EPISODE 21

2241 Words
"Dahil sayo natigil ang pagkain ko!" sambit ni Zach sa akin. "Hindi ko naman ginusto na mabitin ka sa kinakain mo eeh!" "Hayysst! Hayaan mo na at kumain na ulit tayo," "Kumain nalang tayo at nagugutom na ako." Binanatan ko muli ang nanlamig kong agahan at walang habas kong inubos ito. "Hindi ka naman masyadong gutom niyan?" tanong sa akin ni Zach. "Hindi naman? May gusto pala akong subukan ngayon Zach pwede mo ba akong tulungan?" "Ano 'yun?" "May nangyari kasing kakaiba sa akin kanina sa banyo," "Ano? Minulto ka na naman?" "Hindi! Ang tanga naman nito!" "Nakatae ka sa panty mo?" "Gago! Ang dugyot mo!" "Eeh ano nga?" "Nakalakad ako ng maayos at nakatayo ako kanina," "Ooh? Edi mabuti kung ganun," "Mabuti nga pero nung nakita ko si Nurse Jane na nasa banyo bigla na lang nanlambot ang mga tuhod ko at napasampak ako sa sahig," "Subukan natin ulit mamaya kapag nakapag pahinga na tayo sa pag kain," "Sige! Sabi mo 'yan aah," "Oo! Tutulungan kitang makalakad muli," "Ayun! Salamat!" nakangiti kong sambit sa kanya. Ipinagpatuloy na namin ang pagkain namin at lumipas ang isang oras na pag hihintay namin na bumaba ang aming kinain ay nag simula na kaming mag insayo. "Halika na madam at mag pa-practice na tayong mag lakad," biro sa akin ni Zach. "Anong gusto mong sabihin sa akin? Bata ako na dapat turuan?" inis na tanong ko sa kanya. "Ito na naman si Ms. Sungit! Nag bibiro lang naman ako sayo," "Tulungan mo na nga akong tumayo." utos ko sa kanya. Inalalayan ako ni Zach na tumayo sa sahig at sobrang tuwa ko na lang nang nakatayo ako ng matuwid.  "Sabi sayo eeh nakakatayo na ako!" masayang sambit ko kay Zach. "Oo nga nakakatayo ka na! Subukan naman natin ang mag-lakad para ma exercise ang mga paa mo," "Sige." Inihakbang ko ang mga paa ko at laking tuwa ko nang naihakbang ko ito. "Yes!" sigaw ko. "Sabi ko sayo eeh! Makakalakad ka din," "Oo nga! Ilang araw na ba ako dito?" "Siguro mga pangatlong araw mo na ngayon," "Matagal-tagal na din pala ang nakalipas baka pwede mong kausapin si Doc Kim na tanggalin na ang cast ko sa binti? Kating-kati na kasi ang pakiramdam ko," "Sige pwede naman," "Thank you talaga Zach!" "Sige na lalabas na muna ako para tawagin si Doc Kim para naman maging masaya ka na diyan," "Sige." tugon ko sa kanya. Tinulungan akong muli ni Zach na makaupo sa kama ko at pagkatapos ay umalis na siya sa silid ko para puntahan si Doc Kim. Naiwan na akong mag isa sa silid ko kaya habang hinihintay ko si Zach na makabalik ay sinubukan ko muling tumayo na mag-isa at sinubukan kong maglakad. Tumayo ako sa sahig at laking tuwa ko na hindi ako na nalaglag naihakbang ko din ang mga paa ko na hindi ako natutumba at hindi nakakaramdam ng sakit sa binti ko. Naihakbang ko pa muli ang mga paa ko nito ngunit bigla na lang akong natumba. Nanlambot ang mga tuhod ko at hirap akong tumayo. Pinilit kong makatayo sa kinalalagyan ko ngunit hindi ako makatayo. "Aray ko!" sigaw ko habang umiiyak. "Tulungan niyo ako! Hindi ko maigalaw ang mga paa ko!" sigaw ko. Ilang minuto din akong umiiyak habang iniinda ang sakit ng paa ko ng dumating si Zach. Pag bukas ng pinto ay agad akong nakita ni Zach na nakasalampak sa sahig kaya patakbo siyang lumapit sa akin at tinulungan akong tumayo. "Anong ginagawa mo ba?" inis na sambit niya sa akin. "Gusto ko na kasing maglakad," sambit ko sa kanya habang umiiyak. "Masyado ka namang apurado! Pinatawag mo sa akin si Doc Kim para ipatanggal 'yang cast mo sa paa tapos nag bibida-bida ka na pala nung wala ako!" "Gusto ko na ngang maglakad!" sigaw ko sa kanya. "Gusto mo pero hindi pa kaya ng mga paa mo!" inis na tugon niya sa akin. Umagos ang luha sa mga mata ko dahil sa nararamdaman kong sakit ngayon. "Malulumpo na ba ako?" umiiyak kong tanong kay Zach. "Hindi!" singit ni Doc Kim. "Hindi ako makakapayag na malulumpo ka Agatha," "Doc!" nagsusumamo ko sa kanya. Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay ni Doc Kim at hinagkan siya ng mahigpit. "Wala na bang mas mabilis at epektibong treatment dito?" tanong ko sa kanya. "Napaka common na ng case mo Agatha mabilis lang 'yang gamutin basta makinig ka lang sa mga sinasabi ko sayo," "Ano ba dapat ang kailangan kong gawin?" "Maganda ang ginagawa mong palakad-lakad pero sana sa susunod bago ka mag ganyan ay may kasama kang umaalalay sayo," "Nakakatayo na po ako Doc! Tingnan mo itong gagawin ko." Tumayo ako sa sahig at ipinakita ko sa kanya na kaya ko nang tumayo sa sarili kong mga paa. "Magandang progression 'yan Agatha. Alam kong inip na inip ka na at kating-kati ka na sa cast mo kaya tatanggalin na natin ito ngayon," sambit ni Doc Kim. "Salamat." Pinaupo ako ni Doc Kim sa higaan ko at inilabas niya ang kanyang cutter. "Ika-cutter niyo po?" tanong ko sa kanya. "Oo. 'Di ba gusto mo nang matanggal ang cast sa paa mo?" "Hindi ba ako masusugatan sa gagamitin mo Doc?" "Doctor ako Agatha alam ko ang ginagawa ko," "Sige po." Sinimulan ng hiwain ni Doc Kim ang cast ko at unti-unti na itong nabibiyak sa gitna. "Wag kang gagalaw kung ayaw mong malaslas ang binti mo." Umupo lang ako ng maayos at hinintay kong matapos si Doc Kim sa ginagawa niya. Lumipas ang ilang minuto ay nakikita ko na muli ang binti ko. "Aww! Ang daming pasa," naaawang sambit ni Zach sa akin. "Ganyan talaga ang kakalabasan ng cast dahil nabugbog 'yung laman niya nung nalaglag siya ng hagdan," "Aaahh ganun pala 'yun," "Paano naman po mawawala ang mga pasa sa hita ko?" "Nako Agatha wag mo masyadong isipin ang mga 'yan dahil mawawala din 'yan lalo pa't nawala na ang cast sa mga binti mo. Ang tanging gagawin mo lang ngayon ay ang mag hintay ng sasabihin ko at mag pahinga," "Hindi ako napapanatag dito sa ospital Doc," "Bakit naman?" "Hindi ko lang feel ang ospital na ito dahil sa dami ba namang nangyari sa akin," "Katulad ng?" "Nako! Wala na akong balak na ilahad ito dahil alam kong sasabihin mo na dala lang ito ng pagod ko," "Wala pa naman akong sinasabi sayo alam mo na agad?" "Basta! Sige na po Doc Kim maraming salamat po sa tulong niyo," "Sige na. Wag kang mag lalakad-lakad ng wala kang kasama huh," "Sige po." Umalis na si Doc Kim sa harap ko at tinanong naman ako ngayon ni Zach. "Uuwi ako sa bahay ngayon Agatha. Ok lang ba sayo na mag isa ka?" tanong niya sa akin. "Hindi ko alam," "Bakit hindi mo alam?" "Ikaw na rin ang nag sabi sa akin kahapon 'di ba? Binabangungot ako. Hindi ko na alam Zach kapag wala akong kasama ngayon dito baka hindi na ako sikatan pa muli ng araw," malungkot na sambit ko sa kanya. "Mag simba ka kasi Agatha para naman mawala ang agam-agam sa puso mo," "Nag sisimba naman ako noon," "Kailan pa 'yang noon mo?" "Noong bata ako." Natawa ng malakas si Zach sa sinabi ko at inasar ako. "Ayan! Ayan! Kaya ka nilalapitan ng masamang espiritu ay hindi ka na marunong lumapit sa Diyos puro ka na lang siguro trabaho at pag susulat sa weekends?" "Wala naman akong ibang pwedeng puntahan at gawin," "Kapag nakalabas ka na dito sa ospital na ito pumunta ka ng simbahan huh? Mag pasalamat ka naman sa Kanya dahil sa patuloy na kalakasan na ibinibigay niya sayo," "Sige na! Susubukan ko." Pangisi-ngisi lang si Zach na nakatingin sa akin. "Mag pahinga ka na muna diyan huh! Mag lalaro lang ako saglit basta wag kang manggugulo sa akin. Ok!" "Sige." Humiga ako ng maayos at ipinikit ko ang mga mata ko upang makatulog ako. Hindi talaga ako binibigo ng talento kong ito kaya mabilis akong nakatulog. ~~~  Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko na nasa ospital pa rin ako. Bumangon ako sa kinahihigaan ko at umupo ako sa kama ko. "Akala ko makakatulog na ako agad." natatawang sambit ko sa sarili ko. Lumingon ako sa gilid ng kama ko at nakita ko si Zach na abalang-abala na naglalaro sa cellphone niya. Sinigawan ko si Zach upang ma-distract siya sa paglalaro niya ngunit hindi siya lumilingon sa akin. "Aba! Magaling na bata at hindi na namamansin para lang makapaglaro ng maayos." Dahil sa medyo may pagkapilya akong tao ay nakaisip ako ng kalokohan upang maistorbo ko lang si Zach sa pag lalaro niya. Kinuha ko ang buto ng mangga sa tabi ng kama ko at binato ko ito kay Zach. Natamaan ang kanyang ulo ngunit hindi pa rin niya ako pinapansin. Hindi man lang siya nagalit sa ginawa ko sa kanya bagkus ay diretso pa rin siya sa paglalaro. "Adik!" natatawang sigaw ko kay Zach. Ngunit kahit pa sinigawan ko na si Zach ay hindi pa rin niya ako pinapansin. "Hello? Zach!" sigaw ko kay Zach. Walang pag babago sa itsura ni Zach at tila ba ay wala siyang naririnig. "Bingi ka na Zach? TInatawag kita huy!" sigaw ko sa kanya. Ngunit kahit sigawan ko pa si Zach ay walang epekto ito sa kanya kaya sinubukan kong tumayo sa sahig at nakatayo nga ako dito. Naglakad ako ng dahan-dahan patungo kay Zach at sa wakas ay nagawa ko na din ito ng hindi nalalaglag sa sahig. "Zach! Tingnan mo nakakalakad na ako!" masayang sambit ko sa kanya. Hindi pa din ako pinapansin ni Zach kaya lumapit na ako ng tuluyan sa pwesto niya at binatukan siya. Napalingon sa akin si Zach kaya natawa ako sa kanya. "Ano ka ngayon? Masakit ba?" pang aasar ko sa kanya. Akala ko magagalit na sa akin si Zach nang binatukan ko siya ngunit tumingin lang ito sa likuran niya sabay lingon sa ibang parte ng silid na ito. "May bumatok?" nagtatakang tanong niya. "Ako!" natatawang tugon ko sa kanya. Tumingin lang siya sa akin at itinuloy na ang paglalaro. "Aba! Nandito lang ako sa harapan mo pero parang wala kang nakikita huh! Tingnan natin kung hindi mo pa ako papansinin sa gagawin ko sayo." asar na sambit ko. Tumabi ako kay Zach sa kanyang inuupuan at pagkatapos ay pinitik ko ang kanyang tenga. "Aray!" sigaw niya bigla. "Ano ka ngayon! Akala mo huh? Hindi mo pa ako papansin aah," "Sino 'yun?" kinakabahang tanong niya. "Ako lang 'to huy! Ano ba!" inis na sambit ko sa kanya. Tumayo sa kinauupuan si Zach at lumapit sa kama ko. Napatingin ako sa kama kung saan ako natutulog at nakita ko ang sarili ko na natutulog doon. "Wait? Teka?" naguguluhang tanong ko sa sarili ko. "Tulog naman ang bruha bakit may bumabato sa akin?" naguguluhang tanong ni Zach. "Punyeta Zach! Nandito ako sa tabi mo ooh!" Kinakabahan na ako sa nangyayari dahil nakikita ko ang sarili ko na natutulog sa harapan ko. "Anong gagawin ko?" kinakabahang tanong ko sa sarili ko. Nakatingin lang ako sa sarili ko nito ng bigla kong naisipan na humiga muli. "Please! Please! Sana naman makabalik ako sa katawan ko." umiiyak na sambit ko. Humiga na muli ako sa kama ko at sa pagdilat ng mga mata ko ay napansin kong nakatingin sa akin si Zach. ~~~ "Bumalik ako!" masayang sambit ko. Nakatingin lang sa akin si Zach ng mga oras na ito ng bigla nalang umihip ang napaka lakas na hangin. Ngumiti sa akin si Zach sabay daloy ng dugo sa kanyang bibig. "Zach!" sigaw ko sa kanya. Habang nag aalala ako kay Zach ay bigla siyang lumapit sa akin ay sinakal niya ako sa aking leeg. Nag pupumiglas ako sa kanya at pilit na tinatanggal ang kanyang mga kamay sa aking leeg. "Zach!" "Zach!" "Zach!" paulit-ulit na sigaw ko sa kanya. Nanlilisik ang mga mata ni Zach na nakatingin sa akin hanggang sa nag papatay sindi na ang mga ilaw sa loob ng silid ko at palamig na ng palamig ang pakiramdam ko. "Agatha!" sigaw niya sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya nito habang tinatawag niya ang pangalan ko habang sinasakal niya ako . "Agatha!" Hirap man akong magsalita ay pinilit ko pa ring makiusap sa kanya. "Zach! Paki-usap w-wag mo akong p-patayin!" sigaw ko sa kanya. "Agatha!" sigaw niya sa akin. Hinang-hina na ako dahil sa sakal niya sa akin kaya napapapikit nalang ako ng mga mata ko. Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko at sa mag mulat ko muli nito ay nagulat nalang ako na niyuyogyog ako ni Zach. Naitulak ko si Zach papalayo sa akin at takot na takot akong nakatingin sa paligid. "Wag! wag!" sigaw ko sa kanya. "Huh? Ano? Binabangungot ka na naman Agatha!" nag aalalang sambit ni Zach sa akin. Nakatingin lang ako nito kay Zach habang pagod na pagod pa rin ang pakiramdam ko. "Ayoko na dito Zach!" sigaw ko kay Zach. Agad na lumapit si Zach sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Ano bang nangyayari sayo? Bakit lagi ka na lang ganito?" nag aalalang tanong niya sa akin. "H-hindi ko din a-alam," maluha-luhang sambit ko sa kanya. "Mabuti pa ay mag pa-albularyo na tayo para mawala na ang mga masasamang nangyayari sayo!" Hindi ko alam kung anong itutugon ko sa kanya dahil hindi ako naniniwala sa mga albularyo. Nakaupo lang ako sa kama ko nito at binigyan ako ng isang baso ng tubig ni Zach. Ginawa niya ang lahat para mapakalma ako ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD