EPISODE 7

1575 Words
Maliwanag ang kapaligiran ng naimulat ko ang aking mga mata. Palinga-linga ako sa paligid hanggang sa nag salita nalang ako. "Nasaan ako?" sambit ko nalang bigla. Walang sumagot sa tanong ko kaya ikinalat ko muli ang mata ko upang mag hanap ng kasama sa loob nang napatingin ako sa ibabang gilid ng kama ko at nakita kong nakasandal si William doon habang masarap na natutulog. Pinilit kong ginagalaw ang katawan sa kinahihigaan ko ngunit hindi ko magalaw ang katawan ko kaya napatingin ako sa paa ko.  "Malulumpo na ba ako?" mangiyak-ngiyak na tanong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang cast sa buong hita ko. Mas lumala ang sitwasyon ko ngayon kasi umabot na hanggang hita ang cast ko. Hindi ko na magalaw ang ibabang katawan ko kaya kung anong pwesto ko sa pag-higa ay ganun na ito hanggang mag-damag. Gustong-gusto kong gisingin si William pero nahihiya ako kaya hindi ko nalang siya ginising pa sapagkat alam kong pagod siya sa pag babantay sa akin mula ng nakita nasa bahay ako hanggang dito.  Nakatingin lang ako sa paligid ko lahat ng ilaw naka bukas simula sa labas hanggang dito sa loob kaya mabuti ang pakiramdam ko. Ikinalat kong muli ang tingin sa paligid ko at nakita ko yung cellphone ko sa tabi ng bag ko. "Ang layo naman ng gamit ko." inis na sambit ko habang inaabot ang bag ko. Pilit kong inaabot ito ngunit hindi ko maabot kaya humiga nalang muli ako at inantay ko nalang magising si William. Wala na akong magawa sa mga oras na ito kung hindi ang tumunganga at magti-titig sa paligid. "Alam kong hindi ito panaginip at alam kong nasa ospital nga ako dahil may dextrose na naka kabit sa akin." sambit ko nalang sa sarili ko. Tahimik ang kapaligiran at wala ng katao-tao sa labas ng silid ko. Nakatitig lang ako sa pinto na para bang may inaantay akong dadating. Ilang minuto akong nakatitig sa pinto ng biglang namatay ang ilaw sa labas at loob ng kwarto ko. Nagulat ako sa pagkamatay ng ilaw kaya nagsimula na naman akong manginig sa takot. Piling ko may mangyayari na namang masama sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko at nag simula akong manalangin. Pag katapos kong manalangin ay iminulat ko na ang aking mga mata. Maliwanag na muli ang kapaligiran at tulog pa rin si William. "Salamat naman at may ilaw na." sambit ko. Inabot ko ang bottled water sa tabi ko at inubos ko ito ng isang tunggaan lang.  "Ano kayang pwede kong gawin ngayon?" tanong ko habang nilalakasan ang boses ko. Sinusubukan kong lakasan ang boses ko upang gisingin si William ngunit hindi man lang siya nagising dun. "William! Huy! Gising!" sigaw ko kay William. "William!" sigaw ko sa kanya habang niyuyugyog ko siya. Ngunit kahit anong gawin ko na pag iingay at pag yugyog kay William ay hindi pa din siya magising-gising. "Grabe naman sa tulog mantika 'to?" Muli kong tinuon ang atensyon ko sa pintuan baka sakaling mag rounds ang Doctor pero bigo pa rin ako. Ilang minuto na rin siguro akong gising ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ako nakakakita ng tao na naglalakad sa labas.  "Ako lang ba tao dito?" nagtatakang tanong ko sa sarili ko. Kasi ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa ring pumapasok sa kwarto ko. Bigla muling namatay ang ilaw at this time sa kwarto ko lang. Bukas pa rin ang ilaw sa labas hindi na ako mapalagay kapag patay ang ilaw kaya sinagawan ko muli si William para buksan ang nakapatay na ilaw. "William!" sigaw ko. "Buksan mo yung ilaw dali! Natatakot ako sa dilim!" sigaw kong muli. "William! Huy! Gumising ka naman ooh! Sobrang lalim mo naman matulog!" sambit ko. Habang ginigising ko si William ay biglang bumukas ng bahagya ang pintuan ng kwarto ko kaya nakakita ako ng kaunting aninag ng ilaw. Nakatingin lang ako sa pinto ng may babaeng dumaan sa salamin ng pinto. Kitang-kita ng dalawang mata ko yung babaeng dumaan. Napakabilis niya maglakad at napaka lakas ng yabag niya. Hindi ko alam ang nararamdaman ko parang may mga paru-paro sa tiyan ko. Kinakabahan ako at natatakot ng hindi ko maipaliwanag. Lumakas ang yabag ng babae ng dumaan muli ito sa pintuan ko at sa hindi ko inaasahan ay patakbo itong lumapit sa akin. Nagsi-sigaw ako ngunit walang boses na lumalabas. Pilit kong ginigising si William ngunit hindi ito magising-gising. Umiiyak na ako dahil sa sobrang takot ko! Ngunit nang napapikit ako ay bigla nalang nawala yung babae at pagdilat ko ay nakatiwangwang na yung pintuan. "Nurse!" "Doc!" "Tulong!" Patuloy akong nagsi-sigaw ngunit walang tulong na dumadating sa akin. Patuloy kong ginigising si William para magkaroon na ako ng kasama dahil sobrang nahihibang na ako ngayon dahil sa takot ko. "William! Parang awa mo na gumising kana!" nagmamakaawa kong sigaw kay William. Makalipas ang ilang minuto ng pag yuyugyog ko para gumising si William ay gumalaw siya sa kinahihigaan niya kaya abot langit ang tuwa ko. "William! Huy!" tawag ko muli sa kanya habang niyuyugyog siya.  Mas lumaki ang ngiti ko ng gumising si William at tumayo na sa kanyang kinauupuan. "Akala ko hindi ka na magigising." nakangiti kong sambit sa kanya. Tumingin lang ng matalim sa akin si William at hindi siya tumugon ng bigla niya akong sinakal sa aking leeg. "W-william?" pigil na tanong ko sa kanya. Nangangapal na ang katawan ko dahil sa pananakal niya sa akin at unting-unti nalang ay mauubusan na ako ng hininga ko ngunit pinipilit kong lumaban sa kanya kaya hinawakan ko ang kamay niya na nakalagay sa leeg ko ng bigla akong nagulat sapagkat sobrang lamig ng mga kamay niya. Sigaw ako ng sigaw upang makahingi ng tulong sa iba dahil nangingitim ang mga mata ni William na nanlilisik habang sinasakal ako. "William!" sigaw ko  ng sobrang lakas sa kanya. Naitaas ko ang mga kamay ko at naitulak ko si William kaya napakalas siya sa akin. "William! Ano bang nangyayari sayo?" galit na tanong ko sa kanya. Ngunit hindi pa rin sumagot si William sa akin bagkus ay lumapit siyang muli sa akin kaya napataas ang aking mga kamay sa itaas habang nag sisisigaw sa loob ng silid ko. Sa pagtaas ko ng kamay ko ay bigla niya akong hinawakan sa mag kabilang kamay ko ng mahigpit nang mahigpit at nakita ko ang mga mata niyang nanlilisik! At ngayo'y namumula! Sumigaw ako ng sobrang lakas para marinig nila ang sigaw ko. Nakapatay pa din ang mga ilaw sa mga oras na ito at tanging ilaw lang sa labas ang nag bibigay ng liwanag sa madilim kong kwarto. Umiiyak ako at nag susumamo na may makakita sa amin. Lumalamig ang paligid at mas lumamig ang pagkakahawak sa akin at sa oras na ito ay hindi na si William ang nakahawak sa akin.  Mas lalo akong nangilabot ng makita ko ang sarili ko na nakahawak sa akin. Pinilit kong ginagalaw ang mga paa ko ngunit hindi ito nakikisama sa akin. Hirap na hirap na ang pakiramdam ko nanghihina na ako kaya ipinikit ko muli ang mga mata ko kasabay ng pag sigaw ko ng malakas. Sa pag sigaw ko ng malakas ay biglang bumukas ang pinto ng silid ko at patakbong lumapit sa akin si William. "Agatha!" sigaw nito. "Agatha! Agatha!" sigaw niyang muli. Nanginginig akong iminulat ang mga mata ko at nakita kong naka bukas na ang mga ilaw sa loob ng aking silid. Niyugyog ako ni William para bumalik ako sa ulirat ko. "Agatha, Anong nangyayari sayo?" nag aalalang tanong niya sa akin. Tumingin ako sa kanya at nag madali akong yumakap sa kanya. "William!" sambit ko habang humihikbi ako. "Anong nangyari?" sambit nito. "Wag mo na akong iwan! William!" sambit ko habang umiiyak. Patuloy sa pag agos ang luha ko sa takot. Walang mapag lagyan ang takot at kaba ko sa mga oras na to. "May babae kanina William," sambit ko. "Babae?" tanong niya sa akin. "Kanina may biglang pumasok na babae! Tapos! Ta-tapos kanina tulog ka lang dito sa tabi ko," nanginginig kong sambit. "Kanina pa ako sa labas Agatha," sambit niya sa akin. "Ano? Paanong kanina ka pa sa labas? Eeh nasa baba ka lang ng kama ko natutulog," sambit ko. "Hindi! I swear Aga nasa labas ako kanina pa hindi pa ako pumapasok dito sa kwarto mo," seryosong sambit nito. "William!" sigaw ko. , "Nakita mo yung mga balahibo ko sa braso? Nag taasan silang lahat! Wag na wag mo na akong iiwan William! Please!" sambit ko sa kanya. "Ok! Ok! Ok! Hindi kita iiwan," habang hawak-hawak ang mga kamay ko. "Salamat." sambit ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya at hinigpitan ko ang hawak sa mga kamay niya. "Promise yan huh! Wag mo kong iiwan," habang tinataas ang hinliliit ko. "Pinky swear!" sambit niya. Habang nag-uusap kaming dalawa ay bigla nalang napansin ni William ang dugo sa kama ko. "Wait ano 'to? Bakit may dugo sa kama mo?" tanong niya sa akin. "Hindi ko alam," nag-aalalang sambit ko. Chineck ni William ang dextrose ko at nakita niya na nakatanggal pala ito sa mga kamay ko. "Wait! Tatawagin ko yung Nurse," sambit niya habang papalabas ng kwarto ko. "Huy! Teka lang! Wag mo kong iwan!" sigaw ko sa kanya. Agad na umalis si William para tawagin ang Nurse na naka assign sa akin. Natanggal ang swero sa kamay ko marahil siguro sa nangyari kanina. Napatitig ako sa kamay ko at nakita kong may bakas ng kamay sa braso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD