EPISODE 18

1310 Words
Switching Scenes Agatha's Pov "Huy! Kamote!" sigaw ko kay Zach. "Ooh? Anong problema mo na naman Madam?" inis na sambit niya sa akin habang naglalaro ng cellphone niya. "May gusto ka ba sa akin?" seryoso kong tanong sa kanya. Lumingon siya sa akin ng tumingin ng matalim. "Ako? May gusto sayo? Yuck! Ewww! Saan mo na naman nakuha 'yang idea na 'yan?" nandidiri niyang tanong sa akin. "Sus! Ayaw pang umamin! Ok lang naman na may gusto ka sa akin. Hindi naman kita lalayuan," nakangiti kong sambit sa kanya. "Nope! Nope! We're just friends Madam wag masyadong feeler," natatawa niyang sambit. "Ok? Akala ko kasi may gusto ka sa akin. Ready na sana akong mag boyfriend," pang asar kong sambit sa kanya. "Hayyy... Gutom ka na ba? Baka gutom lang 'yan Madam aah?" nakangisi niyang sambit sa akin. "Baka nga. Gutom lang siguro 'to hayaan mo di na kita ulit tatanungin pa. Baka layuan mo na ako," sambit ko sa kanya sabay tawa ng malakas. "Kung gusto mo bilhan kita ng pagkain sa labas," "Wag na ayoko ngang mag-isa ngayon dito,"  "Bakit natatakot ka sa multo? Sus! Para 'yun lang eeh!" "Hindi mo alam kung anong pakiramdam ng takot Zach kaya wag mo akong i-judge," "Ok," "Pwede mo bang tawagin yung nurse para sa akin? Si Nurse Jane or si Nurse Erica or si Nurse Jacob kung nandyan ang isa sa kanila. Basta kung sino nalang available sa kanila," utos ko sa kanya. "Bakit?" tanong niya sa akin. "Naiihi na ako bakla! Sasabog na pantog ko. Si Nurse Jane na lang or si Nurse Erica pala. Papasama ako sa banyo! Daliaaaann mo na!" pagmamadali kong sambit sa kanya. Agad namang tumayo si Zach para tawagin yung nurse na available sa nurse desk at naiwan akong mag isa dito sa silid ko. Habang wala si Zach ay napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding ng silid ko. "11:11 na!" nakangiting sambit ko. Agad akong pumikit at humiling ng isang kahilingan para sa sarili ko. "Sana matapos na itong problemang kinahaharap ko ngayon at sana mahanap ko na rin yung taong sasamahan ako sa pag tanda at mag mamahal sa akin ng tunay 'yung lalaking aalagaan ako kahit pa ganito ang ugali ko." Idinilat ko ang mga mata ko at nakita kong papasok na ng silid ko si Zach kasama si Nurse Jane. "Magandang gabi Ms. Agatha," bati ni Nurse Jane sa akin. "Good evening Nurse Jane. Nasabi naman na po ni Zach sa inyo 'di ba?" nakangiting sambit ko sa kanya. "Oo." nakangiting tugon niya sa akin. Inalalayan ako ni Nurse Jane na tumayo sa sahig para makaupo ako sa wheelchair na dala-dala niya at pagkatapos ay dahan-dahan at maingat niya akong inuupo sa wheelchair at umalis kami sa silid ko patungo sa banyo. Habang patungo kami sa CR ay hindi ko maiwasang tingnan si Nurse Jane. "Mukhang balisa ka Nurse Jane?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Hindi naman po Ma'am Agatha baka siguro pagod lang akong tingnan kaya akala mo balisa ako paano kasi busy na ako dito sa trabaho tapos busy pa sa bahay. Wala na akong pahinga," sambit niya sa akin. "Gusto mo na bang mag pahinga?" seryoso kong tanong sa kanya. "Huh?" naguguluhang tanong niya sa akin. "Mag pahinga katulad ng matulog ganun,"  "Aaah... Akala ko naman kung ano," "Bakit ano bang nasa isip mo?" "Wala naman po," "Baka naman iniisip mo mamahinga nang tuluyan?" "Ganun na nga po," "Ayun nga ang gusto kong mangyari." nakangiti kong sambit sa kanya. Napatingin sa akin si Nurse Jane na para bang takot na takot sa akin. "Joke! Eto naman kinabahan agad," nakangiti kong sambit sa kanya. "Hindi naman masyado. Ikaw ba? Gusto mo nang magpahinga?" seryoso niyang tanong sa akin. "Ayoko nga!" natatawa kong sambit sa kanya. "Madami pa akong kailangang gawin," sambit ko sa kanya. "Katulad ng?" tanong niya sa akin. "Ang... Pumatay," natatawa kong sambit. "Alam mo Ms. Agatha hindi ata sa banyo ang dapat na puntahan natin? Dapat sa simbahan! Kabahan ka nga sa sinasabi mo," sambit niya sa akin. "Ito naman! Joke lang ulit!" sabay hagalpak ko. "Nandito na tayo sa Cr ma'am. Ikaw na ba bahalang magtanggal ng underwear mo?" tanong niya sa akin. "Kaya ko na 'to tawagin na lang kita kapag tapos na akong umihi," sambit ko sa kanya. Lumabas na muna si Nurse Jane sa cubicle para maghintay sa akin. Umupo na ako sa bowl at nagsimula na akong umihi. Medyo matagal at marami ang nailabas kong likido marahil sa sobrang tagal ko na ring hindi nakapag CR. Pagtapos kong mag CR ay agad kong tinawag si Nurse Jane mula sa labas. "Nurse Jane!" malambing kong tawag sa kanya. Agad namang binuksan ni Nurse Jane ang pinto ng cubicle at tinulungan muli akong makaupo sa wheelchair ko. "Ok lang bang dito muna ako sa wheelchair?" tanong ko sa kanya. "Pwede naman. Hindi na ba masyadong masakit ang mga binti mo?" tanong niya sa akin. "Masakit pa naman siya kaso parang kaya ko nang gumalaw," sambit ko sa kanya. "Mabuti naman kung ganun. Medyo mabilis ang recovery mo," sambit niya sa akin. Umalis na kami sa CR at tumungo na ulit kami sa kwarto ko habang naglalakad kami papunta sa kwarto ko ay kinausap ko muli siya. "Nurse Jane, Pwede kaya kung sa bahay ko na lang ako mag pagaling ng tuluyan?" tanong ko sa kanya. "Pwede naman 'yun kaso kailangan muna natin yung consent ni Doc Kim," sambit niya sa akin. "Kailan ba balik ni Doc sa ospital?" tanong ko sa kanya. "Bale restday ni Doc Kim ngayon. Hmmmm... Bukas siguro nandito na siya," sambit niya sa akin. "Aaaahhh mabuti naman kung ganun. Gusto ko na kasing umuwi sa bahay ko masyadong boring dito sa ospital tapos palaki pa ng palaki yung bill ko. Mamaya mamulubi na ako ng sobra," sambit ko sa kanya. "Sabihin ko kay Doc Kim bukas kung anong status mo. Tingnan natin bukas sa pagbalik ni Doc Kim," sambit niya sa akin. "Ok sige!" sambit ko sa kanya. Nakarating na din kami sa kwarto ko. Pagkahatid sa akin ni Nurse Jane ay umalis na siya agad. "Bakit ang tagal nyo?" tanong sa akin ni Zach. "Siguro isang timba yung inilabas ko sa CR," natatawang sambit ko. "Yuck! Naospital ka lang naging dugyot kana!" sambit ni Zach sa akin. "Mas mabuti ng dugyot kaysa malinis!" sambit ko sa kanya. "Wow! Talagang proud pa siya!" natatawang sambit niya sa akin. "Joke lang! Hindi kana mabiro!" inis na sambit ko sa kanya. "Ooh siya! Maglalaro muna ako Madam aah. Kung pwede? Kung pwede lang naman wag mo muna akong istorbohin sa paglalaro?" tanong niya sa akin. "Wait! Hmmmm... Tulungan mo na akong  makaupo sa kama ko at magsusulat na lang ako. Nakakahiya naman kasi baka maistorbo pa kita mamaya sa paglalaro mo," sambit ko sa kanya. Agad na tumayo si Zach sa kinauupuan niya at itinayo ako sa wheelchair pagkatapos ay iniupo niya ako sa kama ko at iniabot ang laptop ko pati yung laptop table. "Salamat Zach," seryosong sambit ko sa kanya. "Para saan?" tanong niya sa akin. "Dahil binantayan mo ako ngayong gabi," nakangiting sambit ko sa kanya. "Sus! Maliit na bagay. Kung gusto mo talagang mag pasalamat sa akin. Ilibre mo ako kapag ok na yang mga paa mo," sambit niya sa akin. "Sure! Walang problema. Ililibre ko kayo nila Ma'am Angela at William," nakangiting sambit ko sa kanya. "Bakit may kasama? Hindi pwedeng dalawa lang tayo?" tanong niya sa akin. "Damot mo aah. Isama na natin sila para masaya diba?" sambit ko sa kanya. "Ok ikaw bahala. Basta libre mo," sambit niya sa akin. "Ok!" sambit ko sa kanya. Binuksan ko na ang laptop ko at hinayaan ko na si Zach na maglaro sa cellphone niya. Pagbukas na pagbukas palang ng laptop ko ay agad akong tumungo sa web ko para magpatuloy ng aking kwento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD