EPISODE 24

1442 Words
"Agatha! Lumaban ka! Pakiusap!" sigaw na naririnig ko bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay. May humawak ng kamay ko kaya bigla akong napabangon. Sobrang lalim ng pinag hugutan ko ng hangin upang makabalik ako sa buhay. Pagod na pagod at pawis na pawis ako habang habol-habol ang hininga ko ng umupo ako sa kama ko. Paglingon ko sa paligid ko ay nasa ospital na ako nito. "N-nasaan ako?" bigla ko nalang na tanong. "Agatha!" masayang sambit ni William sa akin sabay yakap sa akin ng mahigpit. Napatingin ako sa kanya sabay hagulgol ng malakas. "William! Akala ko mamamatay na ako!" sambit ko habang humahagulgol. Hinawakan ni William ang mga braso ko at kinalma ako. "Anong nangyari? Binabangungot ka kanina buti nalang nakabalik ka," nag-aalalang sambit niya sa akin. "Nakita ko ang pamilya ko William! Nakita ko si Agatha ay si Syrina na sinasaksak niya ako," "Syrina?" "Oo si Syrina kambal ko," "Bakit ka naman niya sinasaksak?" "Hindi ko alam William kung bakit galit na galit siya sa akin," "Wag mo na masyadong isipin pa ito at ipahinga mo ang sarili mo. Bukas na bukas ilalabas na kita dito sa ospital para puntahan ang nakilala kong magaling na albularyo," "Albularyo? Bakit? Para saan ang albularyo?" "Gusto kong bumalik ka na sa dati na payapa ang buhay mo kaya idadala kita sa albularyo bukas," "Hindi!" galit na sigaw ko sabay tayo sa kinauupuan ko. Naglakad ako papalayo kay William. Nanlaki ang mga mata niya na nakatingin sa akin habang papalayo ako sa kanya. "Nakakalakad ka na!" masayang sambit ni William sa akin. Tumingin ako sa sarili ko at nakita ko na hindi na masakit ang mga paa ko kaya nag tatatalon ako sa tuwa. "Nakakalakad na ako ulit!" masaya kong sambit sa kanya. "Congrats! Magaling ka na!" Tumakbo ako papalapit kay William at niyakap ko siya ng mahigpit. "William!" sigaw ko. Sa sobrang tuwa ko ay bigla ko nalang hinalikan si William sa kanyang labi. Nagulat siya sa ginawa ko at napangiti siya sa akin. Akala ko matatapos na ito sa isang halik ko ngunit nagulat ako na hinawakan ni William ang likuran ko papalapit sa akin sabay halik sa aking labi. Hindi na ako nakaangal pa sa kanya kaya nagtuloy-tuloy nalang kaming dalawa sa pag angkin namin sa isa't-isa.  Habang nag papalitan kami ng halik na dalawa ay bigla nalang umeksena si Zach. "Bumili lang ako ng pagkain sa labas tapos ito na ang madadatnan ko?" galit na sambit niya sa amin. Napatingin ako sa direksyon kung nasaan si Zach at nakita ko na nanlilisik ang mga mata niya na nakatingin sa amin. "Pre easy ka lang," sambit ni William sa kanya. "Sinabi ko na sayo William lumaban ka ng patas kung may gusto ka kay Agatha!" galit na sambit niya kay William habang papalapit. Ito ang una kong nakita na nagalit ng todo si Zach kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko upang humupa ang kanyang galit. "Zach! Tumigil ka nga!" galit na sambit ko sa kanya. "Ikaw Agatha! Akala ko matino kang babae!" galit na galit na sambit niya sa akin. "Ayy teka? Bakit anong problema mo sa akin?" nakataray kong tanong sa kanya. "Putang ina naman Agatha! Ilang taon na tayong magkasama hanggang ngayon wala ka pa ring alam na may gusto ako sayo? Napaka manhid mo naman pala!"  Natigilan ako sa sinabi niya sa akin. Hindi ko alam na kung anong itutugon ko kasi hindi ako aware na may gusto siya sa akin. Nakatingin lang ako kay Zach nito habang iniisip ko kung anong sasabihin ko sa kanya ng bigla siyang lumapit sa akin. Napapaatras ako ng nakikita kong papalapit sa akin si Zach. Parang natakot ako bigla sa kanya dahil sa ugaling pinapakita niya sa akin ngayon. "Mahal kita Agatha simula po noong una," sambit niya sa akin. "Teka lang Zach! Ano bang kahibangan 'yan? Tigilan mo ako sa mga trip mo dahil naiirita ako sayo!" "Sa tingin mo ba lahat ng ginagawa ko sayo trip? Wag kang tanga Agatha," "Tigilan mo ako Zach!" sigaw ko sa kanya. "Sagutin mo ako ngayon Agatha. Kaya mo ba akong mahalin o hindi?" "Hindi," "Ok."   Agad na umalis sa harapan ko si Zach at lumabas ng silid ko. "Zach!" sigaw ko habang tinatawag siya ngunit kahit pa tawagin ko siya ng paulit-ulit ay hindi na niya ako nilingon pang muli. Sinibukan kong maglakad papunta sa pintuan ng silid ko ngunit pinigilan ako ni William. Hinawakan ni William ng mahigpit ang kamay ko. "Wag mo na siyang sundan dahil sarado ang utak ng taong katulad ni Zach," seryosong sambit niya sa akin. "P-pero," "Alam kong importante sayo si Zach kaya nag aalala ka sa kanya pero isipin mo naman muna ang sarili mo dahil kaka-recover mo palang sa pilay mo. Gusto mo ba na sumakit ulit 'yang paa mo dahil sa hinabol mo si Zach?"  "Mag pahinga ka na muna at isipin ang sarili mo bago ang iba kasi paano mo maaalagaan ang ibang tao kung sarili mo hindi mo kayang alagaan?" "Sino naman kasi nag sabing aalagaan ko siya?" "Ayy hindi ba?" "Haler! Ayoko lang kasi ng may kagalitan lalo na si Zach kasi sobrang tagal na naming mag kaibigan na dalawa," "May gusto ka ba sa kanya?" "W-wala aah," "Sigurado ka?" sambit niya sa akin habang nakatingin ng matalim. "Oo nga wala akong gusto sa kanya! Teka bakit ba hina-hot seat mo ako?" nakataray na sambit ko sa kanya. "Gusto ko lang siguraduhin," "Bakit?" "Mag aapply kasi ako sa puso mo," "Yuck!" "Bakit naman yuck? Nandidiri ka ba sa akin?" "Bakit? Purkit ba hinalikan kita magkakagusto na ako sayo?" natatawang sambit ko sa kanya. "Bakit hindi ba?" pang aasar niya sa akin. Hindi ko talaga maitago ang nararamdaman ko kay William ngayon parang may mga paru-paro na lumilipad sa tiyan ko. "W-wala t-talaga," utal-utal na tugon ko sa kanya. "Tingnan mo? Hindi mo madiretso ang salita mo? Nagu-gwapuhan ka talaga sa akin Agatha simula pa noong una na nakita mo ako," pa-cute na sambit niya sa akin. "Ang kapal talaga ng mukha mo kahit kailan!" inis na sambit ko sa kanya. Habang nag aasaran kaming dalawa ni William ay bigla nalang niyang hinawakan ang kamay ko. "Wag na wag mong bibitawan itong mga kamay na ito dahil ito ang mag liligtas sayo sa panganganib," nakangiting sambit niya sa akin. "Wow! Taga pagligtas na kita ngayon huh?" "Ako na ang mag aalaga sayo simula ngayong araw," "Talaga lang huh? Baka may magalit na mga babae mo at sugurin nalang nila ako bigla," "Wag kang mag alala simula ngayon mag babago na ako para sayo," "Sigurado ka ba diyan? Kasi kapag pumasok ka sa buhay ko hinding-hindi ka na makakalabas pang muli," "Pangako." tugon niya sa akin sabay taas ng hinliliit niya. Ngumiti ako sa kanyang nang pagkalaki-laki hindi dahil sa napo-fall na ako sa kanya bagkus ay nakakaramdam ako sa kanya ng kapayaan. Niyakap ko siya ng mahigpit at binulungan ko siya. "I kill you when you leave me,"  "Wow! Nakakatakot na 'yan aah?" "Dapat lang na matakot ka sa akin dahil hindi kita uurungan," "Sure!" Pinaupo niya akong muli sa higaan ko at kinuha ang dala-dalang pagkain ni Zach sa akin. "Kainin mo na itong binili ng kaibigan mo at mamaya ako na ang bibili ng pagkain mo," nakangiting sambit niya sa akin. "At talagang alagang-alaga mo na ako aah?" "Syempre naman ikaw na ang baby ko ngayon," "So ikaw ang daddy ko? Ano 'to sugardaddy lang?" "Gusto mo ba?" Napatitig ako sa kanyang mga mata sabay tawa ko ng malakas. "Teka nga William baka naman masyado ka ng umaasa sa akin aah? Gusto ko lang sabihin sayo na hindi pa tayo official para mag pa-cute ka ng sobra diyan," "Aaahhh... Ok sige! Ok lang naman sa akin 'yung ganitong set-up," "Mabuti naman at naiintindihan mo ako pero please lang William wag ka ng magdadala ng babae mo sa apartment mo!" "Ikaw na lang ang idadala ko dun para naman maiba." nakangisi niyang sambit sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napangiti sa sinabi niya at kinilig ng bahagya. "Hayy nako! Kumain na nga tayo!" inis na sambit ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin ng pagkalaki-laki kaya mas lalong lumambot ang matigas kong puso. Kumain kaming dalawa na masaya at naging masaya ang mga oras na ito dahil hindi ko naaalala ang mga nangyari kani-kanina lang. Habang masaya ako sa piling ni William ngayon ay umaasa ako na magtuloy-tuloy ang masayang araw na ito at makapag hinga din ako ng maayos. Sa apat na araw ko dito sa ospital ay walang araw na nakatulog ako ng maayos dahil sa mga bangungot na nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD