Nag lalakad na ako pabalik sa ospital ng may matandang babae na bumangga sa akin. Nadapa ito sa sahig kaya agad ko siyang tinulungan patayo.
"Pasensya na po hindi ko kayo napansin. Ok lang po ba kayo Manang?" nag aalalang tanong ko sa kanya.
"Araay ko iho! Masakit ang mga binti ko! Tulungan mo ako!" namimilipit na tugon sa akin ng matanda.
Agad kong tinulungan na tumayo ang matanda at inalok siya na idala sa ospital.
"Idala na po kita sa ospital para po mabigyan kayo ng paunang lunas tutal nasa tapat naman na po tayo," paanyaya ko sa kanya.
"Nako! Nako! Bigyan mo nalang ako ng pera ako na ang bahala dito. Meron ka ba diyang isang libo? Para alegrohan nalang tayong dalawa," sambit nito sa akin.
"Nako po Manang wala po akong dalang pera ngayon at ang natitira kong pera ay pinangbili ko na po ng makakain. Kung gusto niyo po idala ko nalang po muna kayo sa ospital para ma-check kayo ng mga doctor," pamimilit kong sambit sa kanya.
"Ay nako hindi na nga! limang daan na nga lang," galit na sambit nito.
"Aayy sige po tingnan ko. Saglit lang po aah." sambit ko sa kanya habang binubuksan ang pitaka ko.
Pag bukas ko sa wallet ko ay nakita kong nakasilip din si Manang sa pitaka ko kaya nakatunog na ako sa kanya. Tactics talaga ng mga tao ngayon makapang gancho lang sa kapwa nila.
"Heto Manang ooh! limang daan," sambit ko sa kanya habang nakangisi akong inaabot ang kanang kamay ko na nakataas ang gitnang daliri.
"Bastos kang bata ka! Pweee! Dahil sa ginawa mo sa akin ay bibigyan kita ng parusa! Isang parusa na kikitil ng buhay mo!" galit na sigaw niya sa akin.
"Grabe ka naman sa sinasabi mo Manang! Idadala kita sa ospital para matapos na 'to!" sambit ko sa kanya sabay hila sa kanya palapit sa ospital.
Nag pupumiglas ang babae sa akin at nag sisisigaw sa akin.
"Bitawan mo ako! Pakiusap!" sigaw niya. , "Ayoko siyang makita! Sinasabi ko sayo na sumpa ang umibig sa babaeng 'yun!" sigaw niya sa akin.
"Hindi kita maintindihan Manang ako na nga itong tumutulong sa inyo tapos kung ano-ano pa yung sinasabi mo sa akin,"
"Yung babaeng kasama mo ngayon siya ang papatay sayo!" galit na sambit niya sa akin.
"Oa mo naman Manang kaibigan ko lang 'yun." sambit ko sa kanya.
Tumigil ako sa paglalakad at tumingin ako kay Manang sabay tawa ng malakas na malakas.
"Kung ayaw niyong magpadala sa ospital ay bahala kayo pero wala kayong makukuhang pera sa akin dahil wala akong pera." natatawa kong sambit sa kanya.
Pangisi-ngisi ako sa matandang ito habang nakikita kong nang-gagalaiti siya sa galit sa akin. Totoo naman sinasabi ko na wala naman akong pera na dito pero meron akong credit card.
Urat na urat talaga 'tong matandang nato sa akin kaya binitiwan ko na siya at hinayaan na umalis papalayo sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya habang papalayo siya sa akin at ayon sa pagkakaalala ko ay mga sampung hakbang papalayo palang ng matanda sa akin ay bigla nalang itong nawala.
Nagulat ako ng bahagya at luminga-linga ako sa paligid ngunit hindi ko siya makita kaya nag pasya akong lumakad papunta sa kanto ngunit wala pa ring bakas niya.
Habang hinahanap ko ang matandang babae na nakasagutan ko ay biglang umihip ang malakas na hangin kaya nangilabot ang buong katawan ko at tumakbo ako agad patungo sa b****a ng ospital.
"Multo ba 'yun?" kinakabahang sambit ko nalang.
Habang patakbo ako papunta sa ospitala ay naalala ko yung sinabi ng matandang babae sa akin.
"Sumpa ang umibig sa babaeng 'yun!" sambit ng matanda sa akin.
Hindi ko alam kung anong pakiramdam ng sinabihan ka ng ganitong tao. Papasok na ako sa loob ng ospital na ito nang tinanong ako ng isang gwardiya.
"Ano pong naramdaman niyo ng kinausap niyo yung matandang babae kanina?" tanong niya sa akin.
Natawa ako bigla sa tanong ng gwardiya.
"Sorry kung natawa ako pero bakit mo natanong kung anong naramdaman ko kanina?"
"Hindi po kasi tao ang kausap niyo kanina,"
"Naniniwala ako na hindi tao yung matandang 'yun. Isa siyang mang-gagancho kuya na sabik sa kayamanan. Gusto pa niya ako utakan,"
"Hindi 'yun ang ibig kong sabihin sayo Sir pero kung ganyan ang pag kakaintindi mo sa sinabi ko ay mabuti na rin at iyan ang paniwalaan mo,"
"Hindi po kasi ako naniniwala sa multo kuya,"
"Wala pa naman po akong sinasabing multo ang matandang iyon,"
"Yun na din po ang gusto niyong ipahatid sa akin. Sa totoo lang nagulat din ako sa biglaang pagkawala niya pero kasi ayokong paniwalaan na iba siya,"
"Salamat po sa oras niyo Sir sana sa susunod ay hindi na niya kayo gambalain pa dahil ang mga ganyang uri ay lagi aaligid sayo o sa mga taong kasama mo,"
"Salamat din sa idea." nakangisi kong sambit sa kanya.
Nag lakad na ako ng mabilis papasok sa ospital. Kahit na hindi ako naniniwala sa sinasabi ng gwardiya sa akin ay kinilabutan ako. Hindi naman harmful yung multo kung tutuusin para lang siyang typical na matandang babae na mukang pera pero nung tumanggi ako sa hinihingi niya sa akin bigla nalang namula at nangitim ang kanyang mga mata kaya binitawan ko siya agad at hinayaan na makalayo sa akin.
Ilang minuto lang ang lumipas mula ng umalis ako sa harap ng gwardiya kanina ay nasa labas na agad ako ng silid ni Agatha.
Sumilip ako doon at nakita kong nandun pa rin si Doc Kim. Masaya silang nag ku-kwentuhan na dalawa kala mo naman talaga sobrang tagal na nilang mag-kakilala.
Pumasok na ako sa loob ng silid ni Agatha ngunit hindi man lang niya ako pinansin at patuloy pa rin siya sa pakikipag-landian sa Doctor na 'yun.
Habang naglalakad ako ay umubo ako nang malakas dahilan para mapatingin silang dalawa sa akin.
"Ayy Doc nandito ka pa pala? wala ka bang pasok bukas? baka pagod kana?" paulit-ulit na tanong ko sa kanya.
"Oo Sir William wala akong pasok bukas kaya kung pwede ay tambay na muna ako dito," naka ngiti niyang tugon sa akin.
"Aaayyy ganun ba?" inis kong sambit sa kanya. , "Nako Madam, Baka naman kaya hindi maka alis si Doc kasi masyado kang nag-papaawa sa kanya," pang aasar ko naman kay Agatha.
"Tsss! Hindi ko naman pinilit na mag stay si Doc eeh!" inis na sambit niya sa akin.
"Sige na alis na muna ako! Ooh ito mga pag kain baka gutom na kayo ni Doc!" sambit ko sa kanila.
Umalis akong masama ang loob kay Agatha. Muryot na muryot ako kasi nawawalan ako ng bahala dahil sa doctor na 'yan pero syempre wala akong magagawa kasi kaibigan lang naman ako.
"Nakakasira ng mood!" inis kong sambit.
Lumabas muli ako ng ospital para doon nalang mag palipas ng galit. Pag labas na pag labas ko ay napatingin muli ako sa lugar kung saan ko nakabanggaan yung matanda.
"Napagbintangan pa talagang multo yung matandang babae." natatawa kong sambit.
Umupo ako sa bandang entrance para mag pahinga at sa bandang gilid ay may nakita akong usok. Lumapit ako dito at nakita kong nag yoyosi si Nurse Jane.
"Nurse Jane!" sigaw ko sa kanya.
Agad niyang itinaas ang kanang hintuturo niya at inilagay niya ito sa kanyang bibig.
"Sssshhhh! Ingay mo naman brod!" inis na sambit niya sa akin.
Lumapit ako sa kanya agad.
"Ayy taray brod!" pang aasar ko sa kanya.
"Bakit nag yoyosi ka dito? Nurse Jane?" tanong ko sa kanya.
"Ssssshhhh! Ang ingay mo masyado aah. Na iistress kasi ako," sambit niya sa akin.
"Saan?" tanong ko naman sa kanya.
"Yung kasama mong babae, Si Ms. Agatha," sambit niya sa akin.
"Ooh? Bakit? Anong meron sa kanya?" nag tataka kong tanong sa kanya.
"Basta! Parang may something sa kanya hindi ko lang alam kung ano," nag aalala niyang sambit.
"Minumulto daw siya," seryoso kong sambit sa kanya.
"Sabi na eeh!" takot na sambit niya.
"Paano mo nasabi?" tanong ko sa kanya.
"Iba yung mga mata niya ngayon kumpara mo kaninang umaga," sambit niya sa akin.
"Huh? Anong meron sa mga mata niya?" tanong ko.
"Hindi ko din kayang i-explain pero kung ako sayo idala mo sa albularyo si Agatha para malaman nyo," sambit niya sa akin.
"Albularyo? Witch Doctor?" tanong ko muli sa kanya.
"Oo!" sambit niya sa akin.
"Anong gagawin namin doon?" tanong ko sa kanya.
"Basta! Idala mo siya dito sa address na ibibigay ko sayo. Magaling na manggagamot yang si Mang Tasing." sambit niya habang abot-abot sa akin ang kapiraso ng papel.
Tiningnan ko yung papel baka may naka takas na namang numero pero address lang ito at pangalan ni Mang Tasing.
"Salamat!" sambit ko sa kanya. , "Kailan ang discharge ni Agatha?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko pa alam kung kailan kasi si Doc Kim ang nakakaalam kung kailan yun," sambit niya sa akin.
"Aaahhh... Pero sa tingin mo matatagalan pa ba?" tanong ko sa kanya.
"Siguro mga dalawang buwan. Depende sa bale niya," sambit niya.
"Nandyan na ba yung result ng x-ray?" tanong ko sa kanya.
"Check ko mamaya," sambit niya.
"Sige! Salamat Nurse Jane!" sambit ko sa kanya sabay alis.
Umalis muli ako at pumunta ako sa malapit na cafe dito sa ospital. Nag lakad lang ako papunta sa cafe kaya medyo pawis akong naka dating doon.
Pag pasok ko sa loob ng cafe umorder agad ako ng amerikano at frappe. Binilhan ko na din si Doc Kim kahit naiinis ako sa presensya niya.
"One hazelnut frappucino and two amerikano yung medium cup lang and yung isang amerikano extra shot lang. Thanks" sambit ko sa cashier. , "Ahmm Take out!" pahabol kong sambit.
"Noted." sambit ng cashier.
Nagbayad ako at umupo muna sa upuan. Ilang minuto ang itinagal ko at tinawag na ang pangalan ko.
"Hazelnut frappucino and two amerikano for Wil!" sigaw ng cashier.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta na ako sa counter para i-pick up yung order ko.
"Thanks!" sambit ko sa cashier habang naka-ngiti.
Pagkakuha ko ng order ko ay umalis na agad ako. Hindi na ako nag lakad pa pabalik sa ospital baka matunaw yung dala kong frappe kaya nag taxi nalang ako.