"Hello mabuti na lang at nakapunta kayo dito," nakangiting sambit niya sa amin. "Hindi rin ako na inform na dito kami pupunta edi sana nakapag damit ako ng maayos," tugon ko sa kanya. "Ano ka ba ok lang naman sa amin kung anong suot mo," nakangiti niyang sambit sa akin. "Alam mo ang ganda mo noh? Muka ka pang santo siguro Mary pangalan mo?" panunukso ko sa kanya. "Ang galing!" natatawang sambit niya sa akin. "Bakit? So Mary nga pangalan mo? parang kay mama Mary?" "Oo! Ewan ko ba kung bakit Mary ang pinangalan sa akin eeh pwede namang Mae o Michelle," "Maganda naman sayo 'yung pangalan mo bagay na bagay nga eeh," nakangiting tugon ko sa kanya. "Wow! Salamat!" patawa-tawa niyang tugon sa akin. Mabilis na pumalagay ang loob ko kay Mary dahil sobrang bait niya sa akin. Kahit kakakilal

