hindi ko alam pero kanina pa may tawag ng tawag diyan sa cellphone mo,"
"Ganun ba? Check ko lang saglit aah."
Kinuha ni William ang cellphone niya sa la mesa sa tabi ng aming kama at tiningnan kung sino ang tumawag dito.
"Si Pat," sambit niya.
"Ooh? Bakit anong oras na ba?" tanong ko sa kanya.
"Mag alas nueve na pala," natatawang tugon niya sa akin.
"Hala ka,"
"Hayaan mo na 'yun! Ano? Tara na ba sa baba?"
"Sige pero palit muna ako ng damit?"
"Bili muna tayo ng damit bago ka mag palit,"
"Sabi ko nga bibili muna bago mag palit! Epal mo talaga!"
Hinila na ako ni William at hinawakan ang kamay ko pagkatapos nito ay umalis na kami sa silid at tumungo na sa mezzanine floor para bumili ng damit ko na susuotin.
Sumakay na kami sa elevator at ngayon ko lang napansin na ang elevator pala na ito ay napapaligiran ng mga salamin.
"Mygad bakit ganito naman ang elevator na 'to,"
"Bakit?"
"Ang pangit kasi nakikita ko reflection ko,"
"Bakit ayaw mo bang makita mo sarili mo sa salamin?"
"Hindi naman sa ganun pero kasi nakaka-trauma 'yung ganitong klaseng elevator,"
"Kung natatakot ka hawak ka lang sa akin,"
"Ok sige."
Humawak ako ng mahigpit kay William at ipinikit ko ang aking mga mata hanggang sa magbukas ang elevator sa first floor.
Madali akong lumabas ng elevator at sa paglabas ko ay may nasangga akong babae.
"Watch your step idiot!" sigaw ng babae sa akin.
Madali akong humingi ng paumanhin sa kanya ngunit ng nakita ko ang mukha ng babae ay imbis na mag sorry pa akong muli ay tinarayan ko na ito.
"Anong ginagawa mo dito Kendra?" galit na tanong ko sa kanya. "Sinusundan mo ba kami?"
"Who's talking? Duh? Bakit kita susundan?" asar na tugon niya sa akin.
"So si William sinusundan mo? Hindi ka pa rin maka move on girl?"
"Move on?" iritableng tugon ni Kendra. "Girl alam mo si William? He's just a easy guy and like the hell? Ipipilit ko sarili ko sa taong niloko ako? Duh? I'm not that stupid b***h!" sambit niya sa akin sabay tulak sa akin palayo sa kanya.
Tinalikuran ako ni Kendra at pumasok na siya sa elevator bago pa man magsara ang pinto ng elevator ay madali kong hinila si William palabas dito.
"Bakit hindi mo pinagtanggol sarili mo?" nakataray kong sambit sa kanya.
"Hayaan mo na lang siya bakit nakikipag away ka pa eeh dapat masaya tayo ngayon? 'di ba?"
"Pero syempre gusto ko lang na i-sure na wala na siyang feelings sayo,"
"Alam mo past na 'yun dapat hindi na binabalikan pa,"
"Pero-" putol kong tugon dahil bigla akong hinalikan ni William sa aking labi.
"Ok na?" nakangiting sambit niya sa akin sabay hawak ng kamay ko.
"Ok na." nakangiting tugon ko sa kanya.
Gumaan muli ang pakiramdam ko dahil kay William. Urat na urat talaga ako kapag nakikita ko si Kendra dahil sa ginawa niyang pang gugulo sa amin ni William nung nakaraang linggo siya din ang naging dahilan kung bakit ako nagbago ng sarili ko ngayon. Gusto ko kasi nasa akin lang ang atensyon ni William dahil ayokong mawala siya sa akin.
Tumungo na kami sa mini department store na pag mamay-ari ni Mary para bumili ng damit na susuotin ko ngayon.
Pag pasok namin sa loob ay parang simpleng store lang naman siya maliit lang ang pwesto dahil hindi naman talaga magiging mabili ang pwestong ito dahil medyo tago din at nasa loob ng hotel.
Bumili kami ni William ng mga toiletries namin na gagamitin namin sa araw na ito at bumili na din ako ng disposable na undies at pwede kong gamitin na pang swimming dahil for sure naman na sa night swimming mauuwi itong inuman na ito.
Pagkatapos naming bumili ni William ng mga gamit ay bumalik na muna kami sa kwarto namin para makapag palit ako. Habang nasa elevator kami ni William ay tumunog muli ang cellphone niya at tiningnan niya ito at si Pat na naman ang tumatawag.
Sinagot na ito ni William at kinausap siya. Ni-loud speaker ni William ang tawag ni Pat para marinig ko ang usapan nilang dalawa.
"Ooh pare?" tanong ni William sa kanya.
"Anong ooh pare? Nakahanda na kami dito sa pool area nasaan na kayo?"
"Napasarap kami kanina-" putol na sambit ni William kay Pat dahil kinurot ko siya. "Napasarap ng tulog mag palit lang kami saglit,"
"Sige-sige mag suot na din kayo ng pang swimming attire dahil pagkatapos nito ay mag su-swimming tayo,"
"Sige." tugon niya sabay baba ng tawag ni Pat. "Ikaw huh! bakit mo ako kinurot huh?"
"Syempre mamaya kung anong sasabihin mo kay Pat!"
Natawa ng malakas si William sa sinabi ko sa kanya.
"Ikaw talaga love kaya sobrang nababaliw ako sayo kasi sobrang iba ka sa kanila. Ewan ko ba kung anong saltik meron sayo pero sobrang ang cute mong tingnan kapag nagagalit ka,"
"Luh? Kikiligin ba ako diyan?" sambit ko sa kanya habang pilit na kinikilig.
"Sus! Kahit hindi mo sabihin kilig na kilig ka na diyan!"
"Ssshhhh..."
Lumabas na kami ng elavator ni William at naglakad na kami patungo sa aming kwarto ng bigla namin muling nakita si Kendra na lumabas sa tabing silid na ito.
"Like the f**k?" inis na sambit ko.
"Ooh? Talagang pinagtatagpo tayo ng tadhana Agatha? Siguro meron talaga akong mission sayo kaya lagi tayong nagkikita ngayon? Ano kaya 'yun? May idea ka ba?" pang aasar niya sa akin.
Inirapan ko lang si Kendra at hinila ko si William papunta sa pinto ng kwarto namin. Madali kong kinuha ang tap card kay William at tinap ko ito sa pinto ng kwarto namin upang makapasok na kami ni William agad sa loob.
Pagbukas ng pinto ay agad kong hinila si William papunta sa akin at hinalikan ito sa kanyang labi upang makita ni Kendra kung paano kami nag mamahal na dalawa ni William at syempre gusto kong ingitin din ang bruha para matigil na siya sa kakagulo sa aming dalawa ni William.