~~~
Sobrang liwanag nang iminulat ko ang mga mata ko. Lumingon ako sa paligid ko at unti-unting nag babago ang kapaligiran nagiging kulay berde ang sahig at napapalibutan ito ng napakaraming mga bulaklak.
Tumayo ako sa kama na pinag kakahigaan ko at naglakad ako nang bahagya ng bigla muling nagbago ang kapaligiran.
"Nasaan ako?" tanong ko nalang sa sarili ko.
Naglakad akong muli hanggang sa makita ko ang isang pamilyar na lugar.
"Bahay namin ito aah?" nagtatakang tanong ko.
Lumapit ako dito at dahan-dahan kong binuksan ang pintuan.
Pagbukas ko ng pinto ay agad akong binati ng ina ko.
"Ooh? Andyan ka na pala Anak," nakangiting bati niya sa akin. "Halika na at mag hahapunan na tayo," Paanyaya niya sa akin.
"Po?" gulat na tanong ko sa kanya.
"Lagi na lang lutang 'tong si Syrina." sabat ni Agatha.
Napatingin ako sa kanya habang sinusuri siya.
"Hindi ba't patay ka na?" nag tatakang tanong ko sa kanya.
"Oo patay na ako," tugon niya sa akin. "Patay na ako sa play role na ginagampanan ko." nakangiting sambit niya sa akin.
Kinurot ko ang braso ko at naramdaman ko ang sakit kaya napa-aray ako.
"Aray!" sigaw ko.
Agad akong linapitan ni mama para tanungin ako kung anong nangyari sa akin.
"Anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong sa akin ni mama.
"Totoo ba 'to?"
"Anong totoo?" natatawang tugon sa akin ni mama.
"Totoo ba na kasama ko kayo ngayon? Bakit?"
Lumapit sa akin si mama at niyakap niya ako ng mahigpit. Naramdaman ko ang init ng katawan niya sa katawan ko.
"Totoo nga kayo!" maluha-luha kong sambit sa kanila.
"Ano bang nangyayari sayo?"
"W-wala! Masaya lang ako na kasama ko kayo."
Masaya ang pakiramdam ko na kasama ko ang pamilya ko ngayon hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko silang maghapunan at nahahawakan ko sila.
Pagkatapos naming naghapunan na pamilya ay umakyat na kami nang kambal kong si Agatha sa silid naming dalawa.
Nag uumapaw ang kasiyahan ko ngayon dahil kasama ko na naman ang pinaka paborito kong tao.
Hinawakan ko ng mahigpit sa kamay si Agatha at ngumiti ako sa kanya ng sobrang laki.
"Anong klaseng ngiti 'yan? Napaka creepy mo," sambit niya sa akin.
"Grabe ka naman sa sinasabi mong creepy,"
"Bakit hindi ba?"
"Gusto mo bang kalbuhin kita?" galit na tanong ko sa kanya.
Hinawakan agad ni Agatha ang buhok niya at sinimangutan ako.
"Napaka attitude mo talaga kahit kailan Sy,"
"Hindi pa ba tayo matutulog?" masungit na tanong ko sa kanya.
"Sige,"
"Sige pero ang daldal mo?"
"Hala ka? Ikaw nga 'yung ma-clingy diyan tapos susungitan mo ako?" galit na sambit niya sa akin.
Nakaharap ako sa kanya ngunit ang mga mata ko ay umiikot.
"Sabi ko nga eeh! Matulog na nga tayo!" inis na sambit ko.
"Matulog na tayo at naiinis na din ako sayo!"
Humiga na ako sa kama ko at agad akong natulog.
Kinabukasan.
Nagising nalang ako sa isang malakas na kalampag sa pintuan. Agad kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko na nasa silid pa rin ako.
Tumingin ako sa paligid at nasa kwarto pa rin ako namin ni Agatha tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si Agatha na masarap ang tulog kaya hindi ko na siya ginising pa.
"Kahit kailan tulog mantika ka talaga." inis na sambit ko.
Tumayo na ako sa pinaghihigaan ko at naglakad na ako papunta sa pintuan. Binuksan ko ito agad at lumabas ako patungo sa kusina.
Maaga laging nagluluto si mama ng agahan namin ngunit pag punta ko doon sa kusina ay wala siya kaya tumungo ako sa silid nila at pagkakita ko doon ay wala siya.
Nakakapag taka naman na wala si mama at hindi siya nagluluto ng agahan ngayon samantalang ay masipag at hands on talaga siya sa gawaing bahay.
Dahil sa maaga pa ang oras ay pumanik muli ako sa silid namin ni Agatha upang matulog muli ngunit nagulat nalang ako nang makita na wala siya sa kinahihigaan niya.
"Asan na 'yun?" nagtatakang tanong ko.
Nag lakad-lakad ako sa buong bahay namin upang hanapin sila ngunit wala akong nakita.
"Asan na kayo? mama! papa! Agatha!" sigaw ko habang lumuluha.
Kahit pa tawagin ko sila ng paulit-ulit ay hindi ko sila makita hanggang sa biglang umihip ang malakas na hangin at nag pasukan ang mga petals sa nakabukas na pintuan namin.
Amoy na amoy ang pulang rosas sa buong bahay hanggang sa nakakakita ako ng bakas ng paa sa sahig.
Marka ito nang paang may putik papalapit ito sa akin kaya napapaatras ako.
"Ano na naman ba ito?" takot na tanong ko.
Bumilis ang paglakad nito at lumakas ang yabag nito kaya napatakbo ako palabas ng bahay namin. Pag labas na pag labas ko sa bahay ay biglang nagbago ang paligid dumilim ang kapaligiran at nababalot ito ng mga usok.
Kinikilabutan ang buong katawan ko dahil sa lamig na nararamdaman ko ngayon. Lakad lang ako nang lakad habang lumuluha ako ng bigla kong narinig ang pangalan ko.
"Agatha!" tawag sa akin ng isang boses.
"Agatha! Agatha! Lumaban ka!" sigaw ng pangalan ko.
Nakatingin ako sa kawalan habang inaalala ko ang boses na iyon hanggang sa tinawag nya muli ako.
"Agatha! Bumalik ka na!" pansusumamo niya sa akin.
Pag katapos ng ilang tawag niya sa akin ay naalala ko na kung sino siya.
"William?" tanong ko.
"William!" tawag ko muli.
Tumakbo ako ng matulin hanggang sa nakakita ako ng maliit na ilaw binaybay ko ito hanggang sa naaninag ko ang isang malaking liwanag.
"Sa wakas may liwanag na din." sambit ko.
Pumasok ako dito at nagulat ako na nakita ko ang sarili ko na saksak-saksak si Agatha.
"Ano 'to?" gulat na tanong ko habang takot akong nakatingin.
Napaatras ako sa takot ngunit habang papaatras ako ay mas lalong dumadami ang saksak ko sa katawan ni Agatha.
"B-bakit a-ako nandyan?" utal-utal kong sambit habang pinapanuod ang sarili na sinasaksak ang kapatid.
Habang pinapanuod ko ang sarili ko na sinasaksak si Agatha ay bigla itong napatingin sa akin. Nanlaki ang mga mata ko na nakita ko ang sarili ko na nanlilisik ang mga mata habang nakangiti ng malaki na nakatingin sa akin.
Kinilabutan ako sa kanya este sa sarili ko habang tumatalsik ang dugo sa mukha ko. Nanginginig ako sa takot at hindi makapagsalita dahil dito.
"Agatha!" sigaw muli ng lalaki.
Napatingin ako sa ibang direksyon at nakita ko muli ang liwanag. Agad akong tumayo sa pagkakasadlak ko at nanginginig akong naglakad patungo dito.
"W-william? Tulungan mo ako!" pag mamakaawa ko sa kanya.
"Lumaban ka Agatha!! Lumaban ka!"
Pinilit kong maging malakas upang sundan ang liwanag at ang boses na 'yun patuloy siyang nagsasalita sa akin kaya napuntahan ko ang lugar kung nasaan siya.
~~~
Iminulat ko ang mga mata ko at pagtingin ko sa paligid ay nakita ko si William na hawak-hawak ang mga kamay ko.
Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko at napatingin ako sa paligid.
"Asan ako?" bungad na tanong ko sa kanya.
"Dinala kita sa albularyo Agatha,"
"Ano? Bakit? Anong ginagawa natin dito?" paulit-ulit na tanong ko sa kanya.
"Dinala na kita dito para malaman natin ang kasagutan sa mga nangyayari sayo,"
"Anong nangyayari sa akin?! Albularyo? Sigurado ka talaga diyan William?" galit na tugon ko sa kanya.
Madali akong tumayo sa kinauupuan ko at padabog akong umalis sa harapan niya. Mainit na likido ang lumalabas sa aking mata habang patakbo akong papalayo sa kanila.
Malayo na ang tinakbo ko nito ng nalaman kong nakakatayo na pala ako.
"Magaling na ako!" masaya kong sambit sa kanya.
"Magaling ka na nga ngunit hindi pa rin kita lulubayan." sambit ng isang babae sa likuran ko.
Napatingin agad ako sa kanya at pagtingin ko ay si Agatha na duguan na may namumula at nanlilisik na mata na nakatingin sa akin.
May hawak siyang kutsilyo at nababalot ito ng dugo. Hinawakan niya ako sa aking buhok at pinag sasasaksak niya ako sa dibdib ko.
"Agatha!" sigaw ko.
"Agatha!" sigaw ko habang paupos na ang boses ko.
Nakahiga na ako nito ngunit patuloy pa rin siya sa pagsaksak sa akin habang ginagawa niya sa akin ang isang karumal-dumal na gawa ay tumatawa siya ng malakas.