Alas tres na ng madaling araw ngunit gising pa din ako. Umaakyat na ang lamig sa aking katawan ngayon at hihikab-hikab at pipikit-pikit na ang aking mga mata. Kaunting oras pa ang lilipas at makakatulugan ko na ang binabantayan ko.
Kinuha ko yung cellphone ko para tingnan ang gallery kung meron akong litrato ni Agatha. Iniscan ko ng mabuti ang cellphone ko pero wala pala siyang litrato dito kaya inilagay ko sa camera ang cellphone ko at kinuhanan ko ng litrato si Agatha.
Habang nili-litratuhan ko si Agatha ay biglang nagloloko ang cellphone ko. Hindi ko ito ma-focus sa kanya at bigla itong nag bu-blurd kapag pino-focus ko sa kanya ang camera.
"Bakit ayaw ma-focus?" inis na tanong ko habang dinudutdot ko ang cellphone ko.
Nakailang try ako pero nag loloko talaga ang cellphone ko. Sinubukan kong litratuhan ang sarili ko at mabilis ko itong nakuha. Napaka ganda ng kuha ko at hindi blurd katulad ng kay Agatha.
"Ang gwapo ko talaga! Akalain mo puyat pa ako nito." naka ngiti kong sambit sa sarili ko.
Sinubukan ko ulit kuhanan ng litrato si Agatha at sa wakas ay na focus na ang camera ko sa kanya at nakita ko sa camera ko na naka dilat ang mga mata nito kaya agad kong sinilip si Agatha ngunit tulog na tulog ito kaya ibinaling ko muli ang paningin ko sa camera ko. Walang pagbabago ganun pa din dilat at naka-ngiti sa camera si Agatha.
Kinilabutan ako sa nakikita ko sapagkat tulog si Agatha sa tuwing tinitingnan ko siya ng personal ngunit kapag nakatingin ako sa cellphone ko ay dilat na dilat ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin. Ngunit kahit pa ganun ay nagkibit balikat nalang ako at tinuloy kong kuhanan ng litrato si Agatha. Pagkakuha ko ng litrato sa kanya ay agad kong tiningnan ang kanyang litrato ngunit biglang namatay ang cellphone ko at na-lowbat.
"Hayyy... Atlist nakakuha ako ng litrato niya bago ako ma-lowbat." inis na sambit ko.
Habang nasa kasarapan siya ng pagtulog niya ay napapangiti nalang ako na nakatitig sa kanya.
"She sleeps like an angel." naka-ngiti kong sambit.
It's already 4 am in the morning kailangan ko na talagang matulog sapagkat masakit na ang mga mata ko. Umupo ako sa baba ng kama ni Agatha para makadantay ako sa kama niya at pagkatapos ay ipinikit ko na ang aking mga mata at agad naman akong nakatulog.
Mabilis kong nakuha ang tulog ko marahil siguro pagod na ako at puyat. I was sleeping soundly and some lady snatch my dream. It was Agatha! Naka-upo si Agatha sa isang mabulaklak na lugar napaka ganda ng kanyang ngiti mga ngiti na ni minsan ay hindi ko pa nakita. Nakita ko siyang taimtim na nagbabasa ng libro.
"Anong title ng libro? teka anong title?" paulit-ulit na tanong ko sa sarili ko.
Napansin kong unti-unting nag didilim ang paligid kaya tumayo na sa kinauupuan si Agatha. Merong bangin sa tabi nito at sa pag tayo niya ay umihip ang napaka lakas na hangin kung saan ay bigla siyang tumilapon sa dulo ng bangin. Pinilit ko siyang sagipin pero huli na ang lahat nalaglag siya sa bangin at hindi na muling naka-akyat pa.
Nagtatangis ako nito sapagkat hindi ko siya naligtas sa pagkakahulog niya sa bangin. Malakas ang pag-iyak ko nito dahil sa sobrang pagkadismaya at kalungkutan nang bigla nalang akong nagising sa pag kakatulog ko.
Lumingon-lingon ako sa paligid ko at nakita kong medyo busy na ang paligid. Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita kong alas otso na ng umaga.
"Napahaba ata ang tulog ko." sambit ko nalang.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at nag stretch ng katawan ko. Medyo masakit ang likod ko siguro dahil sa nangawit ako sa pag tulog ko. Tiningnan ko si Agatha na masarap parin ang tulog. Hinawakan ko ang malambot niyang mga kamay at umupo ako sa tabi niya.
Napansin kong pumipikit-pikit siya kaya kinausap ko na siya.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya.
"Masakit ang katawan ko," malungkot na tugon niya sa akin.
"Sa pagkalaglag mo sa hagdan 'yan teka tawagin ko lang si Nurse Jane." sambit ko sa kanya.
Tumango lang siya sa akin kaya agad akong umalis sa tabi niya. Mabilis akong umalis sa silid ni Agatha para hanapin si Nurse Jane sa desk pero wala ito.
Palinga-linga ako sa paligid ngunit wala si Nurse Jane doon kaya tinanong ko nalang ang nakaupong Nurse sa upuan habang abala itong nag ta-type sa kanyang laptop.
"Ahmmm... Nurse?" tanong ko sa isang Nurse.
"Yes ano 'yun?" tanong nito pabalik.
"Si Nurse Jane?" tanong ko muli.
"Si Jane? Naka out na kanina pa. Bakit?" tanong nito sa akin.
"May test po kasing gagawin sa Room 213," sambit ko.
"Aaahh ok! Nurse Jacob pala inendorse na sa akin ni Nurse Jane si Room 213 ako na mag che-check ng test niya," sambit nito sa akin.
"Sige po Nurse," sambit ko sa kanya.
"Sunod nalang ako sa kwarto niya kunin ko lang yung mga gamit." sambit nito sa akin.
Iniwan ko na si Nurse Jacob sa pwesto niya at bumalik na ako agad sa silid ni Agatha.
Pagkapasok ko sa silid niya ay biglang humangin ng malakas.
"Naka full ba ang aircon?" tanong ko nalang bigla sa sarili ko.
Lumingon ako kay Agatha at napansin kong gloomy ang aura niya.
"May problema ba?" tanong ko sa kanya.
"Wala naman medyo na ba-bother lang ako sa nangyayari," malungkot na sambit nito.
"Katulad ng?" tanong ko naman sa kanya.
"Piling ko kasi sobrang haba ng panaginip ko. I mean yung tulog ko," sambit nito sa akin.
"Mahaba naman talaga ang tulog mo," pang aasar ko sa kanya.
"Yah-yah-yah," inis na sambit niya.
"Anyway Madam, dadalaw daw yung mga kaibigan mo dito," sambit ko sa kanya.
"Sino?" gulat na tanong niya.
"Malamang yung Zach at tsaka yung Ma'am Angela ata," sambit ko.
"Aaahh... Akala ko naman kung sino." sambit niya.
"Bakit may hinihintay ka bang dadalaw sayo dito? Natawagan mo ba ang mga pamilya mo?" tanong ko sa kanya.
"H-hindi w-wala naman akong inaasahan na dadating na bisita dahil h-hindi naman a-ako tu-mawag sa bahay namin," pautal-utal na tugon niya.
"Aaah ok."
Habang nag-uusap kaming dalawa ni Agatha ay dumating si Nurse Jacob dala-dala ang mga pang kuha ng dugo.
"Good morning? Ms. Agatha," bati nito sabay ngiti kay Agatha.
"Good morning din Nurse?" bati niya pabalik.
"Nurse Jacob," sambit niya.
"Ok," sambit ni Agatha.
"Kukuhanan ko po kayo ng mga blood samples para sa test na gagawin natin," sambit nito.
"Ok sige po." sambit ni Agatha.
Kinuha ni Nurse Jacob ang parang lastiko na nilalagay sa braso pang pigil ng daloy ng dugo at injection.
"Hingang malalim. Ok! Relax lang," sambit ni Nurse Jacob.
Mabilis na umagos ang dugo ni Agatha sa injection.
"Ok! Good!" nakangiting sambit ni Nurse Jacob. , "Results after 1 hour," sambit niya muli.
"Thank you Nurse," sambit ko.
"Aha! Ok so kapag may kailangan kayo tawag nalang kayo sa desk huh," habang tinatapik-tapik ang balikat ko.
"Sige po Nurse." sambit ko sa kanya.
Umalis na agad si Nurse Jacob pagkatapos niyang kunan ng dugo si Agatha at naiwan na muli kami ni Agatha sa silid niya.
"Para saan yung test?" nakakunot na tanong ni Agatha.
"Para yun sa..." putol kong sambit.
"Agatha!" sigaw ng isang babae sa bandang pinto.
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko sapagkat biglang sumingit sa usapan yung babae.
"Ma'am Angela!" sigaw ni Agatha.
"Aah siya pala si Angela," sambit ko sa sarili ko.
"Anong nangyari sayong babaita ka?" habang hampas-hampas ang balikat ni Agatha.
"Hindi ko din alam!" sabay tawa ni Agatha.
"Mahinang nilalang talaga yang si Agatha!" singit ni Zach na may dala-dalang frappe.
Agad niya itong inabot kay Agatha at agad naman itong kinuha ni Agatha. Pasipsip na siya sa frappe niya ng pinigilan ko siya.
"Wag!" pamimigil ko sa kanya.
"Bakit! Ngayon na nga lang ako makakainom ng frappe pipigilan mo pa ako?" galit na sambit ni Agatha.
"Pre, hayaan mong uminom 'yang si Agatha dahil paborito niya 'yan," nakakunot na sambit sa akin ni Zach.
"Hindi pwede!" pamimigil ko.
"Bakit ba! Nakakainis ka!" inis na sambit ni Agatha sa akin.
Tumingin lang ako ng masama kay Agatha at hinayaan ko na siya na inumin yung dala-dalang frappe ni Zach. Pailing-iling lang akong nakatingin sa kanila habang masaya niyang iniinom ang pasalubong na frappe ni Zach sa kanya.
"Ang sarap talaga ng hazelnut!" nakangiting sambit ni Agatha.
Tiningnan ko ang relo ko habang nakatitig kay Agatha. Lumipas ang ilang minuto ay paubos na ang frappe ni Agatha ngunit wala pa ring nangyayari sa kanyang masama. Hindi nanikip ang dibdib niya at hindi siya nahirapan sa pag hinga.
Naguguluhan akong nakatingin sa kanya kaya napapatanong nalang ako sa sarili ko.
"So? hindi sa frappe biglang nanikip ang dibdib ni Agatha?" tanong ko nalang.
"Kung hindi sa frappe? Eeh saan?" naguguluhang tanong ko sa sarili ko.
Biglang pumasok sa picture si Doc Kim. Maaaring may ginawa si Doc Kim sa kanya kaya siya biglang nahirapan sa pag hinga kagabi o baka naman nag iisip na naman ako ng masama sa ibang tao? Medyo naguguluhan ako kaya nag paalam na muna akong uuwi ng bahay para mag pahinga.
"Kayo na muna bahala kay Madam at uuwi na muna ako sa bahay para magpahinga." seryosong sambit ko sa kanila.
Agad akong umalis sa harapan nila at tumungo akong muli sa Nurse Desk para ibigay ang numero ko kay Nurse Jacob.
"Nurse Jacob, pasuyo naman ako kais uuwi ako sa bahay ngayon pero babalik naman ako agad. Ok lang ba na isend mo sa akin ang result ng test ni room 213?" tanong ko sa kanya.
"Ok sige. Iwan mo nalang dito ang number mo at ang email mo para doon ko nalang isend yung result. Need mo pa ba ng hard copy nito?" tanong niya sa akin.
"Yes. Kunin ko nalang yung copy niya pag balik ko dito. Isa pa Nurse maaari bang wag niyong ipakita kay Agatha yung result ng test niya? Dapat ako muna ang makaalam nito bago siya," sambit ko.
"Bakit? May problema ba?"
"Wala naman Nurse may gusto lang akong i-clear kaya gusto ko ako na muna ang makakaalam ng result. Asahan ko yung result aah within 1 hour naman di ba?" tanong ko muli sa kanya.
"Yes!"
"Ok! Thank you Nurse."
Pagkatapos kong humingi ng pabor kay Nurse Jacob ay umalis na ako ng tuluyan sa ospital at umuwi na ako sa bahay para makapag pahinga naman ako sapagkat pagod na pagod at antok na antok ang diwa ko.
Hindi ko na kaya na gising pa ako ngayon.