Pagkatigil ng taxi sa harap ng ospital ay nag bayad na ako ng pamasahe ko at pagkatapos ay agad akong bumababa dito. Naglakad lang ako ng bahagya upang makarating ako sa b****a ng ospital at pagkatapos nun ay pumasok ako agad sa loob ng ospital at nag lakad papunta sa silid ni Agatha. Pag pasok ko sa silid ni Agatha ay agad kong iniabot ang dala-dala kong frappe kay Agatha at kape naman kay Doc Kim. "Ooh! Paborito mong frappe," sambit ko kay Agatha. , "Hindi ko alam kung anong iniinom mo kaya amerikano nalang binili ko," sambit ko naman kay Doc Kim. "Salamat!" nakangiting sambit ni Agatha sa akin. Agad niya itong ininom at pagkalipas lang ng ilang minuto ay biglang nanikip ang dibdib niya at hindi siya makahinga. "Agatha!" kinakabahan kong sambit sa kanya. "Tawagin mo yung Nurse! Dal

