"Nurse Erica po," nakangiting sambit niya sa amin. "Kailan po kayo nag ra-rounds dito Nurse?" tanong ni Agatha. "Kaka-rounds lang namin kanina, Bakit?" "Kayo po ba yung palakad-lakad kanina sa labas ng kwarto ko?" "Maaari na kami 'yun bakit?" "Aaahh edi kayo nga yung nakita ko?" "Bakit ma'am ano bang meron?" nagtatakang tanong ni Nurse Erica sa kanya. "Nako Nurse! matanong lang po talaga itong kaibigan ko pasensya na po," singit ko sa kanila. "Ok sige po. Ayusin ko po muna yung swero nyo ma'am at nakatanggal ito sa inyo ngayon. Matanong ko lang po kayo ano pong nangyari dito?" tanong niya sa amin. "A-ano ka-si Nurse Erica," utal na sambit ni Agatha. "Naghahaturan kasi kaming dalawa Nurse kaya po natanggal sa pagkakalagay sa kanya. Pasensya na po," naka ngiting sambit ko. Tumingi

