EPISODE 22

1616 Words
"Magdasal ka lagi Agatha para lubayan ka na niyan," seryosong sambit ni Zach sa akin habang hinihipo ang likod ko. "Alam mo Zach ilang beses na akong nagdasal at humingi ng tulong sa Diyos ngunit ni isa sa mga dasal ko ay hindi niya dininig kaya para saan pa ang pag hiling ko ngayon kung hindi rin naman matutugunan?" "Masyado mong ina-underestimate ang kapangyarihan ng Diyos kung ako sayo humingi ka nang kapatawaran para sa mga kasalanan mo at pwede ba Agatha matakot ka sa sinasabi mo dahil 'yan ang magdadala sayo sa kapahamakan. Ang kawalang tiwala mo," "Mag aaway na naman ba tayo? Pagod na akong umasa Zach kung gusto na niya akong kunin bakit hindi niya pa gawin? Bakit pinapahirapan pa niya ako?" "Ewan ko sayo Agatha! Mahirap makipagtalo sa sarado ang utak," "Ewan ko din sayo Zach! Hindi sana ako ganito ngayon kung hindi niyo ako inulit-ulit na tinakot sa office! Hindi sana ako mukhang tanga dito na laging binabangungot at lagi nasasaktan dahil sa putang ina na multo na 'yan!" inis na sambit ko sa kanya. "Kung pwede lang ibalik ang nakaraan sana hindi nalang ako nabuhay!" "Ewan ko sayo Agatha! Kung ayaw mo na palang mabuhay edi sana hindi ka na lumalaban para mamatay ka na!" "Talaga! Hintayin mo lang Zach dahil kapag namatay ako ikaw ang unang-una kong mumultuhin!" Mainit ang pakiramdam ko ngayon dahil sa galit na nararamdaman ko. Napapagod na ako sa nangyayari sa akin ngayon hindi ko na alam ang gagawin ko kung paano ako muling babangon at lalaban sa buhay. "Bakit ba kasi ako ginagambala ng babaeng 'yun?" inis na tanong ko sa sarili ko.  Habang nakasimangot akong nakatingin sa pintuan ng silid ko ay bigla itong bumukas. Nakatigtig lang akong nakatingin dito ng biglang may itim na kamay na may mahahabang kuko na nakahawak sa gilid ng pinto. Nagulat ako dito at napakapit ng mahigpit kay Zach. "Zach," takot na sambit ko sa kanya. "Ano na naman 'yun?" asar na tanong niya sa akin. "May a-ano k-asi sa p-pinto," utal-utal kong tugon sa kanya. "Ano nga 'yun!" Bigla akong natigilan sa pagsasalita ko ng makita ko si William na papasok sa kwarto ko. "William!" nakangiti kong sambit. Kumaway sa akin si William sabay lapit sa aming dalawa ni Zach. "Ooh bakit parang nakasimangot kayong dalawa diyan?" tanong niya sa amin. "Kausapin mo nga itong babae na 'to nababaliw na kasi!" inis na tugon ni Zach. Tumayo si Zach sa kinauupuan niya at dali-dali siyang lumabas ng silid ko. "Saan pupunta 'yun?" tanong ni William. "Malay ko," "Kumusta ka na? Mabuti at tinanggal na ang cast ng binti mo?" "Mabuti naman na ang lagay ko ngayon at tinanggal na din ang cast sobrang  iritang-irita na kasi ako dito," "Tiis muna para mabilis kang gumaling," "Magaling naman na ako kaya ko naman na mag-isa," "Sigurado ka ba na kaya mo na mag isa? Eeh balita ko nasubsob ka daw kanina aah?" "Chismosa naman pala ng mga nurses dito pati ba naman 'yun sinabi pa sayo," "Ok lang naman na malaman ko 'yun." Tutugon pa sana ako kay William ngunit biglang tumiklop ang bibig ko ng bigla niya akong hinawakan sa labi ko. Tinitigan ako ng matalim ni William at hinawakan ang mukha ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako umangal sa ginagawa niya sa akin bagkus ay tuwang-tuwa pa ako. Habang hinihipo niya ang mukha ko ay palapit siya nang palapit sa aking mukha kaya napapikit ako bigla. Hindi ko namamalayan na napapanguso na pala ako sa kanya kaya mas madali niyang nahalikan ang aking mga labi. Iginalaw niya ang kanyang mukha palihis sa akin sabay sunggab muli sa aking labi. Pilit niyang pinapasok ang kanyang dila sa aking bibig ngunit lumalaban ako pero kahit pa nilalabanan ko ang mapusok na si William ay nadadala na lang ako sa kanya at nakipag laban ng halik sa kanya. "Aga?" tanong niya bigla sa akin. Idinilat ko ang mga mata ko at nakatingin sa akin si William habang nakangiti. "Anong ginagawa mo?" natatawang tanong ni William sa akin. Inurong ko ang bibig ko sa harap niya at bigla na lang ako nahiya. "W-wala naman," nahihiyang tugon ko. "Minamanyak mo na ako sa utak mo noh?" natatawang tanong ni William sa akin. "Huy! Hindi aah," "Bakit ka nakanguso?" "Napanguso lang ng kaunti eeh!"  "Gusto mo ba akong halikan Agatha?" tanong niya sa akin sabay lapit sa mukha ko. Kumabog ng malakas ang dibdib ko at nakaramdam ako ng mga paru-paro sa tiyan ko. "Ano? Gusto mo ba?" tanong ni William sa akin habang palapit nang palapit sa mukha ko. Dahil sa hiyang nararamdaman ko ngayon ay nag play hard to get ako kay William. Itinulak ko siya upang makalayo ang kanyang mukha sa akin. "Tigilan mo nga ako William! Kung akala mo sa akin easy to get nagkakamali ka!" sigaw ko sa kanya. "Ooh easy lang,"  "Don't you dare to kiss me or else I'll kill you!" "Kung kaya mo?" sambit niya sa akin sabay nakaw ng halik sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at parang nakaramdam ako ng kuryente na lumabas sa katawan ko ng hinalikan niya ako. Agad kong pinunasan ang labi ko sabay sapak kay William. "Bastos!" inis kong sambit sa kanya. "Easy! It's just a smack at tsaka I really want to kiss you," "Bakit? Bakit?!" "Piling ko kasi malambot ang mga labi mo kaya sinusukan kong halikan ka," "Ooh tapos?" "Totoo nga! malambot nga ang labi mo," pang aasar niya sa akin. "Ikaw ang second kiss ko!" "Ooh? Bakit hindi first?" "Wala kang pake! Asshole!" "Ako ang mag babantay sayo ngayong gabi," "Bakit ikaw?" "Ayaw mo ba? May gwapo kang katabi sa kama?" "Mahiya ka nga sa sinasabi mo William. Bakit naman kita papatabihin sa kama ko? Ano ako nahihibang?" "Sus! Nasasabi mo lang 'yan ngayon dahil hindi ka pa takot pero mamaya naman manghihingi ka ng tulong tapos iiyak ka then maaawa ako sayo at ayun tatabi ako sa kama habang hawak ang mga kamay mo," "Kahit kailan napaka manyak mo!" "Well, it runs in the blood ika nga." Habang nag aasaran kami ni William ay dumating si Nurse Jane dala-dala ang kanyang mga gamit. "Kamusta ang pakiramdam mo Miss Agatha?" tanong niya sa akin. "Ok naman ako Nurse Jane," "Kukuhanan lang kita ng dugo para sa test mo at pagkatapos ay iche-check natin ang blood pressure at sugar mo," "Ok sige lang hanggang sa gumaling ako at makalakad na bahala na kayo sa akin," "Sige po." Kinuhanan ako ng dugo ni Nurse Jane para daw sa isang test na gagawin sa akin ngunit hindi ko naman alam kung saang test ito. Pagkatapos niya akong kunan ng dugo ay kinuhanan niya muli ako ng dugo gamit ang aparato niya na pang sugar testing. "Normal naman ang sugar level mo," "Ok maraming salamat." Kinuhanan naman niya ako ng blood pressure ngayon ngunit nagulat kami na bumaba ang bp ko from 120/80 to 100/60. "Anong nangyayari?" nagtatakang tanong niya sa akin. "Anong nangyayari? Hindi kita maintindihan Nurse Jane?" "Mababa ang blood pressure mo. Wala ka bang nararamdaman na pagkahilo o pagsakit ng ulo?" "Wala naman." Pailing-iling si Nurse Jane na kinuhanan muli ako ng blood pressure ko at sa pangalawang subok niya muli ay 'yun at 'yun pa rin ang nagiging resulta. "Teka lang huh? Baka sira ang gamit ko kaya ganyan ang resulta. Wait kuha ako sa iba." sambit ni Nurse Jane sa akin sabay labas ng silid ko. Nakatingin lang ako kay Nurse Jane nito habang papalabas siya ng silid ko. Binabantayan ko lang ang pagdating niya at lumipas lang ang ilang minuto ay dumating siya agad dala ang ibang pang blood pressure. Agad na inilagay ni Nurse Jane ang pang bp sa braso ko at agad akong kinuhanan. Biglang napatingin sa akin si Nurse Jane. "Ano 'yun Nurse?" naguguluhang tanong ko sa kanya. "Mababa pa rin ang bp mo at this time mas bumaba pa ito," "Huh? Paanong nangyari 'yun?" "Hindi ko din alam pero as long as na ok naman ang pakiramdam mo ay wala kang dapat na ibahala," "Mabuti naman kung ganun akala ko grabe na ang nangyayari," "Kukuhanan na rin kita ng body temperature mo para alam natin kung maganda ang result mo diyan," "Sige lang." Lumabas muli ng silid ko si Nurse Jane at kinuha ang thermometer niya para kunan ako ng temperature ko. Isinuksok niya sa kili-kili ko ang digital thermometer at hinintay na tumunog ito. Tatlong minuto lang ang lumipas at tumunog na ito kaya agad niya itong kinuha sa kili-kili ko at binasa ang resulta. "33 degree celcius," gulat na basa niya ng thermometer. "Ano?" gulat na tanong ni William. Kinuha ni William ang thermometer kay Nurse Jane at gulat siyang tiningnan ang resulta ng temperature ko. "Bakit ang baba?" natatakot na tanong ko sa kanila. "Hindi ko din alam baka sira na itong thermometer na ito," "Baka nga." tugon ko sa kanya.  Inilagay ni William ang thermometer sa kili-kili niya at lumipas lang ang tatlong minuto ay tumunog na ito. "37 degree celcius ako," sambit niya. "Huh? Bakit?" gulat na tanong ko. "Normal lang ako boy!" natatawang tugon niya sa akin. "Ang lamig! Nanlalamig ang katawan ko," mahinang sambit ko sa kanila. "Ano? Bakit? Anong nangyayari sayo?" paulit-ulit na tanong sa akin ni William. "P-arang nanghihina ako." mahinang tugon ko sabay biglang bagsak sa harapan ni William. Hinawakan agad ako ni William sa magkabilang braso ko ngunit hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari sa akin pagkatapos kong mag pass out habang nag uusap kami nila William at Nurse Jane.  Hindi naman ako nahirapan ngayon dahil wala akong nakikitang masama sa utak ko. Walang babae na gumugulo sa isipan ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD