EPISODE 14

1562 Words
Tumingin muna siya sa akin ng matalim at pagkatapos ay tumugon na siya sa akin. "Ok naman ang result ng test mo walang anumang problema," seryosong tugon niya sa akin. "Mabuti naman kung ganun." nakangiting sambit ko. Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang magandang balita ngunit kahit pa maganda ang resulta ng test ko ay hindi ko naman alam kung para saan ito kaya tinanong kong muli si Nurse Jacob. "Nurse Jacob, pwede bang mag tanong?"  "Ano 'yun?" tanong nito pabalik sa akin. "Para saan po yung test na ginawa nyo?" tanong ko muli. "Test 'yun sa'yo dahil sa biglaang paninikip ng dibdib mo kagabi at hirap na hirap ka sa pag-hinga," sambit nito. "Paano po nangyari 'yun?" tanong ko sa kanya. "Huh? Anong paanong nangyari? Ayon sa medical record mo uminom ka ng frappucino flavor ng hazelnut tapos bigla ka nalang nahirapan sa pag hinga at nanikip na ang dibdib mo," sambit niya. "Wala akong allergy sa peanut at paborito ko ang mga pagkaing may peanut," sambit ko sa kanya. "Ayun din ang sabi ng result mo sa test! Wala kang allergy sa peanut pero meron ka sa seafood, right?" tanong ko sa kanya. "Tama po kayo dyan! kaya hindi ako kumakain ng anumang seafood kasi nagkakaroon ako ng allergy reaction. Nangangati ang buong katawan ko at nag papantal-pantal ito." sambit ko sa kanya. Habang nag uusap kami ni Nurse Jacob ay may naalala akong isang tao na may allergy sa peanut. Isang tao na sobrang malapit sa akin. "Malabo yun!" bigla ko nalang nasambit. "Ang alin?" tanong ni Nurse Jacob. "Ayyy wala po," sambit ko nalang. "Aaahh ok sige. Check ko lang temperature, blood pressure at pulse rate mo," sambit nito. "Sige po." sambit ko. Pagkatapos i-check ni Nurse Jacob yung temperature, blood pressure at pulse rate ko ay umalis na siya. Mahimbing ang tulog ni Ma'am Angela sa tabi ko kaya hindi ko na siya ginising pa. Madaming naglalaro sa isip ko ngayon at masyado na din magulo ang nangyayari sa akin ngayon. Paulit-ulit kong binabanggit ito masyadong magulo ang utak ko. Bakit ba ako ginugulo ng multo o elemento o ewan kong paranormal na 'to? wala akong alam na dahilan para maging ganto ang sitwasyon ko. Mag-aanim na taon na ako dito sa lungsod at ito palang ang kauna-unahang karanasan ko na something entity. Very grudgeful yung multo! Devilish! Nananakit na siya ng tao! Nakakatakot ang gantong kalaban baka sa susunod pag lalamayan na ako. Habang nakatingin ako sa paligid ay nakaramdam ako ng antok. Wala naman akong gagawin ngayon kasi hindi ko pa kayang umupo ng maayos kaya hindi ko din matutuloy ang sinusulat kong kwento. Pinikit ko ang mga mata ko at sinubukan ko ulit matulog ngunit parang ayaw makisama ng aking mga katawan. Gising na gising ang katawan ko ngunit ang diwa ko ay parang nanghihina. "Syrina," isang malamig na boses ang bumulong sa akin. Kinilabutan ako sa narinig ko. Maliwanag na sinambit niya ang pangalan na iyon. Ang pangalan na matagal ko ng hindi naririnig. Ang pangalan na matagal ko ng nakalimutan. Ilang taon na ba ang nakalipas mula ng pumanaw siya? Tumingin ako sa aking itaas at nakita ko ang numerong six. Tatlong ulit itong isinulat sa kisame 6-6-6. Nanlamig ang katawan ko na para bang may humahawak dito. Yung mga kamay ko nag titigasan lahat dahil sa lamig! Hindi ko maigalaw ang balikat ko para akong na istatwa sa pwesto ko tanging ang mga mata ko lang ang natitira kong naigagalaw na parte ng katawan ko. Nag simula na akong pag pawisan ng malagkit dahan-dahang dumadaloy ang malamig na likido sa likod ko hanggang sa balakang ko. "Syrina," pangalawang ulit na sinambit niya sa akin. "Syrina! Ikaw ba yan?" takot na tanong ko sa kanya. Hindi ito sumagot sa akin at mas lalong nanlamig ang katawan ko ng nakita kong nag papatay sindi ang ilaw sa silid ko. "Ito na naman!" sigaw ko. Ibinaling ko ang atensyon ko kay Ma'am Angela at niyugyog ko siya para magising siya at hindi ako nagkamali ngayon. Mabilis na nagising sa tabi ko si Ma'am Angela. "Huy! Anong nangyari?" gulat na tanong niya sa akin. "Nandito siya!" nanginginig kong tugon sa kanya. "Sino? sinong nandito?" tanong niya sa akin. "Si Syrina!" sigaw ko. "Sinong Syrina?" tanong niya muli sa akin. "Basta! Basta!" sambit ko sa kanya ng pasigaw. Tumayo agad si Ma'am Angela sa kama ko at ginising si Zach na natutulog sa sofa. "Hoy Zach!" habang niyuyugyog si Zach. "Ooh?" sagot naman nito. "Yung kaibigan mo ooh! Nababaliw na ata. Samahan mo 'to dito at tatawagin ko yung kaibigan kong pastor at ipag pe-pray over natin 'tong babaita na 'to," galit na sambit ni Ma'am Angela kay Zach. "Sige-sige bahala ka." sambit ni Zach kay Ma'am Angela. Nag madaling umalis si Ma'am Angela at naiwan kami ni Zach sa loob. "Madam! Ano na namang nangyayari sayo? Nabuang kana girl?" pang aasar ni Zach sa akin. "Malapit na! Peste ka talaga Zach eeh noh?" inis kong sambit sa kanya. "Grabe ka naman Madam," sambit niya sa akin. "Kapag mag paramdam ulit si Syrina sabihin ko konyatan ka!" inis kong sambit. "Sinong Syrina?" tanong niya sa akin. "Basta! Papa multo kita dun," sambit ko sa kanya. "As if naman takot ako sa multo? Eeh ikaw nga itong mabaliw-baliw na sa takot!" pang aasar niya sa akin. "Hindi mo kasi alam yung piling na haunted ka kaya nasasabi mo yan," sambit ko sa kanya. "Siguro may ginawa kang masama noh? Kaya galit yung multo sayo," pang aasar niya. "Syempre wala! Anong gagawin ko sa multo na yun? Duh? Tsaka mukha ba akong may masamang gagawin?" tanong ko sa kanya. "Oo!" naka ngisi niyang sambit sa akin. "Aaahh... Oo pala huh! Halika dito sa tabi ko ng gilitan kita ng leeg! Bwisit ka!" inis na sambit ko sa kanya. "Anong ipang gigilit mo? Yung swiss knife mo? Very resourceful aah... Haayyyy ooh siya sige ipangbabalat nalang kita ng mansanas baka gutom ka na naman." pang aasar na sambit niya muli. Inihagis ko ang swiss knife na nakabukas kay Zach at tumama ito sa kanyang paa. Kumukulo talaga ang dugo ko ngayon sa kanya dahil sa mga pinag sasabi niya sa akin.  "Kapag di ako nakapag timpi dito kay Zach saksakin ko nalang 'to bigla!" inis na sambit ko sa sarili ko. "Ooh? Easy lang! Ipag balat nalang kita ng mansanas! Anong gusto mong drinks? Gusto mo ba ng softdrinks? Or frappe nalang?" tanong niya sa akin. "Kahit ano!" sigaw ko sa kanya. "Ok sige! Frappe nalang. Penge pera pangbili ko ng frappe," sambit niya sa akin. "Leste! Lakas makatanong ng gusto kong inumin tapos hihingan naman pala ako ng pera," inis na sambit ko. "Syempre! Ikaw malaki sahod dito eeh," sambit niya sa akin. "Fine!" sambit ko pabalik. Kinuha ko ang pera sa wallet ko at binigyan ko si Zach ng pera. "Ooh! Isang daan!" sambit ko sa kanya habang hagis-hagis ang pera ko. "Isang daan? Saan makakaabot to? Delivery charge palang wala na 'to eeh," sambit niya sa akin. "Leste ka! Akin na ang pera! Heto isang libo!" inis na sambit ko. Agad niyang inabot ang pera ko. "Libre na ako ng frappe dito aah?" nakangiting sambit niya. "Yun naman pala ang plano niya! Makalibre! Hala sige bumili ka din ng saiyo," inis na sambit ko sa kanya. "Ooh diba! Salamat sa libre Madam!" nakangiting sambit niya sa akin. Kapag talaga si Zach ang nakakausap ko nawawala ang takot ko at napapalitan ito ng galit. Sa t'wing mag uusap kasi kaming dalawa lagi nalang niya akong tinutukso at pinag ti-tripan kaya lagi akong naiinis sa kanya. Pero kahit na para kaming aso't-pusa na dalawa ay sobrang thankful ako na siya ang kasama ko ngayon dahil bukod sa umiinit ang dugo ko sa kanya ay nawawala ang takot ko sa mga nag paparamdam sa akin. Ngunit kahit pa nawawala ang takot ko ay hindi na mawawala sa isipan ko si Syrina.  "Bakit ka ngayon nag paparamdam sa akin? Anong gusto mong mangyari sa akin? Ikaw ba ang nananakit sa akin o iba?" paulit-ulit na tanong ko sa sarili ko. Habang natutulala ako ay bigla nalang sumulpot sa harapan ko si Zach habang abot-abot ang nabalatan na mansanas ko. "Malalim na naman ang iniisip mo," seryosong sambit Zach sa akin. "Hindi ko nga alam kung bakit nag kakaganito ako ngayon. Kayo kasi lagi niyo akong tinatakot!" inis na sambit ko sa kanya. "Sorry na. Hindi na kita muli pang aasarin sa mga multo,"  "Mabuti naman at naaawa kana sa akin ngayon? Hindi mo alam ang pakiramdam ng akala mo tulog ka pero gising ka pala tapos lagi pa akong binabangungot," umiiyak na sambit ko sa kanya. "Nanghihina na ako dahil sa nangyayari sa akin," "Hayaan mo at nag tawag ng Pastor si Ma'am Angela para mabasbasan ka kahit papaano at matanggal ang masamang espiritu na umaaligid sayo," "Sana nga gumana 'yung gagawin nila sa akin dahil gusto ko na muling bumalik sa dati. Ako ng ganitong pakiramdam para akong walang silbe dahil sa mga cast sa paa ko." Malungkot na nakatingin lang sa akin si Zach hindi na siya tumugon pa sa akin dahil patuloy na umaagos ang luha sa mga mata ko. Takot na takot ako ngayon dahil hindi niya ako nilulubayan. Ayoko na ding matulog dahil pakiramdam ko kapag natulog ako ay kukunin na niya ako. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD