Pagkatapos akong mawalan ng malay ay hindi ko na alam kung anong mga sumunod na nangyari ngunit pag gising ko ay masayang nakatingin sa akin si William.
"Anong nangyari?" tanong ko agad sa kanya.
"Ok na! Hindi ka na niya gagambalain pa," nakangiting tugon niya sa akin.
"Talaga?"
"Oo! Sabi ko sayo malaking tulong 'tong si doktora para ma-overcome mo 'yang gumagambala sayo."
Tumingin ako kay doktora at ngumiti.
"Salamat po doktora," nakangiting sambit ko sa kanya.
"Walang anuman basta kapag nagkaroon kayo ng problema ay wag kayong mag alinlangan na lumapit sa akin,"
"Sige po doktora," tugon ni William sa kanya.
"Ooh siya umuwi na kayo para makapag pahinga na kayo,"
"Salamat po ulit doktora."
"Wag niyong kakalimutan 'yung susunod na session natin aah,"
"Opo."
Binuksan na ni William ang pintuan at lumabas na kami ngunit bago pa man ako tuluyang makalabas ng silid na ito ay parang nangusap ang aming mga isip ni doktora at nagkangitian na dalawa.
Hinawakan ni William ang kamay ko at naglakad na kami palabas ng ospital. Wala na 'yung mga pasyente sa labas at wala na ring nakakalat na tao sa labas kaya sobrang tahimik at peaceful ng lugar.
"Saan mo gustong kumain?" tanong sa akin ni William.
"Hmmm... Kahit saan na lang," tugon ko sa kanya.
"Sure ka kahit saan? Mamaya kapag dinala kita sa kainan na gusto ko magreklamo ka?"
"Hindi ok lang ako,"
"Chinese Cuisine? Baka gusto mo mag Samgyupsal para naman makaamoy ka ng usok ng karne? Or gusto mo siguro ng sushi at ramen ng japan? O baka naman gusto mo ng Beef steak?"
"Kahit ano pa dyan,"
"Ok!"
Paglabas namin sa ospital ay biglang umihip ang malakas na hangin sa aming dalawa ni William. Nagkatinginan kaming dalawa at bigla na lang siyang natawa.
"Don't worry love hindi ka na guguluhin nung anino na sinasabi mo," sambit niya sa akin.
"Paano mo nalaman na anino siya?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Alam mo habang nasa ilalim ka ng hypnostismo ni doktora ay nagsasalita ka kung anong nakikita mo,"
"Talaga? Kung sinasabi ko pala lahat ng nakikita ko habang natutulog ako eeh bakit tinanong pa niya kung anong mga nakita ko?"
"Siguro sinubukan ka lang niya kung magsasabi ka ng totoo sa nakita mo,"
"Aaah ganun ba? Bakit mukha ba akong magsisinungaling?"
"Hindi naman sa ganun pero syempre iba pa rin kung galing sayo mismo,"
"Sabagay."
Pumara na ng taxi si William at sumakay na kami doon. Mabilis na pinaandar ng driver ang sasakyan patungo sa lugar kung saan gustong kumain ni William.
"Saan tayo kakain?"
"Secret,"
"Sabi mo walang taguan ng sikreto pero ngayon harap-harapan mo akong pinagtataguan?"
"Hindi ba pwedeng surprise lang? Syempre hindi naman pwedeng hindi kita surpresahin," nakangiting sambit niya sa akin.
"Ikaw ang bahala."
Lumipas ang ilang minuto ng biyahe namin ni William ay dumating na kami sa pupuntahan namin. Pagbaba ko sa sasakyan ay nakita ko ang isang napaka gandang restaurant. Napapaligiran ng mga bulaklak ang gilid nito at may swimming pool sa bandang likuran na natatanaw mo mula sa labas dahil glass ang buong haligi ng restaurant.
"Infairness ang ganda dito sa lugar na ito aah," nakangiting sambit ko kay William.
"Dito kita dinala kasi dito ka nababagay," pambobola niya sa akin.
"Aysus! Ang daming alam naman nito! Kaso nga lang hindi ba nakakahiya para sa ating dalawa na kumain diyan? Mukang magagara ang mga kasuotan nila ooh? tapos tayong dalawa nakapambahay lang,"
"Ano naman kung nakapambahay tayo? Eeh hindi naman tayo magsusuot ng damit dahil dito tayo sa labas mag da-dine na dalawa tapos dito kita aanakan," panlalandi niya sa akin.
"Kadiri ka talaga! So anong trip mo maghubod-hubad tayong dalawa dito?"
"Kung gusto mo bakit hindi?" pang aasar niya sa akin.
"Sira ka talaga!"
"Hindi joke lang. Kaibigan ko kasi may ari nitong restaurant na ito kaya dito kita dinala at syempre gusto kitang ipakilala sa kanya na girlfriend ko at soon na magiging wife ko." nakangiting sambit ni William sa akin.
Bigla akong natigilan sa sinabi ni William sa akin at kinabahan ako ng bahagya.
"Ipapakilala mo ako sa kaibigan mo? Ang aga naman para ipakilala mo ako sa kanila," nahihiyang sambit ko.
"Bakit ka mahihiya sa kanila eeh wala ka namang dapat ikahiya,"
"Basta nahihiya ako,"
"Pero dahil sa ayaw mong magsabi kung saan tayo kakain ay ako na ang namili kaya sa ayaw mo o sa gusto dito tayo kakain," pamimilit niya.
"No!"
Tumalikod ako kay William at akmang aalis na ako ng biglang may tumawag sa pangalan niya.
"William!" tawag ng isang lalaki.
"It's been a long time! kumusta ka?"
"Ito ok naman ako heto nga pala ipapakilala ko sayo 'yung pinakamamahal kong babae."
Nakatalikod ako kay William nito ngunit hinila niya ako papalapit sa kanya.
"Meet my soon to be wife, Agatha," sambit niya.
"Wow! Nice! Siya na ba talaga ang end game mo?"
"Yes!"
"Oww really good to know that pare! By the way, I'm Patricio pero you can call me Pat," nakangiting bati niya sa akin sabay abot ng kanang kamay niya.
"Agatha," tugon ko sa kanya sabay abot ng kamay niya.
"Ooh pre that's my girl huh mamaya mahulog ka diyan,"
"Sira!" sabay tawa niya. "Pasok kayo sa loob at ipapakilala ko rin 'yung aking pinakamamahal na asawa,"
"Asawa? For real?"
"Oo! Paanong hindi mo nalaman na kasal na ako eeh dinown mo lahat ng soc med mo tapos no where to be found ka pa,"
"Kailan ka kinasal?"
"Last 5 years and a half? Mag 6 years na kami ng asawa ko at may anak na akong tatlo," natatawang lahad niya.
"Hindi ko alam pasensya na pero sige magpakasal na lang ulit kayo tapos aattend kami ng girlfriend ko,"
"Sira ka talaga! Halika na at kumain na kayo sa loob. Anyway, kung hindi ka magagalit anong nangyari diyan sa noo mo?"
"Aaah eto? Nadulas kasi ako sa banyo kanina tapos ayun sa ospital na ang gising ko,"
"Ayun lang! Sa susunod ingat na lang,"
"Oo sige salamat."
Sinundan namin si Pat sa loob ng restaurant at mas lalo akong namangha na ang theme niya sa loob ay parang nasa loob ako ng palasyo ni Elsa ng the frozen.
Nangingitab ang mga sahig na gawa sa crystal at ang lahat ay gawa sa glass.
"Maganda ba?" tanong sa akin ni William.
"Oo ang ganda ng lugar,"
"Ako nag design nito at gumawa,"
"Really?"
"Oo! Actually sosyo kami ni William dito sa restaurant kaso parang ako na lang nag papatakbo kasi sa loob ng anim na taon ngayon lang siya bumalik dito at nagpakita," natatawang sambit ni Pat.
"Naipon na pala ang kita ko dito noh?" pang aasar ni William kay Pat.
"Oo pare! Akala ko nga akin na lang lahat ng kita nag pakita ka pa!" natatawang tugon ni Pat. "Ooh siya diyan na muna kayo at ipapahanda ko ang pagkain niyo,"
"Sige!"
Umupo na kami ni William sa isang bakanteng upuan doon at doon kami nag kwentuhan na dalawa.
"Mukang mabait naman 'yung kaibigan mo at medyo FC siya huh,"
"FC? Ano 'yan?"
"Feeling close," natatawa kong tugon sa kanya.
"Yun lang pala akala ko kung ano na. Ganun talaga kaming magkakaibigan piling close kami sa mga nagiging partner ng mga kaibigan namin syempre para to build friendship na din,"
"Sabagay maganda nga kung ganyan para walang OP,"
"OP? Ang dami mo namang mga alien words ngayon?"
"Out of place gaga neto!"
"Nandito na ang especialty ng restaurant namin ang smoke beef with mashed potato and asparagus," singit ni Pat sa amin ni William.
"Wow! Salamat!" sambit ni William.
Sinimulan na ni William hatiin ang beef at nagulat ako na sobrang dali niya itong nahiwa. Nakakalaway kung paano kumain si William kaya kinuha ko na rin ang kutsara at tinidor ko para simulan ko na rin ang pagkain nang pagkain ko.
"What do you think Agatha?" tanong sa akin ni Pat.
"Honest review. Masarap siya at tender usually kasi kapag beef 'di ba makunat, mahirap ngalngalin pero 'yung sayo ang lambot at sobrang juicy!" tugon ko sa kanya.
"Wow! Thank you! Bale own recipe siya ng asawa ko,"
"Oo nga asan ang asawa mo?" tanong ni William kay Pat.
"Wait lang kasi busy siya sa desert niyo eeh. Siya ang nag hands on dito dahil special guest daw kayo,"
"Ang sweet naman ng asawa mo,"
"Oo naman! Kaya nga sobrang swerte ko sa kanya kasi marunong siya sa lahat. Bihira lang ang babaeng ganyan marunong magluto," natatawang sambit ni Pat sa akin.
"Aaahh oo nga mahirap makahanap ng marunong magluto," tugon ko sa kanya sabay tingin kay William at irap.
"Sige wait lang guys at kunin ko pa 'yung dessert niyo at drinks,"
"Ok sige!"
Tumingin ako ng matalim kay William ngunit ngumiti lang siya sa akin at tumawa.
"Medyo matabil ang bunganga ng kaibigan mo huh. Puputulin ko 'yung dila niyan,"
"Grabe ang bad naman ng baby ko. Masarap naman 'yung fried egg mo at 'yung black rice na luto mo. Ok naman ako dun," pang aasar niya sa akin.
"Siguraduhin mo lang dahil kung hindi ikaw iluluto ko,"
"Ako na lang kainin mo," sambit niya sa akin sabay kindat.
"Yuck!"
Ipinagpatuloy na namin ang pagkain namin ni William at ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na si Pat kasama ang kanyang asawa.
Ang ganda ng asawa niya parang mama Mary ang mukha dahil sobrang amo tapos pag magsalita ang lambing. Sino ba namang hindi maiinlove sa kanya eeh nasa kanya na ata lahat ng katangian ng isang ideal wife samantalang ako sobrang mainitin ulo kaya pati mga niluluto nasusunog pa.