"Awkward." parinig ko sa dalawa.
Tumingin lang silang dalawa sa akin at balik sa panunuod nila ng palabas. Itinuon ko na muli ang sarili ko sa panunuod at kahit na hindi naman nakakatawa yung scene tawa ako ng tawa.
"Baliw na 'to," sambit ni William.
"Luh? Masamang tumawa?" pananaray ko sa kanya.
"Kausap ka? Mema mo lang girl?" asar na tanong niya sa akin.
"Aba! Aba! Aba!"
Kung pwede lang bugbugin 'tong William na 'to ginawa ko na kanina pa. Sobrang lakas mamilosopo itong tao na 'to nakakaasar na.
Tumingin ako kay Zach at kinausap ito.
"Diba may pasok ka? Bakit hindi ka pa umuwi ng makapag pahinga ka?" tanong ko sa kanya.
"Sanay naman akong puyat sa trabaho." tugon niya sa akin habang nakangiti nito.
Humikab ako ng pagkalaki-laki at umunat ako ng katawan ko.
"Paano ba yan guys antok na ako! Akyat na ako sa taas huh! Hindi nyo naman siguro ako re-rapin noh?" pang aasar ko sa kanila.
Agad na tumingin sa akin ang dalawa na parang nandidiri sa sinabi ko.
"Yuck!" nandidiring sambit ni Zach.
"William?" tanong ko habang nakataray kay William.
"Duh? Hindi kita type men! Sige na matulog kana tatapusin ko lang 'tong palabas tapos uuwi na din ako," sambit naman ni William sa akin.
"Ok! I-lock nyo ng maayos yung pinto huh! Matutulog na ako." sambit ko sa kanila.
Tumayo na ako at umalis na ako sa tabi nila. Dahan-dahan parin ang lakad ko sapagkat hirap pa rin talaga ako sa pag lakad. Masakit pa din ang paa ko.
Sa wakas! Pagkatapos ng ilang minuto naka akyat na ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang cellphone ko at agad kong tinawagan si Doc. Kim.
Sumagot naman agad si Doc. Kim sa tawag ko.
"Good Afternoon Doc Kim!" masayang bati ko sa kanya.
"Yes, Ms. Agatha?" tanong niya sa akin.
"Pwede ko na po bang tanggalin yung cast ng paa ko?" tanong ko sa kanya.
"Bukas pwede na. Suporta lang naman yan sa sprain mo para hindi masyadong masakit," sambit nito.
"Pupunta pa po ba ako diyan sa ospital para matanggal yung cast ko?" tanong ko sa kanya.
"Kung merong marunong mag tanggal diyan ng cast pwede na sa kanya pero kung wala naman punta ka nalang dito sa ospital," sambit niya sa akin.
"Sige Doc. Magtatanong nalang ako dito sa mga kaibigan ko kung sino marunong mag tanggal ng cast tsaka Doc. pwede po ba humingi ng medical certificate para sa work ko?" tanong ko sa kanya
"Sure! Send ko nalang sa email mo yung med cert," saad nito.
"Thank you Doc!" sambit ko sa kanya.
Pagkatapos ay binaba ko na ang tawag ko sa kanya.
Humiga na ako sa kama ko para mag pahinga dahil antok na antok na talaga ako simula pa noong dumating ako galing sa ospital pero dahil kay William hindi na ako nakatulog pa at ito namang si Zach dumating din talaga. Nakakainis lang kasi may mga peste sa loob ng bahay ko na gumugulo ng buhay ko.
Hinayaan ko nalang sina William at Zach sa baba at mag papahinga na ako.
Ilang minuto pa ang lumipas at unti-unti ng pumipikit ang mga mata ko.
Mababaw pa ang tulog ko ng umalis na sila William at Zach sa bahay ko dahil ramdam ko na nagbukas sara ang pinto ko kaya alam kong wala na silang dalawa.
"Makakapag pahinga na ako ng maayos." sambit ko sabay tulog muli.
Lumipas ang ilang oras ay bigla nalang akong nagising sa isang malakas na kalabog sa baba. Bumangon ako sa kama ko at dahan-dahan akong nag lakad papunta sa pinto ng aking kwarto upang pakinggan kung anong meron sa baba. Ngunit biglang tumahimik ang kapaligiran kaya binuksan ko ang pintuan ko at dahan-dahan akong bumaba sa hagdan.
Mula sa taas ay rinig na rinig mo ang tunog ng TV kaya nag madali akong bumaba sa hagdan para tingnan ito.
"Nandyan pa pala kayong dalawa!" sigaw ko mula sa hagdan.
Ngunit ng tumingin ako sa sala ay wala namang katao-tao doon. Nakapatay na din ang TV ng sumilip ako at patay din ang mga ilaw sa sala at kusina.
Umihip ang malakas na hangin sa loob ng bahay ko kahit nakasara ang mga bintana kaya nangilabot ang buong katawan ko at nanginig ang buong katawan kong nakatayo lang sa hagdan ko. Naglakad ako ng dahan-dahan pababa ngunit bigla akong nalaglag sa hagdanan.
Malakas na kalabog ang tumunog sa loob ng bahay ko.
"Sobrang sakit! Hindi ko magalaw ang mga paa ko!" sambit ko habang namimilipit sa sakit.
Ilang minuto akong naka upo lang sa sahig habang iniinda ang sakit ng katawan ko at ang paa ko.
Nakaupo lang ako sa sahig ng mga oras na ito dahil hindi ako makagalaw sa pwesto ko ng biglang nag patay sindi ang ilaw sa kwarto ko kasabay ng malakas na hampas ng pintuan ko.
Mas lalo akong nangilabot sa nangyari kaya pilit kong ginagalaw ang katawan ko at pilit na iniuusog papunta sa pintuan ko para makalabas ng bahay ngunit hindi ko magawa. Mas bumilis ang t***k ng puso ko ng may marinig ako na mga hakbang sa kwarto ko palabas ng pintuan ko. Tumingin ako sa kwarto ko ngunit wala akong maaninag na ano man doon.
Dahan-dahan na yapak ang narinig ko pababa ng hagdan hanggang sa patakbo itong pumunta sakin.
Nag sisisigaw ako sa takot! Hindi ko alam kung anong nangyayari! Tinatawag ko ng tinatawag ang pangalan ni William pero hindi siya sumasagot sa tawag ko sa kanya.
Iyak na ako ng iyak sa takot ko. Naka pikit lang ang mga mata ko ngayon habang lumuluha na umaasa na marinig ni William ang tawag ko sa kanya.
"William! Wiliam!" patuloy kong sigaw.
"Tulungan mo ako William! Parang awa mo na! Takot na takot na ako!" sigaw ko ng paulit-ulit.
"William!"
"Tulungan mo ako!"
"Pakiusap!"
Ilang minuto akong nakapikit ilang minuto akong nag hintay ng tulong.
Hindi ko na muling binuksan pa ang mga mata ko sa sobrang takot ko at nakita ko nalang ang aninag ng isang tao na patakbong lumapit sa akin.
"Anong nangyari sayo Agatha?" alalang tanong ni William sa akin.
Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at nakita ko si William na alalang nakatingin sa akin.
Hinawakan niya agad ako at binuhat patayo ngunit habang inaalalayan niya akong itayo ay bigla nalang nanlambot ang mga tuhod ko at napasusubsob ako sa kanya.
Agad akong tinulungan ni William kaya napangiti ako sa kanya bago pa man ako lubusang mawalan ng malay.
Pagkatapos ng mga tagpong ito ay hindi ko na alam ang sumunod na nangyari sa akin ng mga oras na iyon. Basta ang naalala ko na lang ay yung yabag ng paa sa kwarto ko at yung pag sara ng pinto ko sa kwarto.
Bago pa kami makalayo sa bahay ko ay bigla muli akong nagkaroon ng ulirat at napagising ako ng bahagya ng marinig ko ang isang boses na bumubulong sa akin.
"Agatha, Malapit na tayong magkita." bulong sa akin.
Hindi ko man mamulat ang aking mga mata ng mga oras na ito ngunit kahit ganun pa man ay nagbibigay siya nag kilabot sa akin.
Pinipilit kong hindi buksan ang mga mata ko dahil sa takot ko kaya hindi ko alam kung sino ang bumulong sa akin.
"Tigilan mo ako please!" sambit ko sa sarili ko habang tagaktak ng pawis ang mukha ko.
Sino ba ito? Hindi din masyadong maliwanag sa akin ang boses kung babae ba siya o lalaki? Basta ang maliwanag lang sa akin ngayon ay may kakaibang nangyayari sa akin mula pa kahapon.