William's Pov Unang kita ko palang kay Agatha alam kong may kakaiba na sa kanya. Matagal-tagal ko na ding sinusubaybayan si Agatha mula ng lumipat siya sa tinitirahan niya. Hindi ko alam pero parang may iba sa kanya na gusto kong malaman kaya mas gusto ko pa siyang makilala. Si Agatha sa pag kakakilala ko sa kanya isa siyang seryosong tao, mahilig mapag-isa at tahimik na tao. Hindi siya yung tipo ng tao na mag pu-first move para kausapin ka. Kakausapin ka lang niya kapag kakausapin mo siya pero kapag hindi mo na siya kakausapin wala na siyang pake sayo. Si Agatha yung tipo ng babae na kayang mag paka independent kaya niyang mabuhay kahit wala ka kasi hindi daw siya naniniwala sa katagang "No man is an island" ngunit ang katagang ito ay biglang nag bago. She is depending on me right now.

