Pagpasok ko sa loob ay nakaramdam ako ng bigat sa katawan ko ngunit itinuloy ko pa rin ito para na rin matapos na ang banggaan namin ni William.
Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang isang babae na nakaupo sa upuan habang umiinom ng tea.
"Ms. Agatha! kumusta?" tanong niya sa akin.
Napatingin ako sa kanya at napakunot ang noo ko.
"Upo ka muna at magkwentuhan tayo." sambit niya.
Umupo ako sa harapan niya at mas lalong nakaramdam ako ng bigat sa katawan ko.
"Grabe ang lakas ng pwersa mo aah," nakangiting sambit niya sa akin.
"Ano 'yun doktora?" naguguluhang tanong ni William sa kanya.
"Ilang taon na siyang nasa iyo?" tanong niya sa akin.
"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo doktora," naguguluhang tugon ko sa kanya.
"Anyway inom ka muna calming tea para mas mabilis kang kumalma. May nanabunot pa sayo sa labas?" natatawang tanong nito sa akin.
"Paano niyo po nalaman 'yun?" tanong ni William sa kanya.
"Ilang taon na ako dito sa ospital na 'to kilala ko ang mga pasyente dito lalo na si Inday. Nananabunot talaga 'yun ng mga bagong pasyente at kung ano-ano sinasabi pero minsan 'yung mga sinasabi nun totoo,"
"Aaah ganun po ba?"
Napapalunok ako sa sinasabi ng doktora kay William kahit hindi niya idiretso sa akin ay alam kong alam niya kung anong sinasabi niya.
"Ayusin ko lang ang mga kailangan kong gamit para masimulan na natin ang session na ito." sambit niya sa amin sabay tayo sa kinauupuan niya.
Pumunta si doktora sa kanyang la mesa upang kumuha ng mga kandila at binuksan niya ito sa harapan ko. Tumungo siya sa gilid ng la mesa niya at binuksan naman niya ang humidifier.
Umupo siya sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko sabay pikit ng kanyang mga mata.
"Akala mo hindi kita makikita aah." seryosong sambit niya.
Napapatingin na lang kami ni William sa kanyang kung anong sinasabi niya habang nakapikit ang mga mata niya.
Ilang segundo lang ang itinagal niya rito at dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata at ngumiti sa amin.
"Nakalimutan kong buksan ang cassette tape ko at magpatugtog," nakangiting sambit niya sa amin.
"Aaah ok po." tugon ni William sa kanya.
Habang binubuksan ni doktora ang kanyang recording tape at nagpapatugtog na malumanay na kanta ay pinahiga niya ako sa mahabang sofa.
"Ipikit mo lang ang mga mata mo Agatha at ikalma mo lang ang sarili mo. Tutulungan kita na makalaya sa kanya."
Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko habang nakahiga ako sa sofa.
"Sandali lang at makakatulog ka. Sa iyong panaginip ay marami kang makikitang mga tao na pamilyar sa iyo ngunit hangga't maaari ay wag mo silang kakausapin." paalala niya sa akin.
Medyo mahina at blurry na ang pandinig ko ng mga oras na ito kaya hindi ko na masyado pang narinig ang iba pa niyang mga sinabi sa akin at tuluyan na nga akong nakatulog.
"Agatha, gumising ka." tawag sa akin ng doktora.
Idinilat ko ang aking mga mata at dahan-dahan akong umupo sa kinahihigaan ko. Habang kinukuskos ko ang aking mga mata ay nagbabago din ang lugar. Nawala sina William at doktora sa aking harapan at parang naging bakanteng kwarto ang pinupwestuhan ko.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at nawala rin ang sofa na inuupuan ko.
"Makinig ka sa akin Agatha, nasa loob ka ng iyong isipan ngayon,"
"Ano?"
"Pakinggan mo ang mga sinasabi ko sayo,"
"Huwag kang kakausap ng sinoman diyan. Tingnan mo lang sila dahil mga nasa loob lang ito ng utak mo at hindi ito totoo,"
"Anong dapat kong gawin?"
"Maglakad ka lang at may makikita kang pinto pagkatapos ay pumasok ka rito."
Sinunod ko lang ang sinabi ng doktora sa akin at naglakad lang ako hanggang makakita ako ng pinto. Pumasok ako dito at sa pagpasok ko ay bigla na lang akong napunta sa bahay namin.
"Bakit ako nandito?" tanong ko na lang bigla sa sarili ko.
Dahan-dahan akong naglalakad sa loob ng bahay namin ng bigla kong makita ang ina kong abalang nagluluto ng agahan naming pamilya. Umupo ako sa la mesa upang pag masdan siya habang nagluluto siya ng pagkain ay bigla siyang napatingin sa akin.
Nagulat ako sa ginawa niya kaya napatayo ako sa kinauupuan ko.
Umurong ako palikod para mawala ang tingin ko kay mama ng bigla niyang isinigaw ang pangalan naming dalawa ni Agatha.
"Agatha! Syrina! Baba na dito at kakain na tayo ng agahan!" sigaw niya habang nakatingin sa hagdan.
Sinundan ko ang kilos ni mama at nakarinig ako ng kalabog sa itaas kaya tumungo ako doon at nakita ko ang sarili ko na nagmamadaling bumaba sa hagdan habang patakbo siyang pababa sa hagdan ay bigla rin siyang napatingin sa akin at ngumiti ng matalim.
"Nakikita ba nila ako?" tanong ko sa sarili ko.
Tumungo ako sa silid kung nasaan si Agatha at nakita ko siyang masarap ang tulog kaya tinitigan ko lang siya ng bigla siyang nagsalita sa akin.
"Wag mo nga akong titigan ng ganyan Syrina," sambit niya sa akin sabay ngiti habang kinukuskos ang kanyang mga mata.
"Na-" putol kong sambit. "Bawal pala ako makipag usap sa kanila bakit kaya?" tanong ko sa sarili ko.
Nakarinig ako ng malakas na yabag mula sa labas kaya nagtago ako sa gilid ng tokadora at nakita ko ang sarili ko na galit na galit na pinag sisisipa si Agatha.
"Gumising ka na nga diyan Agatha at ma-lelate na tayo!" galit na sigaw ni Syrina sa kanya.
"Saglit lang naman! ito na nga ooh! gigising na!" sigaw ni Agatha pabalik sa kanya.
Napansin ko ang mood ni Syrina na nagbago at bigla nitong kinausap ang sarili niya.
"Totoo ba talaga ito? o nananaginip lang ako?" sambit niya.
Madaling lumabas si Syrina ng silid kaya sinundan ko siya at nakita ko siya sa harap ng hagdanan na kinukurot ang sarili niya.
"Teka? parang alam ko ang kaganapan na ito? Alam ko 'to!" sambit ko sa sarili ko.
"Oo alam na alam mo ang mangyayari dito pero lalagyan ko ng twist," sambit ni Syrina sa akin sabay pagulong sa hagdan.
"Wag!" sigaw ko.
Nagpadausdos sa hagdan si Syrina sa hagdan kasabay ng takbo palabas ni Agatha. Nanlaki ang mga mata ni Agatha na nakatingin sa kapatid niyang nakabulagta sa sahig.
"Anong nangyari! Hindi ganito ang nangyari dito sa scenario na 'to!" kinakabahang sambit ko habang inaalala ang scenario na ito. "Nagpakurot ako kay Agatha nito ng mga oras na ito at pinagalitan siya ni mama kasi sinumbong ko siya kahit hindi naman niya talaga gustong kurutin ako pero dahil sa pinilit ko siya ay kinurot niya ako."
Nagsisisigaw si Agatha ng makita si Syrina na nakabulagta sa sahig at duguan. Patakbong lumapit si mama kay Syrina sabay galit na nagtanong kay Agatha kung anong nangyari.
"Anong ginawa mo sa kapatid mo Agatha!" galit na sambit ni mama sa kanya.
"Hindi ko po alam kung anong nangyari mama nakita ko na lang si Syrina na ganyan," sambit niya kay mama.
"Ikaw! Sinong gumawa nito sa anak ko!?" galit na tanong ni mama sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko na nakatingin sa kanya sabay turo ko kay Agatha. Agad na hinablot ni mama si Agatha pababa sa hagdan at nasubsob ito sa sahig ngunit walang pakealam si mama sa ginagawa niya kay Agatha. Isinilid ni mama si Agatha sa isang maliit na silid namin sa baba at agad na binuhat si Syrina at inilabas ng bahay.
Nanlalambot ang aking katawan habang tinitingnan ko kung paano nabago ang istorya na ito na nung nakaraan lang ay masaya.
"Anong ginawa mo Syrina?" sambit ko sa sarili ko habang lumuluha.
Nakaupo ako nito sa sahig habang nakatingin ako sa dugo sa sahig ng bigla kong naalala si Agatha na kinulong ni mama.
Sigaw siya ng sigaw mula sa loob at nagmamakaawa na palabasin ngunit walang tulong na darating para sa kanya. Dahil sa konsensya ko ay pinilit ko itong binuksan at laking gulat ko na walang tao sa loob ng silid na ito.
Mula sa labas ay narinig ko ang tunog ng kotse namin at sumilip ako doon. Nakita ko si Agatha na duguan habang nakasandal sa upuan sa kotse.
"Agatha? Sinong nasa silid?" tanong ko sa sarili ko.
Pumasok ako sa loob ng madilim na silid na ito at agad kong hinanap ang pindutan ng ilaw at sa pagbukas ko ng pinto ay isang napakalaking anino ang nakita ko.
Madali itong pumasok sa katawan ko at bigla na lang akong nawala sa panaginip ko.
Isang malalim na hugot ng hininga ang ginawa ko kasabay ng pag balikwas ko sa hinihigaan ko.
Ikinalat ko ang paningin ko at nakita ko si William at ang doktora.
"William!" sigaw ko sabay yakap kay William.
"Anong nakita mo?" tanong sa akin ng doktora.
"Nakita ko ang pamilya ko," tugon ko sa kanya.
"Anong napansin mo sa nakita mo?"
"Nagbago ang panaginip ko na ito hindi 'yun 'yung nangyari noon! Ibang-iba ito!" umiiyak kong sambit sa kanya.
"Ilahad mo naman sa akin kung anong nangyari nung nakita mo ang pamilya mo? Kinausap mo ba sila?"
"H-hindi,"
"Mabuti kung ganun dahil kapag kinausap mo sila ay maiiwan ka sa loob ng isipan mo at hindi ka na makakabalik,"
"Bakit ngayon mo lang sinabi?"
"Bakit? Kinausap mo ba sila?"
"Hindi ko sila kinausap pero-"
"Pero ano? Sabihin mo sa akin!"
"Kinausap nila ako pero hindi ko sila tinutugon tapos tumitingin sila sa akin pero nagtatago ako hanggang sa kinausap ako ng sarili ko at inihulog niya ang sarili niya sa hagdan!"
"Sumagot ka ba?" kinakabahang sambit niya.
"Hindi pero alam kong nakikita niya ako habang ginagawa niya ito."
Agad akong pinaupo ng doktora sa upuan at nilagyan ng isang parang tela na puti sabay pinapikit ang mga mata ko.
Dinasalan niya ako ng isang latin prayer at pagkatapos nun ay nawalan ako ng malay.