Malakas ang ulan noon nung nakita kong nakahandusay sa kama ang walang malay kong ina. Mahina na ang kanyang pulso! Agad akong tumawag ng ambulansya upang maidala siya sa malapit na ospital ngunit nasa biyahe pa lamang kami ay binawian na siya ng buhay.
Mabigat sa dibdib na tanggapin na ang ina kong matagal na nawalay sa akin ay hindi ko na muling makikita pa. Matagal na panahon na din ang lumipas mula ng iniwan ko ang pamilya ko upang ipagpatuloy ang pangarap kong makapag trabaho sa lungsod ngunit hindi ko alam na ito pala ang dadatnan ko pag uwi ko sa aming tahanan.
Isang malamig na bangkay.
Agad na sinuri ang ina ko upang matukoy kung anong naging ugat ng kanyang pagkamatay.
Tinanong ko ang doctor na sumuri sa kanya at napag alaman ko na hindi pala siya namatay dahil lang sa katandaan niya ngunit siya ay pinatay.
"Ayon sa pananaliksik ko. Pinatay ang iyong ina maaaring ang pumatay sa kanya ay ginamitan siya ng bagay na pang takip sa kanyang mukha upang hindi siya makahinga," sambit ng doctor sa akin.
Nagulat ako sa narinig ko at hindi ko alam ang gagawin ko noong narinig ko ang mga sinabi ng doctor sa akin.
"Paano pong pinatay ang nanay ko?" nagtatakang tanong ko sa doctor.
"Tumawag na ako ng pulis at mga detective upang saliksikin ng maayos ang pangyayari. Bukod sa sinabi ko sayo ay meron pa akong nakitang posibleng nangyari sa nanay mo. May marka ang kanyang leeg ng parang lubid pwede ring nag tangka siyang magpakamatay," seryosong sambit ng doctor sa akin.
"Paano po 'yun doctor? Nakita ko po siyang nakahimlay sa kanyang kama at paano po siya makakapag lagay ng lubid sa itaas eeh matanda na po ang ina ko at may dipirensya pa po siya," sambit ko sa doctor.
"Hindi ko na alam pa ang dapat sabihin sayo iha. Doctor ako hindi ako detective. Pabuti pa siguro ay ang detective na lang tanungin mo tungkol diyan at mag papasagawa ito ng autopsy sa nanay mo. Handa ka bang maging witness ng Mama mo sakaling ito ay pag-patay at hindi sakit?" tanong nito sa akin.
"Handa po ako! Sasabihin ko lang po lahat ng nakita ko." sambit ko sa kanya.
~~~~
Nakangiti ako habang nagsusulat ng kasunod na episode sa kwento ko parang ang ganda lang ng scenario na nagawa ko dahil nagkakaroon na ng climax sa nangyayari sa buhay ng bida ko. Mabilis akong nakapag sulat ng panibagong scenario sa novel ko ngunit hindi ko ito matatapos ngayon dahil sa sobrang ingay ni Zach sa tabi ko at hindi ako makapag focus sa pag-iisip. Itinabi ko na ang laptop ko at nagpahinga na lang ako saglit upang makapag isip muli ako ng bagong scenario sa kwento ko.
"Bukas na lang ulit kita itutuloy," sambit ko sa sarili ko. "Zach! Kamote!" tawag ko na lang kay Zach.
Lumingon lang ito sa akin at itinuon muli ang atensyon niya sa cellphone niya.
"Kamote!" sigaw ko.
"Ano yun?" galit na sambit ni Zach habang busy sa paglalaro.
"Gusto kong lumabas. Pahangin tayo?" tanong ko sa kanya.
"Jusko naman Aga! Alas dose na ng madaling araw. Mamaya may multo na sa labas!" sambit niya sa akin.
"Ok sige bukas na nga lang," inis na sambit ko sa kanya.
"Magsulat ka na lang diyan at wag mo kong istorbohin dito!" sambit ni Zach sa akin.
"Aba! Ano ba yang nilalaro mo?" galit kong tanong sa kanya.
"Basta!" inis na sambit niya sa akin.
Hindi ko na kinausap pa si Zach at kumuha na lang ako ng manggang kalabaw sa tabi ko. Binalatan ko ito at tsaka ko hiniwa ng pahaba isinawsaw ko ito sa bagoong alamang na may kaanghangan ng kaunti. Naglalaway akong kinagat yung mangga na hilaw para akong naglilihi.
Sobrang sarap at sobrang lutong ng mangga na nabili ni Zach para sa akin. Pagkatapos kong kumain ng dalawang pirasong hilaw na mangga ay binuksan ko ang isang mansanas at isinawsaw ko sa natirang bagoong.
Pagkatapos kong kumain ay kumuha ako ng tissue sa tabi ko at ibinato ko ito kay Zach.
"Dugyot!" sigaw nito sa akin.
Tinawanan ko lang si Zach at kinuha ko na lang muli ang laptop ko at nagpatuloy na ako sa pagsusulat ko ng storya ko.
"Wala na akong choice kung hindi ituloy ang kwento," sambit ko sa sarili ko. "Zach! Zachary!" tawag ko.
"Ano na naman 'yun?" inis na tanong niya sa akin.
"Wag kang maingay at hindi ako makapag focus sa sinusulat ko!" inis na sambit ko sa kanya.
"Ok sige." tugon niya sa akin.
Tumahimik si Zach at pagkatapos 'nun ay tinuon ko na sa pagsusulat muli ang atensyon ko.
~~~~
Lumipas ang ilang oras ay dumating na ang mga pulis. Agad akong tinawag at kinausap sa maliit na kwarto upang tanungin kung ano ang mga nakita ko sa crime scene.
"Ikwento mo sa amin ang nangyari. Dev," sambit ng pulis.
"Anim na taon na po ang nakakaraan mula noong umalis ako sa bahay para hanapin ang sarili ko. Nag trabaho po ako sa lungsod para matugunan ang mga pangangailangan namin sa bahay. Ika-tatlong araw ko palang po sa tahanan namin mula noong umuwi ako lumabas lang po ako saglit upang magpahangin hanggang sa umulan po ng malakas kaya napilitan po akong umuwi na ng bahay namin. Pag akyat na pag akyat ko po sa kwarto ko ay napansin kong nakabukas ang kwarto niya kaya pumasok po ako sa loob. Hindi ko po lubos akalain na ito na po pala ang huli naming pagkikita," sambit ko habang humahagulgol.
"Nabanggit sa amin ng doctor na sinabi mo na ang ina mo ay may kapansanan? Tama ba?" tanong niya sa akin.
"Tama po yun! Pipe po ang nanay ko at may katandaan na po. Mahina na po ang kanyang mga buto kaya po naka wheelchair na po siya," sambit ko habang pinupunasan ang mga luha sa aking mga mata.
"Noong dumating ka ba sa bahay nyo may napansin ka bang kakaiba sa nanay mo? Sino ang nag aalaga sa nanay mo noong nabubuhay pa siya?" tanong niya sa akin.
"Noong umalis po ako sa bahay namin buhay pa po ang ama ko noon. Hindi ko na po alam kung sino ang nag alaga sa kanya simula noong umalis ako. Nagtago po kasi ako at tinanggal ko lahat ng communication ko sa kanila," sambit ko.
"Ang sabi mo kanina lumuwas ka pa lungsod upang matugunan ang pangangailangan nyo? Tama ba?" seryosong tanong sa akin.
"Tama po kayo diyan. Lumuwas po ako pa lungsod upang matugunan ang pangangailangan namin ngunit hindi ko sinabi na kasama sila doon," sambit ko.
"Namin? Sinong kasama mo sa bahay ngayon Devon?" tanong niya sa akin.
"Wala. Wala po akong kasama sa bahay. Tinakwil ko ang pamilya ko at nagtago ako mula noong namatay ang kakambal ko na si Devina. Naging masama ang kapalaran ko noong una palang sa kamay ng pamilya ko kaya noong nakakita ako ng pagkakataon na umalis. Umalis ako! Para sa sarili ko," sambit ko.
"Maaari ba naming malaman kung anong dahilan ng pag alis mo sa bahay nyo?" tanong niya sa akin.
"Masyado na pong lihis ang mga tinanong niyo sa akin Sir," sambit ko sa kanila.
"Gusto lang namin malaman kung anong nangyari noon," sambit nito.
"Umalis po ako dahil hindi na po ako nabibigyan ng importansya ng pamilya ko. Lagi na lang na kay Devina ang kanilang atensyon," sambit ko.
"Kaya pinatay mo ang nanay mo?" tanong niya sa akin.
"Po?" naguguluhan kong sambit.
"Minsan kapag ang tao ay salita ng salita doon namin nalalaman ang kasagutan," sambit niya sa akin.
"Bakit ako ang tinuturo niyong pumatay? Ako na ang tumawag ng ambulansya, ako na ang nagpadala sa ospital. Tapos ako pumatay?" galit kong sambit.
"Marahil wala pa akong sapat na ebidensya pero sinisiguro ko na mabubulok ka sa kulungan" sambit niya sa akin.
Tumayo na ang pulis na kumausap sa akin at iniwan akong mag isa sa silid. Hindi nila ako pinayagang lumabas hangga't sa hindi nila nakukuha ang ebidensya na hinahanap niya.
~~~
"Hmmmm... Tama kaya na ipakulong ko si Devon?" tanong ko sa sarili ko. " Hayyssst! Naboboring talaga ako! Ano kaya pwedeng gawin ngayon?" inis na sambit ko.
Tiningnan ko muli si Zach ngunit busy talaga ang kamote maglaro kaya kahit na pinagbabato ko siya ng tissue ay wala siyang pake sa akin.
"Isip pa ulit tayo kung anong pwedeng mangyari sa kwento ko." sambit ko sa sarili ko.
Habang patitig-titig ako sa paligid ay napaisip nalang ako na burahin ang part na ininterugate si Devon ng pulis.
"Ok burahin nalang natin 'yung part na 'yun." sambit ko sa sarili ko.
At binura ko nga ang scene kung saan ay pinang hihinalaan ng pulis si Devon ng mga pulis na siya ang pumatay sa nanay niya.
~~~~~
"Ikwento mo sa akin kung anong nakita mo sa crime scene?" tanong sa akin ng pulis.
"Ang totoo po niyan hindi ko nakita kung ano ang nangyari sa bahay dahil galing po ako sa labas ng bahay ng mga panahon na 'yun. Nasa labas po ako ng bahay simula umaga at ang tanging kasama lang po ni mama sa bahay 'nun ay ang kasambahay naming si Arida," tugon ko sa kanya.
"Hindi ba't ikaw ang nag dala sa ina mo dito sa ospital?"
"Opo. Nakita ko si mama na nakahiga sa kama niya sa una akala ko tulog lang siya pero nung hinawakan ko siya ay naramdaman ko na malamig ang kanyang katawan kaya agad akong tumawag ng ambulansya,"
"Nabanggit mo sa doctor kanina na lumuwas ka ng baryo niyo at pumunta ng lungsod upang matugunan ang pangangailangan niyo sa bahay niyo? tama ba?"
"Tama po 'yun,"
"Anong trabaho mo ngayon Devon?"
"Isa po akong manager sa isang kumpanya,"
"Kung nag ta-trabaho ka sa lungsod ay kailan ka tuwing umuuwi sa inyo?"
"Sa katunayan po ngayon nalang po ako muling umuwi sa bahay namin makalipas ang anim na taon,"
"Ooh? Bakit ngayon ka lang umuwi sa inyo?"
"Busy po kasi ako sa trabaho kaya hindi po ako makauwi sa bahay,"
"Kamusta naman ang relasyon mo sa pamilya mo simula noong umalis ka sa bahay niyo makalipas ang anim na taon?"
"Nung umalis po ako sa bahay noon hindi po talaga maayos ang relasyon ko sa kanila. Nag tago po ako ng anim na taon ngunit hindi po ako nag kulang sa sustento sa kanila,"
"Bakit ka nagtago? Anong meron?"
"Masyado po kasing masama ang loob ko sa kanila noon dahil sa namatay kong kambal,"
"May kakambal ka pala,"
"Meron po si Devina. Umalis ako ng bahay simula noong namatay siya dahil hindi ko din po ma-attain na kahit patay na ang kambal ko ay siya at siya pa rin ang bukang bibig ni mama," malungkot na sambit ko sa kanya.
"May inggit ka ba sa kambal mo?"
"Wala po. Hindi lang po talaga ako naging masaya dahil sa unfair treatment ni mama sa aming dalawa,"
"Salamat sa iyong kwento Devon maaari ka nang umalis upang puntahan ang iyong ina sa ospital. Tatawag nalang kami sayo pagtapos ng aming imbestigasyon at ang resulta ng autopsy ng iyong ina,"
"Salamat din po."
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at umalis na ako sa harapan niya. Pag bukas na pag bukas ko ng pinto ay unti-unting ngumingiti ng labi ko.
"Napaka dali niyo lang palang paikutin." natatawang sambit ko.
~~~
"Hayyst... Sobrang sama ata ng character ni Devon dito." natatawang sambit ko.
Hindi parin ako tapos sa isang episode na ito ngunit pigang-piga na ang utak ko kakaisip ng kasunod na scenario. Habang nag iisip ako ng kasunod na scene ay napansin kong nakahiga na si Zach kaya tinawag ko siya.
"Zach!" sigaw ko.
"Ooh? Matulog kana kung wala kang magawa sa buhay mo,"
"Grabe naman 'to! Gusto ko lang ng kausap,"
"Inaantok na ako,"
"Sige! Matulog ka na."
Nakabusangot akong nakatingin kay Zach habang masarap ang kanyang pagkakahiga sa sofa.
"Nakakapagod bang mag bantay?" mahinang tanong ko sa sarili ko.
"Hindi mo malalaman kung hindi ikaw ang gumagawa," tugon bigla ni Zach sa akin.
"Akala ko ba tulog ka na?"
"Oo nga tulog na ako kaso kasi ang ingay-ingay mo pa diyan! Matulog ka na nga diyan para bukas magkaroon ka ng lakas malay mo makakauwi ka na sa bahay mo,"
"Sabagay! Sige matutulog na rin ako,"
"Tama 'yan!"
Ipinikit ko na ang mga mata ko at natulog na rin ako upang bawiin muli ang lakas na lumabas sa akin sa maghapong higa ko dito sa kama na ito. Hindi lang kasi mga binti ko ang sumasakit ngayon pati na rin ang mga balakang ko at katawan dahil sa maghapong higa lang.
Lumipas pa muna ang ilang minuto na nakapikit lang ako bago ako tuluyang nakatulog.