EPISODE 15

1516 Words
Switching scenes Angela's Pov Nang makita ko si Agatha na takot na takot sa tabi ko ay agad akong tumayo sa kinahihigaan ko at mabilis akong umalis sa silid ni Agatha. Ilang oras palang ang nilagi namin ni Zach dito sa kwarto niya ngunit may kababalaghang na nangyari agad. Pagkalabas na pagkalabas ko palang ng silid niya ay tinawagan ko agad ang kilala kong pastor na si Pastor Martin isang kilalang pastor sa lugar namin at agad naman siyang sumagot sa tawag ko sa kanya. "Maganda hapon po Pastor Martin, pwede po ba ako mag request ng pray over ngayon?" tanong ko sa kanya. "Hello! Kapatid na Angela pwede naman po. Saan po tayo mag pe-pray over? Dito na po ba sa church o saan po?" tanong niya pabalik sa akin. "Pastor, Sunduin kita diyan sa church kasi dito po sa ospital ang ipapa-pray over ko," sambit ko sa kanya. "Ok sige po! Mag gagayak lamang ako at aayusin ang mga gamit ko na kakailanganin natin," sambit niya sa akin. "Sige po Pastor Martin maraming salamat po." pasasalamat ko sa kanya. Ibinaba ko na ang cellphone ko at pumara ng sasakyan ko. Itinaas ko ang kamay ko at kinawayan ang paparating na taxi habang sinisigawan ito. "Taxi!" sigaw ko sa driver habang kinakaway ang kamay ko sa kanya. Agad namang huminto ang taxi at itinabi sa sidewalk ang sasakyan. Tumakbo ako papalapit sa humintong taxi at agad kong binuksan ang pinto tsaka umupo sa upuan. "Sa Quezon Ave. po tayo Manong," nag mamadaling sambit ko sa kanya. "Sige po ma'am." tugon niya sa akin. Kinakabahan at nanginginig akong umalis sa ospital ng hindi ko maintindihan. Iba ang nararamdaman ko sa kaibigan ko ngayon parang hindi siya ang Agatha na nakilala ko.  Kilala ko na si Agatha matagal na panahon na dahil mag tatatlong taon na din kaming mag kaibigan na dalawa ngunit hanggang ngayon ay misteryo pa rin sa akin ang kanyang pagkatao dahil sa loob ng tatlong taon na magkasama kaming dalawa ay wala akong narinig na kwento mula sa kanya.  Totoong kilala ko na ba siya o baka madami pa talaga akong hindi nalalaman sa pagkatao niya? Naging bukas na libro ang buhay ko sa kanya ngunit ni isang kwento mula sa kanyang pamilya ay wala akong naringgan sa kanya.  "Sino ba si Syrina? Bakit parang takot na takot siya kay Syrina?" nagtataka kong tanong sa sarili ko. Unti-unti akong naku-curious sa pagkatao niya. Naalala ko noon tinanong ko kung may social media accounts siya pero ang sabi niya sa akin wala. Meron kayang nasa mid-aged adult na walang f*******:, i********: at Twitter ngayong panahon na ito? Lalo pa't nasa mayamang lungsod kami? Parehong successful sa trabaho? Hmmm... Naalala ko writer nga pala siya? Meron kaya siyang site na pinag lalagyan ng mga story niya or meron kaya siyang sariling website sa story niya? Palalim nang palalim ang iniisip ko kay Agatha dahil sa nangyayari sa kanya at ito ang pangalawang beses na pinag dudahan ko ang pagkatao niya. ~ ~ ~ 3 years ago. Isang taon na ako sa trabaho ko ng unang pasok ni Agatha sa trabaho. Sobrang vulnerable na babae, sobrang hinhin at sobrang tahimik. Typical type ng mga lalaki yung ganda niya. Kulot salot! Este wavy messy hair tapos yung labi niya hindi naman kapulahan pero malalaman mong buhay siya. Hindi siya mahilig mag make up kaya very exotic ng mukha niya! I mean very natural lang ng ganda niya. Yung mata niya singkit kaya kapag ngumiti siya walang mata. Hindi siya kaputian pero ang ganda pa rin niya. Nakatingin lang ako sa kanya mula sa malayo hanggang sa papalapit ako nang papalapit sa kanya in short ako nakipag kaibigan! Walang kwenta kaya 'tong si Agatha kapag wala ako! Paano? Ni hindi nga marunong makipag socialize 'tong babae na 'to! Pag bibili kami sa mga restaurant or mga fastfood ako ang tagapag salita. Well, Tanggap ko naman na madaldal ako at pipi yung naging kaibigan ko pero dumating ang araw na nakita ko siyang ngumiti at tumawa. Ito yung panahon na dumating si Zach sa opisina. Siya ang naging joker sa office walang taong hindi matatawa at maiinis kay Zach. Sobrang galawgaw nitong tao na 'to at prankster! Ang lagi niyang subject sa kalokohan niya ay si Agatha. Mas naging mag kaibigan yung dalawa kaysa sa amin kasi magkasama sila sa iisang department pero hindi naman doon magtatapos ang pag kakaibigan naming dalawa. Sabay kami umuuwi ni Agatha kapag pareho kami ng schedule pero minsan hindi kasi dahil nag papang umaga ako. Never nag pang umaga sa trabaho 'yang babae na 'yan dahil takot daw siya sa dilim. Hindi siya sanay matulog sa gabi ewan ko baka may lahing bampira 'tong babae na 'to at gabi siya gising at sa umaga ay tulog. Naalala ko noon kapag mag kasama kami laging binabangaw yung bibig niya este lagi siyang napapanisan ng laway dahil sa katahimikan niya. Sa una parang napaka hirap niyang sabayan sa trip kasi ang boring talaga ng buhay niya buti talaga ngayon ngumingiti na ang gaga at tumatawa na. Si Agatha never ko pang nakitang nagalit 'yan pero kanina talaga parang kakaiba siyang kausap. Habang nasa sasakyan ako ay paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko si Syrina. "Sino ba kasi 'tong Syrina na 'to? at paulit-ulit siyang binabanggit ni Agatha?" tanong ko sa sarili ko. Dahil sa medyo advance akong mag isip at masyado akong makulit sa mga bagay-bagay ay kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ko ang f*******: ko upang hanapin ang mga social accounts ni Syrina. "Ano ngang apelyido ni Agatha? Hmmmm.. Ayun! Monreal nga pala." sambit ko nalang sa sarili ko habang tutok sa cellphone ko. "Monreal."  Sinerch ko agad sa f*******: ang pangalang Monreal at ito ang mga lumabas. "Jerlyn Monreal" "Monreal real states" "Monreal Shop" "Mali-mali ata na search ko," sambit ko sa sarili ko. "Agatha Monreal pala dapat." sambit ko sabay type muli sa cellphone ko. Sinearch ko sa f*******: ang pangalang Agatha Monreal pero bigo akong mahanap ito. "Bakit kaya walang f*******: tong babae na 'to? O di kaya ibang pangalan gamit niya?" sambit ko sa sarili ko. "Wait lang? 'Yung kay Syrina kaya?" Habang tina-type ko ang pangalan ni Syrina sa search button ay bigla akong kinausap ng driver ng taxi kaya na-divert agad ang atensyon ko sa lugar na pupuntahan ko at nawala sa isip ko ang gagawin ko. "Ma'am malapit na po tayo sa Quezon Ave. saan po dito ang pupuntahan nyo?" tanong ng taxi driver. "Aayy Manong, Alam nyo po ba yung Christian church?" tanong ko sa kanya. "Aaah yung malaking puti na church sa dulo ma'am?" tanong niya sa akin. "Yes kuya!" nakangiting tugon ko sa kanya. "Ok po." sagot niya sa akin. Itinuon na muli ni kuyang driver ang atensyon niya sa pag da-drive at ako naman ay lumingon-lingon sa paligid para malibang ako ng kaunti at mabawasan ang alalahanin ko. Ilang street na lang at nandun na kami sa paroroonan ko. Sinaglitan ko ng tawag ang asawa kong si Andrew para abisuhan siya na male-late ako ng uwi dahil sa inaasikaso ko ngayon. Pagtawag ko sa cellphone ni Andrew ay agad naman siyang sumagot sa tawag ko. "Hello Hon!" masayang sambit ko sa kanya. "Yes Hon, Nakauwi kana ba?" tanong niya sa akin. "Ito nga Hon nasa ospital ang gagang si Agatha at nalaglag sa hagdan at hindi makalakad ngayon parang nabuang na ang babae na 'yun kasi may multo daw then ito ako ngayon papunta kay Pastor Martin para sunduin siya at ipapa-pray over ko si Agatha sa ospital," sambit ko sa kanya. "Nako! Ingat ka Hon aah. Regards mo ako kay Pastor. Teka? tinawagan mo na ba si Nanay na hindi ka pa makakauwi ngayon?" tanong niya sa akin. "Ayyy oo nga pala! Jusko naman nabuang na din ako," sambit ko sa kanya. "Ok! Ok! Ako na tatawag kay Nanay para makapag luto na siya ng makakain sa bahay," sambit niya sa akin. "Hindi na! Order na lang ako ng dinner nila papahirapan mo pa yung nanay mo," sambit ko sa kanya. "Ok sige ikaw bahala. Sige na Hon at mamaya pauwi na din ako," sambit niya sa akin. "Sige na! I love you," kinikilig kong sambit. "I love you too Hon, Ingat ka diyan." tugon niya sa akin. Binaba ko na ang cellphone ko at sakto na ipinatay ni kuya ang sasakyan dahil nandito na kami sa simbahan. "Kuya wait ka lang dito aah. Sunduin ko lang yung Pastor namin at dito na din kami sasakay pabalik sa ospital," sambit ko sa kanya. "Sige po at hindi ko na papatayin ang metro," tugon niya sa akin. "Sige Manong." Bumaba na ako sa taxi at naglakad na ako patungo sa simbahan para sunduin si Pastor Martin.  Kinakabahan ako ngayon ngunit malakas ang pananampalataya ko na pagkatapos ng padasal ko ngayon kay Agatha ay bubuti ang kanyang lagay at mawawala ang kanyang mga agam-agam sa buhay. Pipilitin kong mapagaan ang kanyang loob ngayon dahil ako lang ang masasandalan niya dahil ako lang ang malapit na kaibigan niya na mahihingian niya ng tulong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD