"Grabe yung linya ng palabas noh?" tanong sa akin ni William.
"Anong grabe dun? Boring nga ng palabas mo eeh," inis na sambit ko sa kanya.
"Alam mo sobrang ampalaya mo! Kapag ganyan ka lagi tatanda kang mag isa," pang asar niya sa akin.
"Edi mas ok! Mas maganda kaya yung solo ka lang sa buhay hussle free," nakangisi kong tugon sa kanya.
"Bakit hindi mo subukang mag mahal?"
"Wag na! Nakakastress lang 'yan!"
"Sobrang sarap ng may minamahal at nag mamahal noh,"
"Sus!"
Nag bago ang awra ni Willian sa akin at hindi na siya muling nag salita pa. Itinuon nalang niya sa palabas ang atensyon niya. Patapos na ang palabas at malapit na din akong antukin sa pinapanuod naming dalawa.
"Love story my ass." bulong ko.
Nakatingin lang ako kay William habang nanunuod siya. Hindi ko alam kung bakit napapatingin ako sa kanya marahil siguro dahil sa hindi ako sanay na may kasama akong lalaki dito sa bahay ko at ito ang kauna-unahang nag papapasok ako ng lalaki sa bahay ko.
Habang abalang nanunuod si William ng palabas ay bigla ko nalang siyang tinanong.
"Asan na girlfriend mo? Bakit hindi mo kasama ngayon?" tanong ko sa kanya.
"Sino dun?"
"Kadiri ka talaga! Ikaw talaga ang dahilan kung bakit ayokong mag boyfriend! Inis!" pag susungit ko sa kanya.
"Sssshhhhh... Wag kang maingay nanunuod pa ako."
Inirapan ko siya at tumayo ako sa kinauupuan ko upang kumuha ako ng tubig.
"Haaaahh." sambit ko nalang pagkatapos kong inumin ang napaka lamig na tubig sa ref.
Dahan-dahan akong umakyat patungo sa kwarto ko para kunin ang twalya ko. Maliligo na muna ako habang nanunuod si William ng palabas.
Mabagal at nakakapanibago ang pag lakad ko. Masakit kasi kapag napupwersa ko sa paglakad. Ilang minuto din ang itinagal ko sa kwarto ko kasi sobrang kalat ng kwarto ko at hindi ko alam kung saan ko kukunin ang gamit ko.
Pagkatapos kong kumuha ng gamit ko sa itaas ay bumababa na ulit ako. Seryoso sa panunuod si William ng palabas akala mo nasa bahay niya siya nakataas pa talaga ang mga paa sa la mesita ko. Pumasok na ako sa loob ng kasilyas at naligo na.
Habang naliligo ako ay biglang may nag door bell.
Pinatay ko ang shower at tinanong si William.
"Sino yan?" tanong ko kay William ng pasigaw.
"Teka! Titingnan ko," tugon ni William.
Binuksan ni William ang pinto at sinilip kung sino ang nag dodoorbell. Tinanong niya ito agad at rinig na rinig ang usapan nila mula sa kasilyas.
"Sino sila?" tanong ni William.
"Si Agatha ba nandyan?" tanong nito pabalik sa kanya.
"Sino ka nga?" tanong ni William sa kanya.
"Zach, Sabihin mo sa kanya nandito yung gwapo niyang kaibigan,"
"Ang alam ko ako lang ang gwapong kaibigan ni Agatha,"
"Ngayon alam mo na? Asan ba siya?"
Hindi klarado pero alam kong may conversation silang dalawa kaya sumigaw akong muli para tanungin si William kung sino ang nag doorbell.
"Hoy William! Sinong nandyan?" sigaw ko mula sa kasilyas.
"Zach daw!"
"Bakit nandito yan? Hayyy mga istorbo talaga!" inis na sambit ko sa sarili ko.
"Sige papasukin mo na!"
Pinapasok na ni William si Zach sa loob kaya pinag patuloy ko na ang paliligo. Matagal na nababad ang shampoo sa buhok ko kaya yung mga ibang katas nito ay pumunta ng bahagya sa aking mga mata.
"Araayy ko!" inis na sambit ko.
Ini-scratch ko yung mata ko kaya medyo nanlabo siya ng kaunti. Nakatingin lang ako sa salamin para makita ko kung namumula na yung mata ko.
"Masakit!" inis kong sambit
Napapapikit na ako ng mata ko dahil sa sakit kaya binuksan ko ang faucet at nag ipon ako ng tubig sa lababo para ilublob ang mukha ko dito.
Naka ilang lublob ako para mawala ang sakit sa mata ko ngunit masakit pa rin ito kaya binanlawan ko na agad ang buhok ko at pinalitan ang tubig sa lababo at naglublob muli ako ng mukha ko habang kinukuskos ang mga mata ko sa ilalim ng tubig sa lababo.
Napaka hirap ng sitwasyon ko ngayon dahil sa naka cast ang paa ko ay sobrang korny ng pagligo ko para lang akong nag pupunas ng katawan dahil sa ingat kong mabasa ito.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay tapos na akong maligo. Tahimik sa labas ng banyo kaya napapaisip ako kung anong ginagawa ng dalawa.
"Ano kayang ginagawa nung dalawa?" tanong ko.
Sa loob na ako ng banyo nag bihis dahil hindi naman ako makakapag hubod-hubad sa bahay ko dahil may dalawang asungot sa sala. Pinupunasan ko ang katawan ko ng mga oras na ito habang nag bibihis ako ay nakita ko na naman ang napaka laking peklat sa aking tagiliran. Ang peklat na hinding-hindi ko malilimutan.
Lumabas na ako sa banyo at pag kalabas na pag kalabas ko ay nakita kong nakatitig ang dalawa sa akin.
"Ooh? Parang nakakita kayo ng multo?" tanong ko sa kanila.
"Meron nga," seryosong sambit ni Zach.
Kinilabutan na naman ako sa sinabi ni Zach kaya dahan-dahan akong lumingon sa likod ko.
"Joke!" nakangising sambit ni Zach.
"Ayyy ang epal masyado!" inis kong sambit.
"May dala akong frappe para sayo tsaka mga prutas para naman lumakas mga buto mo," nakangiting sambit ni Zach.
"Yung Cake, chocolate at ice cream na dala ko nasa ref. di ba?" singit naman ni William.
"Meron pala akong dalang first aid kit dito para kung sakaling kailangan mo," sambit ni Zach.
"Tanggalin na natin yung cast mo para sumingaw tapos masahiin ko na rin," sambit naman ni William.
"Ito pala ooh! Mga libro na gusto mo para hindi ka maboring dito," singit ni Zach.
"Ipagluluto kita ng masarap na hapunan Agatha. Anong gusto mong kainin?" tanong naman ni William.
"Gusto mo ba order tayo ng paborito mong chicken wings?" tanong naman ni Zach.
Medyo naguguluhan na ako sa dalawang 'to. Bakit nila ako bini-baby ngayon? Anong meron?
"Wait nga lang!" pamimigil ko sa kanilang dalawa.
"Salamat sa mga dala nyo huh! Sobrang nakakatuwa na kahit pala mga peste kayo sa akin ay may pakinabang pala kayo," sambit ko sa kanilang dalawa.
"Upo ka na muna. Madam, masungit ka na naman eeh." sambit ni William.
Nag bigay sila ng pwesto sa akin sa bandang gitna kaya doon ako naupo. Pag kaupo ko ay nag madali din silang tumabi sa akin.
"Ang sikip mga te?" inis kong sambit sa kanila.
Kaya naman agaran silang nag bigay ng pwesto sa akin.
Natapos na ang boring na palabas ni William.
"Anong gusto mong palabas Agatha?" tanong ni William.
"Hmmm... Kahit ano basta hindi nakakatakot," sambit ko sa kanya.
"Ok! Comedy nalang," sambit niya sa akin.
"Romance!" sigaw ni Zach.
Tumingin ako sa kanya ng matalim sabay sabing.
"Ewwww," , "Kakatapos lang namin manuod ng romance,"
"Kayong dalawa lang?" tanong ni Zach.
"Oo, Ilan ba kami dito?" pang aasar kong tanong.
Tumahimik na si Zach at na pliney na ni William ang palabas. Nakabusangot na nanunuod si Zach samantalang ay seryosong nanunuod si William ng palabas.
"Ang korny nitong dalawang 'to." sambit ko sa sarili ko.
Tanging ang palabas lang na pinapanuod namin ang nag bibigay ng ingay sa oras na ito kahit pa sobrang nakakatawa yung palabas ay ni isa ay wala man lang tumatawa dahil sa sobrang seryoso nilang dalawa.
"Bakit ba kayo nandito ngayon?" tanong ko sa kanila.
"Gusto lang kita bisitahin kasi ako ang dahilan kung bakit ka nagka sprain,"
"Ooh tapos?"
"Syempre dahil sa akin hindi ka makakapasok ng trabaho,"
"Bawi naman na ako sayo dahil hindi ko pipirmahan ang leave mo!"
Habang nag uusap kaming dalawa ni Zach ay biglang natawa si William.
"Ooh? Anong nakakatawa diyan?"
"Comedy ang pinapanuod natin diba? Malamang tatawa ako!"
"Mag silayas na nga kayong dalawa dito! Ginugulo niyo lang buhay ko!"
"Ang oa mo naman sa ginugulo? Hindi ba pwedeng nakikinuod lang ako dito sa bahay mo?"
"May tv ka naman sa bahay mo bakit hindi nalang ikaw doon manuod?"
"Mas maganda manuod ng may kasama,"
"Asan ba ang mga babae mo? Sa dami mong kasama na babae araw-araw ngayon wala kang kasama?"
"May kasama naman akong babae ngayon aah? Sabagay hindi ka naman babae," pang aasar sa akin ni William.
"Hindi naman talaga babae yang si Ms. Agatha," natatawang singit ni Zach.
"Kung pag sisipain ko kaya kayong dalawa?"
"Bakit kaya mo ba?" pang aasar ni Zach
"Hampasin ko nalang kayong dalawa! Imbis na mag papahinga ako eeh nanggugulo kayo!"
"Sige hindi na kita guguluhin kakainin ko nalang muna yung mga dinala kong pagkain tapos nito ay aalis na ako," sambit ni William.
"Sige ako din."
Tinarayan ko lang yung dalawa at inabot ko ang dalang pagkain ni Zach at sinimulan ko itong binanatan.
Tumayo si William sa kinauupuan niya at kinuha niya ang mga pagkain na dala-dala niya at inilagay niya ito sa la mesa upang pag saluhan naming tatlo.
"Hindi na ako mag iingay kaya kung pwede tahimik nalang tayong manuod ng palabas tapos pagkatapos nito ay aalis na din ako," sambit ni William.
"Ako din aalis nalang ako pagkatapos ng palabas para naman masulit ko yung dinala kong pagkain."
Tinatarayan ko lang silang dalawa kahit pa nag papaawa sila sa akin na mag stay dito sa bahay ko. Wala akong magawa kung hindi ay payagan silang manuod dahil nandito nalang rin naman sila ay bakit ko pa sila pag tatabuyan na dalawa.
Itinuon ko na ang atensyon ko sa panunuod at kahit pa medyo hindi ako fan ng mga palabas ay natatawa ako sa pinapanuod namin ngunit kahit pa nakakatawa ang palabas ay ako lang din naman ang nag eenjoy at hindi ang mga talagang nanunuod nito.