"Sige na matulog ka na at hahawakan ko lang ang kamay mo para hindi ka nila gambalin,"
"Sigurado ka?"
"Oo naman. Gusto mo ba matulog nalang din ako sa tabi mo?"
"Huh? Gago wag!"
"Bakit naman,"
"Siraulo ka talaga,"
"Tatabi lang naman sayo eeh,"
"Napaka manyak mo talaga Willliam! Sige na matutulog na ako."
Ngumiti siya sa akin at pinahiga ako sa kama.
Paghiga ko sa kama ay agad akong pumikit para matulog at sa pag pikit ng mga mata ko ay mabilis din akong nakatulog.
Kinabukasan.
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at nakita kong nakatulog si William sa tabi ko habang hawak-hawak ang kamay ko.
"Anong oras na?" tanong ko nalang bigla.
Napatingin sa akin si William at ngumiti muli sa akin.
"Gising ka na pala," sambit niya sa akin habang humihikab-hikab.
"Oo kakagising ko lang,"
"Maganda ba ang panaginip mo? May masamang nangyari ba sayo habang tulog ako sa tabi mo?"
"Actually kakagising ko lang din at hindi ko na namalayan ang oras kaya napatanong ako. Walang masamang nangyari sa akin dahil hawak-hawak mo ang kamay ko,"
"Mabuti naman kung ganun. Gutom ka na ba?"
"Medyo,"
"Sige bili lang ako ng pagkain sa labas para pag discharge mo mamaya ay may laman ang tiyan mo. Ok na sayo na pupunta tayo ng albularyo aah? Kailangan natin kasi labanan 'yang masamang espiritu na 'yan para makapamuhay ka na ng maayos," paliwanag niya sa akin.
"Sige na! Ikaw na ang bahala at susunod na lang ako sayo para matapos na ito."
Hinawakan niya ang ulo ko at hinimas niya ito.
"Mabuti naman at naiintindihan mo na ngayon,"
"Blah blah blah blah sige na bumili ka na ng makakain natin at gutom na ako,"
"Ok sige. Saglit lang ako."
Agad na lumabas ng silid ko si William at tumayo ako para maglakad-lakad. Maganda na nga ang pakiramdam ko sapagkat nakakalakad na talaga ako ng maayos at hindi na masakit ang mga paa ko.
Kahit pa magaling na ang mga paa ko ay dahan-dahan pa rin akong naglalakad upang mas malalong mapabuti ang pakiramdam ko.
Tumungo ako sa bintana ng silid ko at inilihis ko ang kurtina upang tingnan ang nasa labas. Pag-lihis ko ay nakita ko agad ang maaliwalas at magandang kapaligiran sa labas.
"Aahh... Mabuti naman at nakita na din kita." sambit ko habang nakangiting nakatingin sa mga taong naglalakad dito.
Habang masaya akong nakatingin sa labas ay bigla nalang nagsalita sa likuran ko si Doc Kim.
"Excited ka na bang umalis?" tanong niya sa akin.
Agad akong lumingon sa kanya at nakangiti akong tumugon.
"Syempre naman Doc! Makakaalis na din ako sa nakakaboring na lugar na ito,"
"Naboring ka talaga?"
"Sobra Doc Kim. Walang magawa dito tapos puro tulog lang ako,"
"Sabagay may point ka diyan sa walang magawa dito dahil minimal lang ang pwedeng gawin dito sa ospital katulad na lang ng pagtulog mo,"
"Hindi din naman ako nakatulog ng maayos Doc,"
"Bakit?"
"Hindi ba nga lagi akong binabangungot?"
"Ooh? Hindi ko alam 'yan. Anong nangyayari sayo?"
"Hindi ko din alam Doc kaya mabuti na lang at nandito si William para samahan ako."
Hinawakan ni Doc Kim ang mga kamay ko at ngumiti sa akin.
"Kapag kailangan mo ng kausap o kasama nandito lang din ako. Alam mo naman 'yung pinag samahan natin 'di ba?"
"Oo naman Doc! Ikaw ang pinaka mabait at maalagang Doctor na nakilala ko,"
"Syempre ikaw na 'yan eeh! Bakit hindi kita aalagaan?"
"Swerte siguro ng mapapangasawa niyo dahil sa sobrang mabait kayo at maalaga,"
"Oo naman swerte ka sa akin."
Hindi ko alam kung bakit bigla akong natawa sa sinabi ni Doc Kim.
"Doc! Alam mo kayong mga lalaki talaga napaka bolero eeh noh? Ang hilig niyo sa mga mabulaklak na salita,"
"Bakit hindi ka ba papayag kapag sabihin kong liligawan kita?"
"Hindi ka ba natu-turn off sa akin Doc? Mag limang araw na akong walang ligo," natatawang tugon ko sa kanya.
"Kahit pa isang linggo kang walang ligo ok lang sa akin. Hindi naman 'yan ang batayan ng pag mamahalan dahil ang tunay na nag mamahal ay walang condition. Hindi mo pwedeng pilitin ang isang taong mag mahal ng tao kung hindi niya talaga gusto,"
"Ano bang nangyayari sa inyong lahat? Bakit parang?"
"Anong parang?"
"Nag coconfess ka ba sa akin?"
"Oo,"
"Bakit?"
"I think this is the best way to confess to you. Alam mo matagal na kitang gusto kaya lagi akong nagawi sa opisina niyo para mag check sa inyo dahil nag papapansin ako sayo pero kahit anong gawin ko hindi mo ako napapansin kaya this time I made my decision na mag brought out na nang feelings ko sayo. I hope tanggapin mo ako."
Nakatingin lang ako kay Doc Kim habang nag coconfess siya sa akin ng pag-ibig niya hindi ko alam kung anong nasa isip niya ngayon kung bakit napaka tapang niyang umamin sa akin ng pag-ibig niya.
Pahikab-hikab akong nag-iisip kung anong itutugon ko sa kanya nang bigla muli siyang nagsalita.
"Kung gusto mo ng proper na ligaw I will give it to you,"
"Nako Doc! Wag ka ng mag abala pa diyan,"
"Bakit? Rejected na ba ako agad?"
"Hindi naman sa ganun. Hmmm bahala ka nga diyan," sambit ko sa kanya habang papabalik ako sa kama ko.
Dahan-dahan muli akong naglakad patungo sa kama ko ng biglang hinawakan ni Doc Kim ang kamay ko.
"Tulungan na kita,"
"Salamat."
Habang papalapit kami sa kama ko ay biglang dumating si William.
"Ooh? Nandyan ka na pala,"
"Oo nag madali akong bumili ng agahan natin para makapag discharge na tayo agad,"
"Tama 'yan gusto ko na ding umalis,"
"Sya nga pala Agatha kung mga documents para sa dischargement mo ay nasa opisina ko pa. Balikan kita ulit siguro pagkatapos niyong kumain para mag papirma sayo,"
"Sige Doc. Maraming salamat!"
"Wala 'yun. Sige na kumain ka na para magkaroon ka pa ng lakas,"
"Sige po."
Ngumiti sa akin si Doc Kim at pagkatapos ay tumalikod na siya para lumabas sa silid ko.
Pagkaalis na pagkaalis ni Doc Kim ay bigla na lang akong tinanong ni William.
"Anong meron sa Doctor na 'yun at ngiting-ngiti sayo?" seryosong tanong niya sa akin.
"Wala naman,"
"Weeh? Baka naman nanliligaw na din sayo 'yan aah?"
"Humihingi siya ng permiso sa akin kung pwede ba siyang manligaw sa akin," nakangisi kong tugon sa kanya.
"Ooh tapos? Anong sinabi mo?"
"Bahala siya,"
"Huh? 'Di ba ako na?"
"Tangek hindi pa nga! Iniisip ko pa kung anong meron sa ating dalawa para alam ko kung anong tamang pakiramdam kapag kasama kita,"
"Grabe! Kagabi lang ang sweet-sweet mo sa akin ngayon hindi mo na alam kung anong pakiramdam kapag kasama mo ako,"
"Sorry na William. Bigyan mo ako ng panahon para mag isip ng mabuti para hindi ako magkamali sa inyo,"
"Ako na ang bahala kung paano ko makukuha ang puso mo sisiguraduhin kong hindi ka na makakaahon pa kapag ako ang minahal mo," nakangiti niyang sambit sa akin.
"So lulunurin mo ako?"
"Oo lulunurin kita ng pag mamahal ko."
Natatawa ako na kinikilig sa sinasabi ni William. Ito pala ang pakiramdam ng pinag aagawan ka 'yung hindi ka makapag isip ng maayos dahil kapag sweet ka sa isa ay may magagalit na isa katulad na lang ni Zach kagabi. Nakita niya kami ni William na nag hahalikan kaya galit siya sa akin ngayon. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano ko kakausapin si Zach tungkol sa nakita niya dahil talagang mainit ang ulo niya sa akin ngayon dahil sa nakita niya sa amin.
Pantay-pantay silang tatlo sa paningin ko. Mga kaibigan na handang tumulong sa akin sa panahon ng pangangailangan ko ngunit bakit ngayon parang kailangan ko ng mamili sa kanila kung sino ang mas matimbang sa akin.
"Bakit kasi sabay-sabay kayong umamin eeh?" inis na sambit ko.
Habang nag iisip ako kung anong gagawin ko sa tatlo ay siya namang busi-busyhan ni William sa paghahanda ng agahan naming dalawa.
"Kung titingnan mo pareho silang tatlo na maasikaso," sambit ko habang nakatingin kay William. "Hayssst! Hindi ko na nga muna iisipin 'to para hindi sumakit ang ulo ko!" inis na sambit ko nalang.
Napatingin sa akin si William sabay tanong habang nag tataka.
"Huh? Anong sinasabi mo?"
"Wala!"
"Galit ka na naman ba?"
"Oo!"
"Bakit?"
"Bakit kasi sabay-sabay kayong dumating sa buhay ko? Hindi tuloy ako makapag isip ng maayos,"
"Sus! Simple lang naman mamili eeh. Sino ba ang nilalaman ng puso mo ngayon? Kapag kasama mo siya anong nararamdaman mo? Kinikilig ka ba o galit ka?"
"Tapos?"
"Mabilis ba ang t***k ng puso mo kapag kasama mo siya at parang gusto ng kumawala ng puso mo sa katawan mo?"
"Ganyan ba ang pakiramdam ng inlove?"
"Oo! At 'yan ang nararamdaman ko ngayon,"
"Bakit? Hindi kita maintindihan,"
"Hindi ko alam Agatha pero bigla ko na lang naramdaman ito. Kapag hindi kita nakikita parang kulang ang araw ko,"
"Alam mo William napaka bolero mo talaga eeh noh? Kaya ang dami-daming babae sa apartment mo eeh!"
"Sabi ko nga sayo i will change kung gugustuhin mo,"
"Mabuti naman at mag babago ka na dahil kung hindi ekis ka sa akin!"
Natawa sa akin si William at tumango-tango na lang.
"Oo hindi kita lolokohin dahil alam ko ang pakiramdam ng niloko,"
"Wow! Big word,"
"Sige na kumain na nga tayo mamaya kung saan na naman mapunta itong usapan na 'to,"
"Takot ka ba sa mga sasabihin ko sayo?"
"Hindi naman,"
"Ooh? Edi hayaan mo akong pagalitan ka at sabihan kung anong tamang gawin dahil kung hindi man kita mapili siguraduhin mo pa rin na magiging mabuting tao ka lalo na sa mga babae. Wag mong iparamdam sila na pang kama lang sila dahil masakit 'yun sa babae,"
"Grabe sa pang kama,"
"Hala! Totoo naman 'di ba? Kaya kung ako sayo umayos ka dahil kapag nakakita ako ng mali sayo ekis ka na agad," masungit na sambit ko sa kanya.
"Oo na madam!"
Iniabot niya sa akin ang lalagyan ng pagkain at inaya na niya akong kumain.
"Kain ka ng madami para may lakas ka at mamaya ay pupunta na tayo sa albularyo para mapaalis na natin 'yang nanggugulo sayo,"
"Oo na!"
"Mabuti naman at nakikinig ka na ngayon,"
"Hindi naman sa lahat ng oras ay ako ang masusunod katulad na rin sa relasyon. Dapat pantay lang kayo ng trato sa isa't-isa walang boss o nakatataas,"
"So mas mataas na ang puntos ko sa kanila?"
"Lagi ka na lang may reply sa sinasabi ko,"
"Syempre paano magkakaroon ng usapan kung hindi kita tutugunan,"
"Sabagay."
Sumubo na ako ng kanin at ulam ko at pagkatapos nito ay hindi na muli kaming nag usap ni William. Tinapos namin ang pagkain ng payapa.
Masaya ako ngayon at walang takot na bumabagabag sa akin dahil sa masaya ako sa piling ni William.