I found peace in my room nakatulala lang ako sa kawalan habang inaantay na dapuan akong muli ng antok.
Habang nasa himpapawid ang aking kaisipan ay naalala ko ang matatamis na sandali ko kasama ang unang lalaking nag patibok ng puso ko. Sa dami-dami nang lalaki na makikita ko sa bar at makakasex ko bakit si Yael pa? Hindi kaya ilaglag ako ni Yael sa marami? Ipapakilala na ba niya ako bilang Syrina at hindi Agatha?
Kahit may kaba sa dibdib ko ngayon ay nahahaluan naman ito ng kilig.
"Ang laki pala ng kanya," kinikilig kong sambit habang inaalala ang mga nangyari kagabi. "Nauuhaw ako." nasambit ko bigla dahilan para tumayo ako sa kinahihigaan ko at bumaba sa kusina para uminom ng tubig.
Pagbaba ko sa kusina ay binuksan ko agad ang ref ko at tumambad sa akin ang napaka bahong amoy nito.
"f**k! Ang baho!" galit na sambit ko sabay sara ng pinto ng ref.
Dahil sa uhaw na uhaw na ako ay kumuha na ako ng baso at isinahod ito sa gripo upang mapawi na ang uhaw kong lalamunan.
Pagkatapos kong uminom ng dalawang baso ng tubig ay nakaramdam na ako ng ginhawa sa katawan ko at sabay takbo sa loob ng banyo upang sumuka.
Suka ako ng suka pagkatapos kong uminom ng tubig at pagkatapos nito ay napasubsob ako sa sahig.
Hindi ko alam kung anong nangyari bakit ako biglang nasubsob sa sahig at tumama ang ulo ko sa uwang ng bowl. Habang nakasubsob ako sa sahig ay biglang nanlabo ang mata ko matapos kong makita ang sarili ko na naliligo sa sarili kong dugo.
Pagkatapos ng paglalabo ng mata ko ay nahilo ako at nawalan ng malay. Pag gising ko ay nakita ko na lang ang sarili ko na nakahiga sa isang kama na de gulong habang alalang nakatingin sa akin si William habang itinatakbo ako sa isang silid.
"William." huling nasambit ko bago ako muling mawalan ng malay.
Hindi ko alam kung ilang oras akong walang malay ngunit sa pag gising ko ay si William ang unang nakita ko.
"William?" sambit ko sabay haplos sa kanyang braso habang nakayuko sa upuan.
Iniangat ni William ang kanyang ulo at dali-daling hinawakan ang kamay ko.
"What happen?" nag aalalang tanong niya sa akin.
"What do you mean what happen?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Nakita kita na nakasubsob sa sahig na walang malay tapos may bangas ang noo mo,"
"Ooh?" sambit ko sa kanya sabay ka pa ng noo ko. "Aww!" sambit ko habang mangaray-ngaray.
"Ito na ang kinakatakot ko eeh kaya ayokong mawala ka sa paningin ko Agatha."
Ngumiti ako kay William dahil sa care na pinapakita niya sa akin.
"I'm sorry," malungkot na sambit ko sa kanya.
"Ssshhh... Wala ka dapat ipagpatawad Aga,"
"Sorry talaga William sa inaasal ko sayo. I know I'm so stupid para ipag walang bahala lang 'yung feelings mo para sa akin. Sorry kung medyo nag da-doubt pa ako sa pagmamahal mo pero ngayon, ngayon ko napatunayan na mahal mo talaga ako." mangiyak-ngiyak na sambit ko sa kanya.
"Pag sinabi kong mahal kita I mean it! Mahal talaga kita! ngayon ang kailangan ko ay trust para sa ating dalawa,"
"O-oo sige simula ngayon wala ng mag lilihim sa ating dalawa," utal kong sambit sa kanya.
"Sige Sy,"
"Sy?" gulat na tanong ko sa kanya.
"Kilala na kita Syrina you don't have to hide it. I will accept your past at sana ganun ka din sa akin,"
"S-sige W-william."
Ngumiti sa akin si William at hinipo ang ulo sabay halik sa pisngi ko.
"Dahil sa na-buksan na natin ang unang pahina ng kwento mo sana i-kwento mo na sa akin ang lahat how you came up with the name Agatha,"
"I will tell you when we go home,"
"Ok then take a rest at ako na ang bahala dito,"
"Thank you Love."
Hindi ko alam kung paano ang mangyayari kapag nakauwi na kami sa bahay ni William pero sige sasabihin ko na ito sa kanya ngunit itatago pa rin namin ang identity ko sa iba dahil makukulong ako sa pag forged ng documents and identity theft.
Medyo nahihilo pa ako ng mga oras na ito kaya natulog na lang muli ako para makaiwas na rin sa mga tanong ni William.
Ilang oras rin siguro ang nakalipas mula ng natulog ako at ngayo'y parang nabawi ko na lahat ng lakas ko.
Pag gising ko ay naramdaman ko si William sa tabi ko kaya agad ko siyang tiningnan ngunit sa pag tingin ko sa kanya ay nakita ko si Yael na nakayakap sa akin ng mahigpit.
"Anong ginagawa mo dito?" mahinang tanong ko sa kanya.
"Na-miss kita." tugon niya sabay ngiti ng malaki sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko na nakatingin sa kanya sabay kalas ko sa kanya. Madali akong bumangon upang hindi kami mahuli ni William ngunit sa pagtayo at paglayo ko ay biglang sumulpot si William sa pintuan.
"Anong ginagawa mo?" tanong ni William mula sa likuran ko.
"Huh? A-ano?" tugon ko sabay dahan-dahan na tumitingin sa kanya.
"Nagpakita na naman ba sayo? Ginugulo ka na naman niya?" tanong niya sa akin.
"H-hindi w-wala nagulat lang ako sayo,"
"Aaahh ganun ba? Akala ko naman nandyan na naman 'yung kaibigan mo. Mag bihis ka na at uuwi na tayo para doon ka na makapag pahinga,"
"S-sige." tugon ko sa kanya sabay talikod sa kanya.
Pagtalikod ko kay William at tingin ko sa kama ay wala na si Yael doon kaya ikinalat ko ang mata ko sa paligid upang tingnan kung saan siya nag tatago ngunit walang pwedeng taguan sa silid na ito. Lumakad ako palapit sa bintana upang tingnan kung pwedeng naroon si Yael ay pagtingin ko ay may nakabulagta sa labas.
Napasigaw ako ng malakas sa takot kaya tinakbo ako agad ni William.
"Bakit? Bakit ka sumigaw?" paulit-ulit na tanong niya sa akin.
"Sa a-ano kasi." utal kong tugon.
Agad na sumilip si William sa bintana ngunit bumalik rin siya ng tanong sa akin.
"Anong meron? Bakit bigla kang sumigaw?" nagtatakang tanong niya.
"Sa labas ng bintana kasi,"
"Anong meron sa labas? Wala akong nakita,"
"W-wala?"
"Wala nga."
Madali akong sumilip sa labas ng bintana at wala akong nakita na kung anong nakabulagta roon kaya bigla na lang akong napanghinaan ng tuhod at napaupo ako sa sahig.
"Ano na naman bang nakita mo sa labas?"
"May lalaki kasing nakabulagta sa labas,"
"W-wala nga,"
"Ayun nga ang nakita ko!"
"Ok! Ok! Magbihis ka na at may pupuntahan tayo ngayon,"
"Saan naman tayo pupunta?"
"Basta! Magbihis ka na ng makauwi na rin tayo."
Kinuha ko ang dalang paper bag ni William at pumasok ako sa loob ng banyo upang mag palit ng damit ko at pagkatapos kong mag bihis ay umalis na kami agad ni William.
May benda sa noo ko nitong mga oras na ito at talagang nakakahiyang tingnan ngunit wala akong magagawa dahil kagagahan ko naman ito. Iinom-inom ako ng alak tapos hindi ko kayang i-handle ang sarili ko ayan tuloy ang bilis ng karma ko.
Pumara ng taxi si William at agad na ibinigay ang diresyon ng pupuntahan namin.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Sa psychiatrist," seryosong tugon niya sa akin.
"Hindi nga ako nababaliw William!" galit na sambit ko sa kanya.
"Hindi ka nga nababaliw Sy pero malala na 'yung ginagawa niya sayo kaya dapat ay humingi na tayo ng tulong,"
"Una doctor kwak-kwak ngayon naman psychiatrist! Ano ba naman 'yan William!" inis na sambit ko sa kanya.
"Aaah basta! Ako ang masusunod ngayon dahil para rin 'to sa ikakabuti mo,"
"Fine! Kung gusto mong buksan ang nakaraan ko sige! 'dyan ka masaya 'di ba?"
"Para sayo ang ginagawa ko Sy, ayokong nakikita kang miserable,"
"Tigilan mong kakatawag mo ng Sy sa akin dahil Agatha ang pangalan ko!" sigaw ko sa kanya. "Aga kung Aga."
Tumahimik na ako at hindi na lang ako nakipag argue pa sa kanya ngunit inis na inis ang loob ko sa kanya dahil sa pahihimasok niya sa mga desisyon ko sa buhay.
Pagdating namin sa ospital ay mula sa lobby ay pinasuot na agad ako ng hospital dress na puti. Sobrang liwanag at sobrang puti ng loob ng ospital na ito.
Habang naglalakad kami ni William patungo sa silid kung saan ang doctor na kikitain namin ay may biglang humila ng buhok ko sabay pinag sisigawan ako.
"Mamamatay tao!" sigaw ng babae sa akin.
Sumigaw ng tulong si William para ma-alerto ang mga bantay sa ospital na 'to dahil ayaw bitawan ng babaeng pasyente ang buhok ko habang paulit-ulit na binabanggit na mamamatay tao ako.
"Mamamatay tao ka! Pinatay mo siya!" sigaw ng babae sa akin.
Natatakot ako sa sinasabi niya sa akin at the same time kinakabahan ako para sa sarili ko. Gustuhin ko man siyang bawian ng sabunot ngunit hindi ko magawa dahil may sira ang tuktok niya at ako ay wala.
Pagkatanggal ng mga kamay ng babae sa buhok ko ay hindi ko naiwasang umiyak dahil sa sobrang sakit ng ginawa niya sa akin.
Hipo-hipo ni William ang buhok ko habang minamasahe ang ulo ko.
"Sorry-sorry hindi ko alam na mangyayari ito." nahihiyang sambit niya sa akin.
Tiningnan ko lang siya habang lumuluha ako at patuloy akong naglakad patungo sa silid na pupuntahan namin. Walang salita ang lumabas sa bibig ko ng mga oras na ito dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.