Switching Scenes Agatha's Pov Hinayaan ko na munang umalis si William para makapag pahinga siya. Sobrang nahihiya ako sa kanya kasi hindi ko naman siya kaano-ano pero nag exert siya ng sobrang effort para sa akin. Habang nag uusap kami ni William ay biglang dumating sila Ma'am Angela at Zach na may dala-dalang mga pasalubong sa akin. "Wow! Paborito ko ito!" nakangiting sambit ko. Agad kong ininom yung paborito kong frappe. Sobrang nakaka refresh lang dahil nainom mo ang gusto mong inumin. Kahit na medyo maganda na muli ang mood ko ngayon ay hindi pa rin maitago sa mukha ko na malungkot ako dahil hirap pa rin ako sa pag galaw malamang sa malamang next week pa ako makakarecover nito. Pagkatapos kong ubusin ang pasalubong ni Zach sa akin na inumin ay agad ko siyang binalingan ng galit

