EPISODE 16

1623 Words
Nasa b****a palang ako ng simbahan ay nakita ko na agad si Pastor Martin. "Pastor Martin!" tawag ko sa kanya mula sa malayo. Agad namang lumingon sa akin si Pastor Martin at masayang kumaway sa akin. Nag madala na akong naglakad upang sunduin siya at binati siya. "Kumusta po Pastor Martin?" bati ko sa kanya. "Mabuti naman po kapatid! Kayo po?" nakangiting tugon niya sa akin. "Ok naman ako pastor at ang buong pamilya ko. Maraming salamat nga po pala at pinaunlakan niyo ang pakiusap ko sa inyo," "Wala 'yun kung saan ang may nangangailangan ay nandun ako dahil ito ang misyon ko," nakangiting tugon niya sa akin. "Pagpalain pa po kayo ng may kapal Pastor Martin." nakangiting sambit ko sa kanya. Kinuha ko ang mga dala-dalang niyang gamit at sumakay muli kami sa taxi na sinakyan ko upang bumalik sa ospital kung saan naka confined si Agatha. Pagpasok na pagpasok palang namin ni Pastor sa kotse ay agad kong inabisuhan ang driver na bumalik kung saan kami nanggaling. "Kuya balik po tayo sa ospital," madali kong sambit sa taxi driver. "Sige po." tugon niya sa akin. Binuksan na ng driver ang makina ng taxi niya at pinaandar ito. Itinuon ko ang atensyon ko kay Pastor Martin upang ikwento ang buong detalye na nasaksihan ko kani-kanina lamang. Hanggang ngayon medyo naguguluhan pa rin ako sa nangyayari kasi hindi ko talaga alam kung paano ako mag sisimulang mag kwento kay Pastor.  Nilakasan ko nalang ang loob ko at huminga ako ng malalim para simulan ko ang kwento ko mula sa simula hanggang ngayon. "Pastor Martin?" tanong ko. "Ano 'yun?" "Gusto ko lang po sana muna ikwento sa inyo ang nangyayari sa kanya para pag dating natin doon ay alam niyo na kung paano i-handle ito," "Sige. Mainam ito para alam ko kung anong tulong ang kailangan niya," "Ganto po kasi yun Pastor," sambit ko sabay hinga muli ng malalim. "Yung kaibigan ko po kasi ginagambala ng masamang espiritu. Matatakutin po kasi na tao si Agatha kaya po kahit kaunting pananakot mo lang sa kanya ay natatakot agad siya. Nung isang araw po kasi biniro siya ng kaibigan naming lalaki sa trabaho inaasar po siya na may multo sa likod niya sa elevator. Ito naman pong si Agatha dahil sa takot po ay bigla nalang siyang tumakbo sa kanya tapos natapilok po siya. Ok naman po nung una kasi sprain lang po pero after po nun naka experience na po siya nang mas matinding takot kasi po hindi lang po nag paparamdam sa kanya yung espiritu kundi sinasaktan na po siya. Ngayon po nasa ospital siya dahil po nalaglag po siya sa hagdan kahapon ng gabi," kwento ko sa kanya. "Nag sisimba pa ba ang kaibigan mo?" tanong niya sa akin. "Aaahh... Eeeehh... Hindi ko po alam Pastor kasi hindi na po kami masyadong nag uusap pag weekends na dalawa," sambit ko sa kanya. "Wala ba siyang naikwento na kung ano sayo?" tanong niya sa akin. "Katulad nang ano po?" "Sa buhay niya o sa mga nangyayari sa kanya?" "Nako Pastor 'yan din ang problema ko sa kanya hindi siya madaldal na tao hangga't maaari hindi mag sasalita 'yan kung hindi mo kakausapin," sambit ko sa kanya. Napa bugtong hininga na lang si Pastor Martin sa akin. "Kailan mo pa siya kilala?" seryosong tanong niya sa akin. "Mag aanim na taon na po kaming mag katrabaho ni Agatha. Bakit po?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Kamusta siya bilang ka trabaho o kaibigan sa inyo?" tanong niya muli. "Hmmmm... Ok naman po siyang kaibigan at ka trabaho sa amin medyo masungit lang siya sa mga lalaki at tahimik na tao," sambit ko sa kanya. "Pamilya? Meron ba siyang kinukwento sayo tungkol sa pamilya niya?" tanong sa akin ni Pastor Martin. "W-wala po. Wala po siyang naikwento sa akin tungkol sa pamilya niya. Wala din po siyang social media accounts katulad ng f*******:, twitter at i********:," tugon ko sa tanong niya. "Hmmmm... Subukan mong kausapin si Agatha tungkol sa pamilya niya at kung saan siya nakatira," sambit sa akin ni Pastor Martin. "Alam ko po kung saan nakatira si Agatha, Pastor," sambit ko sa kanya. "Mabuti kung ganun. Ngayon alamin mo kung saan nakatira ang pamilya niya," sambit niya sa akin. "Susubukan ko pong tanungin siya Pastor kasi nagawa ko na po 'yan dati tinanong ko siya kung saan siya nakatira o saan nakatira ang pamilya niya para kung may mangyari mang masama sa kanya ay masasabi ko sa pamilya niya agad. Ako po ang nag interview sa kanya noong unang nag aapply pa lamang siya sa trabaho at blanko po ang nasa family background niya," sambit ko. "Hindi mo ba inusisa ang background niya bago niyo siya tinanggap sa trabaho?" tanong sa akin ni Pastor Martin. "Hindi po kasi masyadong pinapansin ang family background sa resume Pastor ang importante po doon ay kung saan ka nag tapos at kung saan ka nag....," natigilan kong sambit.  "Omy! Naka kuha ako ng hint kay Agatha," masayang sambit ko. "Anong hint?" tanong sa akin ni Pastor Martin. "Bale po kasi Pastor, Kanina noong nandoon ako sa ospital nakita ko si Agatha na takot na takot! Tapos may binabanggit siyang pangalan ng babae. Sy? Syrine? Sylena? Sy... Sy...," utal-utal kong sambit sa kanya. "Sy?" naguguluhang tanong ni Pastor Martin sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko at biglang nag pop up sa utak ko ang pangalan na... "Syrina!" sambit ko. "Syrina?" tanong ni Pastor Martin sa akin. "Tama po Syrina nga po! 'yan po yung paulit-ulit niyang sinasabi na pangalan nung tulog siya tapos po noong tinanong ko siya kung sino si Syrina nagalit siya sa akin," sambit ko sa kanya. Habang nag kukwento ako tungkol kay Agatha at lalo nang nasambit ko ang pangalan na Syrina ay napansin kong kinabahan si Pastor Martin. Panay ang punas niya ng pawis niya kahit na sobrang lamig sa loob ng taxi. "Pastor? pawis na pawis ka," nagtataka kong sambit sa kanya. "Medyo mainit," sambit niya sa akin. "Aaah... Manong ok lang po ba na lakasan nyo pa po ng kaunti yung aircon," sambit ni Pastor Martin sa driver. "Wala pong problema Pastor," tugon nito kay Pastor. "Pastor, Meron po akong tissue dito? Gusto nyo po?" naguguluhang tanong ko sa kanya. "Nako wag na. Bigla lang akong nainitan. Ano nga ulit yung pinag uusapan nating dalawa?" tanong nito sa akin. "Tungkol po dun sa binabanggit ni Agatha na Syrina," sambit ko. "Aaahh! Oo! malapit na ba tayo sa ospital?" tanong niya sa akin. "Aah opo! Malapit na po tayo." tugon ko sa kanya. Nag bugtong hininga si Pastor Martin at ipinikit ang kanyang mga mata. Habang nakapikit si Pastor ay tinawagan ko si Zach na nag babantay kay Agatha ngayon upang sabihin na malapit na akong makabalik sa ospital kasama si Pastor Martin. Mabilis na sinagot ni Zach ang tawag ko sa kanya kaya agad ko siyang kinausap. "Hello Zach! Malapit na kami ni Pastor sa ospital at kung maaari ay wag mong sasabihin kay Agatha na may kasama akong Pastor aah," sambit ko sa kanya. "Bakit hindi ko sasabihin?" tanong niya sa akin. "Basta! Wag ng maraming tanong! Kamote ka talaga," sambit ko sa kanya. "Ok sabi mo eeh." sambit niya sa akin. Agad kong ibinaba ang cellphone ko at tumawag ako ulit sa asawa ko. "Nareceive nyo na yung pinadeliver ko?" tanong ko sa kanya. "Oo hon. Ingat ka sa pag uwi mo huh," malambing na sambit niya sa akin. "Opo! Sige na bye na kasama ko si Pastor Martin at nandito na kami sa ospital," sambit ko sa kanya. "Sige." Pagkatapos kong kausapin ang asawa ko ay ibinaba ko na ang cellphone ko at sakto namang nag patay ng sasakyan si Manong. Agad ko siyang binayaran at nag pasalamat sa serbisyo niya sa amin. "Dito na po tayo Pastor." naka-ngiti kong sambit kay Pastor Martin. Ngumiti sa akin si Pastor Martin at binuksan ang pintuan ng taxi at pagkatapos ay dahan-dahan siyang bumaba dito. Nakita ko na seryoso ang pagkakatitig ni Pastor sa ospital at para bang sinusuri ito ng mga tingin niya.  "May problema po ba Pastor?" tanong ko nalang bigla sa kanya. "Wala naman," tugon niya sa akin. "Napansin ko po kasing seryoso ang titig niyo sa ospital kaya napatanong ako kung may problema po," nakangiti kong sambit sa kanya. "Napatingin lang naman ako kapatid," nakangiting tugon niya sa akin. "Sige po." Inaya ko na siyang pumasok sa loob ng ospital at pumunta sa silid ni Agatha. "Halika na Pastor at ipapakilala ko na po kayo kay Agatha," paanyaya ko sa kanya. "Sige." Naglakad na kami ni Pastor patungo sa b****a ng ospital at pagdating namin doon ay bigla nalang kaming hinarang ng nagbabantay na gwardiya sa labas. "Mawalang galang na po? Saan po ang punta niyo?" tanong sa amin ng gwardiya. "Dadalaw lang po saglit sa kaibigan ko," tugon ko sa kanya. "Pasensya na po pero tapos na po ang visitation hours." Tumingin ako sa relo ko at nakita ko ang oras. Tama si kuyang guard na tapos na nga ang oras ng visitation ngunit kailangan ito ni Agatha kaya gumawa ako ng way para makapasok kami. "Kuya kahit saglit lang ho! mapadasalan ko lang ang kaibigan ko upang bumuti ang kalagayan niya," pakiusap ko. "Hindi po talaga pu-pwede ma'am," "Sige na po." pansusumamo ko. Hindi na makatiis ang gwardiya dahil sa pamimilit ko sa kanya kaya napapayag ko din siya. "Pagbibigyan kita ngayon pero sa susunod hindi na ito pu-pwede ma'am huh!" "Sige po! Maraming salamat!" Pumasok na kami agad ni Pastor Martin sa loob upang makapunta na kami kay Agatha mamaya mag karoon pa ng problema muli at hindi na kami tuluyan pang makapunta doon. Sayang ang effort ko at ni Pastor pag nagkataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD