Kinabukasan.
Pag mulat na pagmulat ng mata ko ay nakita kong nakahawak sa kamay ko si Zach.
"Huy!" sigaw ko sa kanya habang niyuyugyog siya.
"Gising kana pala," sambit niya sa akin habang pinupunasan ang kanyang mga mata.
"Oo! Bakit hawak mo kamay ko? Chinachansingan mo ba ako?" tanong ko sa kanya.
"Kapal naman ng mukha mo! Binabangungot ka kasi kagabi kaya binantayan kita!"
"Weeh? Di nga? Binabangungot ako?" paulit-ulit na tanong ko sa kanya.
"Anong akala mo sa akin manyak katulad ng William na kaibigan mo?"
"Ooh? Bakit nadamay si William?"
"Edi sana hindi nalang pala kita tinabihan para ikaw mismo ang nakagising sa sarili mo habang binabangungot ka," seryosong sambit niya sa akin.
"Ito naman galit na agad!"
"Wag kasi masyadong assumera Ms. Agatha,"
"Aaayyy talaga ba Zach? Anyway maraming salamat sa tulong mo huh! Nag jo-joke lang naman ako pero iba ata ang pagkakaintindi mo ng sarcasm Zach,"
"Ok! Ako na hindi nakakaintindi!" sigaw niya sa akin.
Tinitigan ako ng masama ni Zach sa mga mata ko at pagkatapos nito ay agad siyang tumayo sa kinauupuan niya at lumabas siya ng silid ko.
"Ok! Edi umalis ka!" sigaw ko sa kanya.
Nag-iinit ang ulo ko dahil sa inasal ni Zach sa akin para siyang isip bata para sa lang sa joke nagagalit siya agad sa akin.
Kinuha ko ang cellphone ko at agad kong tinawagan si Ma'am Angela para sabihin kung anong attitude ang pinakita sa akin ni Zach.
Ilang ring lang ang narinig ko ay sinagot na niya agad ang tawag ko.
"Ano na naman 'yun Aga? Ang aga-aga natawag ka?"
"Ikaw rin?" inis na sambit ko sa kanya.
"Ano nga? Bakit ka napatawag?"
"Ito kasi naiinis ako kay Zach,"
"Bakit naman?"
"Paano kasi nag bibiro lang naman ako sa kanya kanina kasi nagising ako na hawak niya ang kamay ko,"
"Ooh? Tapos anong nangyari?"
"Nagalit kasi siya sa akin ng sinabi kong chinachansingan niya ako,"
"Mga siraulo!" natatawang sambit niya sa akin. , "Para doon lang nagalit na siya sayo?"
"Ayun nga! 'Di ba simpleng bagay nagagalit agad?" natatawa kong sambit sa kanya.
"Anyway, Bakit niya daw hawak ang kamay mo?" tanong niya sa akin.
"Binabangungot daw ako kagabi,"
"Talaga ba?"
"Oo daw! Ang kaso wala naman akong maalala na masama ang panaginip ko,"
"Mabuti at walang nag retain sa utak mo ngayon,"
"Eeh kasi nga wala naman talaga akong panaginip ngayon kaya natatawa ako na sinabi ni Zach na binabangungot ako,"
"Ano ka ba meron namang ganun eeh! 'Yung hindi mo naaalala 'yung panaginip mo,"
"Siguro nga meron akong panaginip pero wala akong maalala," natatawang sambit ko sa kanya.
"Oo baka nga ganun. Asan si Zach ngayon? Nandyan ba sa tabi mo?"
"Wala,"
"Kaya pala ang tapang mong ikwento sa akin," natatawa niyang sambit sa akin.
"Hindi naman sa ganun," natatawang tugon ko sa kanya. "Nilayasan nga ako eeh,"
"Paano kasing hindi ka lalayasan niyan eeh binadtrip mo,"
"Bahala siya sa buhay niya kung lumayas siya,"
"Taray naman ang tapang naman pero mamaya iiyak-iyak na 'yan dahil sa multo," pang aasar niya sa akin.
"Joke!" natatawang tugon ko.
"Humingi ka ng tawad dun mamaya mag tampo sayo 'yun wala ng mag babantay sayo diyan bahala ka,"
"Hala oo nga noh?"
"Sige na tawagan mo na ngayon,"
"Anong sasabihin ko kapag sumagot siya?"
"Ikaw na bahala kung anong sasabihin mo noh! mag sorry ka ganun. Sige na galingan mo,"
"Hala! Ma'am Angela!" sigaw ko sa kanya.
"Bye na!"
"Ma-." putol na sambit ko.
Pinatay na ni Ma'am Angela ang tawag ko sa kanya at agad na sinendan ako ng text. Binuksan ko ito at binasa ko agad.
"Kaya mo na 'yan ikaw pa ba? Suyuin mo para mawala ang galit sayo dahil walang mag babantay sayo ngayon kapag hindi bumalik si William diyan sa ospital HAHAHAHA"
Natatawa ako na malungkot sa text ni ma'am Angela sa akin. Kailangan ba talagang mag sorry ako sa kanya para lang mawala ang galit niya sa akin o masyado lang akong napatatakot na baka hindi na ako balikan ni Zach dito at walang magbantay sa akin ngayon.
Hindi ko alam kung tatawagan ko ba si Zach ngayon o papalipasin ko nalang ang araw at hahayaan nalang kung babalik ba siya o hindi.
"Ite-text ba kita o hindi?" tanong ko sa sarili ko habang tinititigan ang numero ni Zach sa cellphone ko.
Napabugtong hininga ako habang tinititigan ang cellphone ko ng bigla kong napindot ang call button nito at biglang nag ring ang cellphone ni Zach.
"s**t!" kinakabahang sambit ko.
Papatayin ko na sana ang tawag na ito ngunit sinagot ni Zach ang tawag ko.
"Ooh?" tanong niya sa akin.
"A-ano k-kasi?"
"Ano?"
"S-sorry." utal kong tugon sa kanya.
Biglang humagalpak ng tawa si Zach sa akin kaya biglang napakunot ang noo ko na nakikinig sa kanyang tawa over the phone.
"Anong nakakatawa Zach?" galit na tanong ko sa kanya.
"W-wala naman it's just I don't expect you to be like this,"
"Wow! Ume-english ka pa?"
"Ganito Madam, Hindi naman ako galit sayo lumayas lang ako kasi bumili ako ng agahan natin. Hintayin mo lang ako ng kaunting minuto pa ang makakabalik na ako diyan," sambit niya sa akin.
"Ok sige hintayin kita."
Pinatay ko na ang tawag naming dalawa at tinawagan ko si Ma'am Angela.
"Ooh?"
"Tinawagan ko siya at hindi naman daw siya galit sa akin,"
"Sabi sayo eeh! Masyado ka lang kasing praning! Ooh siya sige na mamaya na ulit ang tawag at nag luluto ako ng agahan naming pamilya,"
"Sige! Salamat!"
Pinatay ko na ang cellphone ko at inilagay ito sa tabi ng aking kama. Nakaupo lang ako nito sa kama ko habang hinihintay ang pag babalik ni Zach ng biglang dumating si Nurse Jane.
"Good morning!" bati niya sa akin.
"Good morning din,"
"Check ko lang ang bp mo at tatanggalin ko lang ang dextrose mo ma'am,"
"Sige lang."
Inilagay ni Nurse Jane ang aparato niya sa aking braso at inilapat ang stethoscope sa aking braso upang marinig ang aking pulso.
"Ok 120/80 normal naman ang blood pressure mo,"
"Mabuti naman kung ganun. Kailan po ba matatanggal ang cast ko sa paa?"
"Hindi pa ba nag ra-rounds si Doc Kim sayo?"
"Hindi pa eeh,"
"Baka mamaya nandito na 'yun hintayin mo nalang," "Ok hingang malalim."
Tinanggal na ni Nurse Jane ang naka konektang dextrose sa akin.
"Maganda na ang status mo ngayon sigurado ako mamaya o bukas ay matatanggal na 'yang cast mo sa buong hita mo,"
"Sana nga. Ang hirap kasi ng ganito masakit sa balakang,"
"Nakakangalay pa kamo,"
"Oo nga nakakangalay rin pala ang laging nakahiga,"
"Asan ang bantay mo ma'am Agatha?"
"Bumili lang ng makakain,"
"Aaah ok sige po. Bawal kasi kayo mawalan ng bantay dahil kapag dumating si Doc Kim kailangan niya ng masasabihan kung anong gagawin at iinumin mo,"
"Aaah ganun ba?"
"Sige ma'am sigaw nalang kayo kapag kailangan niyo ng tulong nandun lang ako sa desk ko,"
"Sige salamat."
Umalis na si Nurse Jane sa harap ko dala-dala ang kinuha niyang dextrose. Naiwan na naman akong mag isa sa silid ko.
"Anong oras kaya babalik si Zach?" tanong ko sa sarili ko.
Habang hihintay ko ang pagdating ni Zach ay naisip ko si William.
"Ano kayang ginagawa ni William ngayon?" tanong ko na lang sa sarili ko. "Tawagan ko kaya?"
Kinuha ko cellphone ko sa la mesa at tinawagan ko si William.
Nakailang ring na ngunit hindi pa rin siya sumasagot sa tawag ko.
"Tulog kaya siya o baka may iba na naman siyang kasama na babae?" tanong ko sa sarili ko.
Tinawagan ko ulit si William at sa huling tawag ko sa kanya ay sumagot na siya.
"She's with me Syrina," sambit ng isang babae.
"The f**k?" galit na tanong ko sa kanya.
Hindi ito tumugon sa akin bagkus ay binaba na ito agad ang tawag ko. Dahil sa nangyaring iyon ay tinawagan ko muli si William at ang kanyang cellphone ay hindi na nag riring.
"The number you have dialed is incorrect."
"Huh? Paanong incorrect?" nakataray na tanong ko sa sarili ko.
Ni-redial ko muli ang numero ni William at ganun pa rin ang tugon sa akin. Operator ang nag sasalita sa ibang linya at paulit-ulit na wrong number ang sinasabi nito.
"Ano ba talaga? Bakit incorrect na number ni William samantalang nag te-text pa kami nung nakaraang araw?"
Binalikan ko ang message namin ni William at kinumpara ang numero na tinatawagan ko at nakita ko na pareho itong dalawa kaya napapailing nalang ako habang nakatitig dito.
"Na-miss mo ba ako?" biglang tanong ni Zach sa akin habang nakangiti.
"Edi wow!"
"Titig na titig ka nga sa cellphone mo eeh. Siguro hinihintay mo na mag text ako sayo noh?"
"Mag hunos dili ka nga sa sinasabi mo Zach!"
"Aalis na lang ulit ako baka sakaling ma-miss mo na ako," pang aasar niya sa akin.
"Hay nako! Dito ka lang sabi ng nurse dahil ikaw ang kakausapin ng doctor sa status ng sakit ko,"
"Sabihin mo muna. Zach wag mo akong iwan," nakangisi niyang sambit sa akin.
"Asa ka naman!"
"Isa,"
"Bumibilang ka pa huh!"
"Dalawa,"
"Ayoko nga!"
"Wag mong paabutin ng tatlo 'to baka mag bago ang isip ko at umuwi na lang ako sa bahay namin,"
"Kahit umalis ka na ngayon!"
"Sigurado ka ba?" "Aalis na ako kung gusto mo," sambit niya sabay talikod sa akin.
"Wait! Sige na! Wag mo akong iwan Zach!" sigaw ko sa kanya.
"Galit ka ata eeh?"
"Hindi!"
"Galit ka eeh,"
"Wag mo akong iwan Zach kailangan kita." malumanay na sambit ko.
Lumingon sa akin si Zach at lumapit sa akin. Inilapit niya sa akin ang kanyang mukha at ngumiti sa akin ng pagkalaki-laki.
"Kailangan mo ako?" nakangiting tanong niya sa akin.
Itinulak ko papalayo si Zach.
"Hindi pa ako nakaka pagsepilyo! Oo kailangan kita ngayon! Letse ka!" inis na sambit ko sa kanya.
Tumawa lang ng malakas si Zach sa akin sabay abot ng dala-dala niyang pagkain.
"Kain ka na para magkaroon ng laman 'yang sikmura mo para hindi na rin maging amoy bagang 'yang hininga mo," natatawa niyang sambit sa akin.
"Letse!"
Pagbukas na pagbukas ko ng pagkain na dala ni Zach ay umalingasaw na agad ang napaka bangong amoy ng bawang dito.
"Fried rice 'to noh?" tanong ko sa kanya.
"Oo,"
"Hmm... Ang bango-bango! Salamat sa agahan Zach,"
"Anong salamat? nakalista 'yan!" natatawang sambit niya sa akin.
"Sige! Akala ko pa naman makakalibre na ako sayo!" inis na sambit ko sa kanya.
"Kumain ka na diyan at kakain na din ako,"
"Sige."
Nilantakan ko na ang binigay na pagkain ni Zach sa akin. Mabilis ko itong naubos marahil sa gutom na din ako.
Habang kumakain kaming dalawa ni Zach ng agahan ay bigla nalang kumulo ang tiyan ko at sumakit ang tiyan ko.
"s**t! Natatae ako." sambit ko sa sarili ko.
Itinigil ko ang pagkain ko at kinilabutan ang buong katawan ko. Tumaas ang mga balahibo ng katawan ko at nanlamig ang pakiramdam ko.
"Anong nangyari?" tanong bigla ni Zach sa akin.
"W-wala naman," utal na sambit ko sa kanya.
"Aaah ganun ba? Akala ko kung ano na namang nangyari sayo,"
"Wala naman,"
"Sige. Kain lang nang kain dahil pera mo naman 'yan!" natatawa niyang sambit sa akin.
Pangiti-ngiti lang ako sa harapan ni Zach pero taeng-tae na ako nito.
Hindi ko na mapigil pa ang nararamdaman ko dahil mas nanlamig ang buong katawan ko at lumabas na ang butil-butil na pawis sa katawan ko.
"Zach? Naiihi ako samahan mo ako sa banyo," madali kong sambit sa kanya.
"Wait yung wheelchair kasi hiniram sa kabilang kwarto," tugon niya sa akin.
"Sige kunin mo na at dalian mo,"
"Ok!"
Madaling umalis si Zach ng silid ko para kunin ang wheelchair sa kabilang kwarto. Hipo-hipo ko ang pwet ko nito at dinidiin ito sa kama ko upang umurong siya ng bahagya ng bigla muling nangilabot ang buong katawan ko.
"Ang tagal mo naman Zach! Taeng-tae na ako!" pigil na pigil kong sambit habang nakahawak ako sa kama ko.
Lumipas ang ilang minuto ay patakbong lumapit sa akin si Zach dala ang wheelchair.
"Ito na 'yung wheelchair halika na!" madali niyang sambit sa akin.
Agad kong inayos ang katawan ko at tinulungan niya akong makaupo sa wheelchair.
"Dalian mo Zach at ihing-ihi na ako!" pamamadali ko sa kanya.
Madaling tinulak ni Zach ang wheelchair papunta sa banyo.
"Dali!" pamamadali ko sa kanya.
Mabilis din kaming nakarating sa banyo at iniwan niya ako agad sa bungad ng banyo dahil hindi siya makakapasok sa loob ng banyo ng mga babae.
Pag dating ko sa loob ng banyo ay agad akong naglakad papunta sa cubicle. Ibinaba ko ang damit ko at agad akong umupo sa bowl upang dumumi.
Sobrang ginhawa ang naramdaman ko ng nairaos ko ito. Plinush ko ang bowl at naghugas na ako pagkatapos ay tumayo muli ako upang isuot ang damit ko.
Lumabas na ako sa cubicle at naglakad ako ng bahagya sa sink upang mag hugas ng kamay ng biglang pumasok si Nurse Jane sa banyo.
Nagkatinginan kaming dalawa at nagkagulatan ng bigla akong nalaglag sa kinatatayuan ko. Nagulat si Nurse Jane sa akin at agad akong tinulungan makatayo.
"Anong nangyari sayo ma'am?" tanong niya sa akin.
"Huh?" gulat na tanong ko sa kanya.
"Hindi mo ba napansin? Ang layo ng nilakad mo?" naguguluhang tanong niya sa akin.
Tumingin ako sa lugar kung nasaan ako at sa pinanggalingan ko sabay tugon sa kanya.
"Oo nga noh? Paano ako nakalakad?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Ibig sabihin nito makakalakad ka na muli,"
"Edi mabuti kung ganun!"
Itinayo niya ako sa pagkakahulog ko at tinulungan na makalakad papunta sa aking wheelchair ngunit sa paglakad ko ay bigla nalang akong nahulog muli.
"Ingat kayo ma'am," nag aalalang sambit ni Nurse Jane sa akin.
"Akala ko ba makakalakad na ako?" malungkot na tanong ko sa kanya.
"Kitang-kita ko na maganda na ang postura mo sa pagkakatayo kanina ngunit hindi ko alam kung bakit hirap ka na naman makalakad ngayon?" "Subukan niyo na lang muli maglakad mamaya para malaman natin kung matatanggal na ang inyong cast mamaya,"
"Sige. Baka siguro nasaktan 'yung paa ko nung nalaglag ako kanina kaya hindi na naman ako malakad ng maayos,"
"Maaari po."
Inilapit ni Nurse Jane ang wheelchair sa akin at tinulungan niya akong makaupo dito.
"Ihatid na po kita sa silid mo,"
"Hindi na! Nasa labas lang si Zach,"
"Aaah... Ganun po ba?"
"Oo salamat sa tulong mo Nurse Jane,"
"Walang problema dun."
Inihatid na ako ni Nurse Jane sa labas kung nasaan si Zach at pagkatapos nun ay bumalik na siya sa loob ng banyo.
"Ooh ano success ba?" natatawang tanong ni Zach sa akin.
"Anong success? Umihi lang ako haler!"
"Sus! Kahit madaling-madali ka kanina? Wag kang mag alala hindi naman nakakahiya 'yung ginawa mo," natatawang sambit niya sa akin.
"Hindi nga nakakahiya pero tinatawanan mo naman ako!"
"Joke lang!"
Itinulak na ni Zach ang wheelchair ko at bumalik na kami sa silid ko para ipag patuloy ang pagkain ng agahan naming dalawa.