EPISODE 17

1805 Words
Pumasok na agad kami sa loob ni Pastor Martin para tumungo sa silid ni Agatha palapit palang kami sa kwarto ni Pastor ay bigla niya akong pinigilan. "Teka!" pamimigil niya sa akin. "Bakit po Pastor?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Saan ang banyo dito?" tanong niya sa akin. "Hindi ko din alam Pastor siguro tanong nyo nalang po sa gwardiya," sambit ko sa kanya. "Sige! Sige sunod nalang ako sa loob," sambit nito. "Sige po sunod nalang kayo sa loob." sambit ko sa kanya. Pailing-iling akong pumasok sa loob ng silid ni Agatha at habang naglalakad ako papasok sa loob ay nakita kong nag tatawanan sina Agatha at Zach. "Mukhang masaya ang usapan nyong dalawa aah?" nakangiti kong tanong kay Agatha. "Nako Ma'am! Kamote kasi 'tong si Zach! Paano kasi kumakain kami ng noodles tapos kwento ng kwento tapos tawa ng tawa ayun lumabas sa ilong niya yung noodles," natatawang sambit ni Agatha sa akin. "Ewww! Kadiri ka Zach! Panigurado ako may sahog na kulangot yang kinakain mong noodles!" pandidiring sambit ko sa kanya. "Wow Ma'am Angela? Akala mo naman hindi ka pa nakakain ng kulangot nung bata ka pa? Tsaka ahemm ma'am baka nakalimutan mo na yung nakakatawang experience mo sa office?" sambit niya sa akin habang nakabungisngis. "Sige kwento mo 'yan kay Aga nang masesante kita!" galit kong sambit. "Wala naman tayo sa office Ma'am Angelo. Mag kakaibigan tayo dito! Dali na kwento nyo na!" natatawang sambit ni Agatha sa akin. "Wala pa yung joke dun Aga! Wag muna tatawa," inis kong sambit kay Agatha. "Ganto kasi 'yun," sambit ni Zach sabay tawa. "Tawang-tawa girl? Ge ikwento mo na!" sambit ko kay Zach. "Ganto kasi 'yun. Nasa pantry si Ma'am Angela nun tapos umiinom siya ng milktea. Sarap na sarap siya sa pag inom eeh. Nandun lang ako sa gilid nun yung hindi makikita ng tao tapos! Tapos!" natatawang sambit ni Zach. "Mas madami pa tawa mo kaysa sa kwento mo," inis na sambit ko kay Zach. "Tapos ito nga!" natatwang sambit ni Zach. "Uminom siya ng sobrang dami ng milktea pagkatapos niya uminom ng milktea biglang kumati yung ilong niya tapos bigla siyang bumahing! Yung mga tapioca pearls tumalsik sa la Mesa!" tawang-tawang sambit niya habang nangingilid ang mga luha sa mata. "Yuck! Kadiri ka Ma'am Angela!" natatawang sambit ni Agatha sa akin. "Sige nga subukan nyong uminom ng frappe tapos ifull nyo yung bibig nyo tapos mabahing kayo?" inis kong sambit. "Oo nga naman Zach! Epal mo talaga." biglang sambit ni Agatha kay Zach. Habang nag kakatuwaan kaming tatlo ay pumasok na si Pastor Martin nakita ko ang pag pasok niya dahil nakaharap ako sa pintuan upang makita ko ang pag dating niya. Ngumiti ako ng malaki at agad kong ipinakilala si Pastor Martin sa kanila. "Ayy! Si Pastor Martin pala ang pastor sa simbahan namin," sambit ko sa kanilang dalawa. "Magandang hapon mga kapatid," bati niya sa kanila habang nakangiti. "Magandang hapon din po Pastor," sambit nilang dalawa. "Aah hmmmm... Agatha isinama ko pala si Pastor dito para ipag pray over ka para naman lubayan kana ng masamang espiritu na gumagambala sayo," nakangiting sambit ko sa kanya. "Aaaaahhhh... Sige ok lang! Ano bang gagawin natin sa pray over natin?" tanong ni Agatha sa akin. "Anong gusto mong ipanalangin Agatha? May bumabagabag ba sayo nitong mga nakaraang araw at ikaw ay balisa ngayon?" tanong sa kanya ni Pastor Martin. "Wala naman pong masamang nangyayari sa akin bukod lang dun sa nag paparamdam sa akin. Siguro po Pastor Martin yung mga paa ko ipanalangin na rin natin kasi baka buwan pa ang itagal ko para sa mga paa ko. Tsaka sana mapabilis ang recovery ko para makapag lakad na ako." nakangiting sambit niya sa akin. Hinawakan ni Pastor Martin ang mga kamay ni Agatha. "Malamig ang mga kamay mo Agatha. Hawakan mo ang kabilang kamay ni Agatha, Angela. Gumawa tayo ng bilog at samahan nyo akong manalangin para sa kaibigan nyong si Agatha." utos ni Pastor Martin. "Pagkahawak natin sa isa't-isa ay ipikit natin ang mga mata natin at sabay-sabay tayong manalangin." Pumikit kaming lahat at nag simulang mag dasal si Pastor Martin ramdam ko na nanlalamig ang mga kamay ni Agatha kaya hinigpitan ko ang hawak ko dito. Tumagal ng sampung minuto ang pag dadasal ni Pastor Martin. Nakakangalay tumayo at nakakapanghina dahil parang may mga kunyenteng lumalabas sa katawan ko ng nag dadasal si Pastor para kay Agatha. "Amen!" sambit ni Pastor. "Kamusta ang pakiramdam mo Agatha?" tanong ni Pastor Martin kay Agatha. "Ok na po Pastor! Gumaan po ng kaunti ang pakiramdam ko maraming salamat po," sambit nito kay Pastor. "Mabuti naman kung ganun. Matanong ko lang saan ka nakatira? Gusto mo ba mag pa house blessings sa bahay mo?" tanong ni Pastor Martin sa kanya. "Kapag ok na po ako tsaka po ako mag papa house blessings," sambit ni Agatha kay Pastor Martin. "Aaaahhh ok sige! Sabihan mo ako kapag kailangan mo ng espiritual na tulong nandito lang ako," sambit ni Pastor Martin sa kanya. "Sige po," tugon ni Agatha. "Bakit hindi ka nalang sumama sa akin sa simbahan kapag weekends?" tanong ko nalng bigla kay Agatha. "Hindi pa siguro ngayon Ma'am Angela madami pa kasi akong kailangan na asikasuhin kaya hindi ko pa mahaharap 'yan," "Kapag gutom ang espiritual body natin ay mas malapit tayo sa masasamang espiritu kaya hangga't maaari ay wag nating itanggal ang ating sarili sa Diyos,"  "Sa susunod po Pastor hindi ko din po kasi pwedeng pilitin ang sarili ko na mag simba kasi hindi pa po ako handa," "Gusto mo ba i-counseling kita tungkol diyan?" "Nako hindi na po kaya ko na po ito." nakangiting tugon ni Agatha kay Pastor. Tumingin sa akin si Pastor Martin na parang nangungusap ang kanyang mga mata. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at inaya kong mag meryenda sa labas si Pastor Martin. "Sinong gustong meryenda?" tanong ko sa kanila. "Kakatapos lang namin kumain kayo nalang ni Pastor Martin," sambit ni Agatha sa akin. "Ikaw Zach?" "Busog pa po ako Ma'am," "Ok sige! Una na kami ni Pastor Martin umalis at yung mga bata wala pa atang kasama sa bahay," sambit ko sa kanila. "Ikaw ang maiiwan dito Zach huh? bantayan mo si madam at baka alam mo na," nakangiti kong sambit sa kanya. "Easy naman 'yan! Basta i-cover mo ako sa work ma'am aah?" sambit ni Zach sa akin "Sige na ako ng bahala sayo," "Sige na Ma'am Angela! Maraming salamat sa pag bisita at kay Pastor Martin salamat po sa panalangin nyo. Ipag pray nyo lang po ako nang ipag pray para sa kagalingan agad ng mga paa ko," nakangiting sambit ni Agatha kay Pastor Martin. "Sige po! Makakaasa po kayo." sambit naman ni Pastor kay Agatha. Lumabas na kami ni Pastor Martin sa silid ni Agatha. Walang anumang salita ang lumabas sa bibig namin habang naglalakad kami papalayo sa silid ni Agatha. Nasa entrance na kami ng ospital nun tsaka lang nag salita si Pastor. "Mukang masayahin naman si Agatha noh?" tanong niya sa akin. "Masayahin naman po 'yang si Agatha, Pastor pero may mga oras talaga na tahimik lang siya," sambit ko kay Pastor Martin. "Aaaahhh ganun ba?" sambit niya sa akin. "Pasensya na po kung hindi ko madadala sa simbahan si Agatha. Nasa kanya pa rin po kasi ang desisyon kung gusto na niyang pumasok ng simbahan o hindi. Hindi ko din po kasi mapipilit 'yun baka mag away pa kaming dalawa dahil dun," "Walang kaso sa akin 'yun pero sana mabahagian mo siya ng salita ng Diyos. Kapag nagkita tayo ulit bigyan kita ng bibliya at ibigay mo sa kanya," "Sige po Pastor," tugon ko sa kanya. "Tara po sa mall Pastor at iti-treat po kita ng pagkain doon," paanyaya ko sa kanya. "Nako wag na kapatid at kailangan ko na ding umuwi sa kapilya," sambit sakin ni Pastor. "Ganun po ba?" "Oo." Hindi ko na pinilit pa si Pastor na sumama sa akin sa mall kaya pumara na ako ng taxi at ipinasakay ko doon si Pastor. "Mama! Sa Quezon Ave. po." sambit ko sa driver. Binigyan ko ng kaunting pera si Pastor pam-pamasahe niya at kaunting love gift. Pagkatapos kong parahan si Pastor Martin ng sasakyan ay agad din akong pumara ng taxi para sa akin. "Taxi!" sigaw ko habang winawagayway ang kamay ko. Agad namang huminto ang isang taxi at sumakay ako. "Ma, sa mall tayo." sambit ko. Agad na pinaandar ng driver ang sasakyan at umalis na kami papunta sa mall na pupuntahan ko. "Nako nakalimutan kong mag pasalamat kay Pastor." bigla ko nalang nasambit. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ko si Pastor Martin. Mabilis naman sumagot si Pastor sa tawag ko. "Hello?" tanong nito sa akin. "Pastor! Maraming salamat po pala kanina sa pag pray over niyo kay Agatha patuloy nyo po sanang ipanalangin si Agatha at sana po makasama ko siyang mag simba diyan sa kapilya," masayang sambit ko. "Oo naman walang problema. Ipapanalangin natin ang kalusugan ni Agatha spiritual at physical," sambit nito. "Salamat po ulit pastor." sambit ko sa kanya. Ibinababa ko na ang cellphone ko at umidlip nalang ako ng kaunti sa biyahe. Medyo trapik na sa daan kaya inabot ako ng isang oras sa biyahe papunta lang sa malapit na mall dito sa lugar namin. Nag bayad ako kaagad at bumaba na sa sasakyan. Pumunta lang ako sa kung saan ako bibili ng pang groceries namin at pasalubong sa mga bata. Habang nasa labas ako ng mall dala-dala ang mga pinamili ko ay may isang matandang babae na lumapit sa akin. "Pahingi po ng makakain." malungkot na sambit nito sa akin. Nahabag ako sa itsura niya kaya kumuha ako agad ng tinapay at maiinom tsaka ko ibinigay sa kanya. "Salamat iha. Mag iingat ka sa pag uwi mo at sa mga taong sinasamahan mo," sambit nito sa akin. "Walang anuman po. Salamat din po," nakangiting tugon ko sa kanya. "Wag mong kakalimutan na mag dasal araw-araw lalo na sa kaibigan mo ngayon na nasa ospital dahil dadating ang panahon na babaliktarin ka niya at mapapahamak ka pati ang buong pamilya mo." seryosong sambit niya sa akin. Umihip ang malakas na hangin at nag panting ang tenga ko kaya napapikit ako ng bahagya at napahawak sa tenga ko. Isang minuto din akong nakapikit at sa pag dilat ng mga mata ko ay nawala na sa harapan ko ang matandang babae. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga tao na nakatingin sa akin na tila ba'y nag tataka na nakatingin sa akin. Napatingin ako muli sa harapan ko upang tugunan ang matandang babae ngunit wala na ito. Nawala ito na parang bula sa harapan ko. Habang nakatingin ako sa paligid ko ay biglang kinilabutan ang buong katawan ko kaya agad akong pumara ng taxi upang makaalis na ako sa mall at makauwi na ako sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD