Nagtuloy-tuloy ang magandang pakiramdam ko dahil kahit pa anong gawin ko ngayon ay masaya ang puso ko.
Lumipas ang mga oras at bumalik muli si Doc Kim upang ipa-pirma sa akin ang dokumento para sa dischargement ko.
"Okey! Miss Agatha paki-pirmahan na lang itong mga documents na dala para makadischarge ka na," sambit ni Doc Kim.
"Mabuti naman at lalabas na ako,"
"Hindi na kita makikita ulit,"
"Jusko pwede naman pumunta ka na lang sa office para makita mo ako,"
"Pwede ba?"
"Oo pwede naman kung may gagawin ka doon,"
"Paano kung bibisitahin lang kita?"
"Syempre magpaalam ka muna sa boyfriend ko,"
"Meron na agad?"
"Oo. Kakasagot ko lang kahapon sa kanya,"
"Sino naman 'yan? Akala ko ba ako lang?"
"Hala ka? Nag pipiling ka na aah," natatawang sambit ko sa kanya.
"May I know kung sino siya?"
"Ito ooh!" sambit ko sa kanya sabay akbay kay William.
Nanlaki ang mga mata ni William na nakatingin sa akin.
"Sinasagot mo na ako?" nagtatakang tanong ni William sa akin.
Tumingin ako sa kanya at tinitigan siya ng masama.
"Oo sinasagot na kita,"
"Congrats!" malungkot na sambit ni Doc Kim sa akin.
Nginitian ko lang si Doc Kim at nagpatuloy akong pumirma sa dokumento.
"Tapos ko na pong pirmahan ang lahat ng dapat pirmahan ano pang kailangan kong gawin Doc?"
"Tinagalan mo sana ng kaunti,"
"Tsss..."
Sa mga oras na ito piling ko tuloy sa sarili ko ay napaka ganda ko. Gandang-ganda ako ngayon dahil sa tatlong lalaki na umaaligid sa akin ngayon. Nung una akala ko multo at masasamang elemento lang ang didikit sa akin ngunit ngayon tatlong kalalakihan na ang nag aagawan para sa akin.
Naka ayos na ang lahat ng mga gamit ko at nakabayad na din kami ng bill ko. Dahan-dahan na akong nag lakad palabas ng silid na ito at unti-unti ko na ding natutuwid ang aking mga lakad.
Ika-ika man ang lakad ko ngunit pursigido akong makadiretso upang mabalik na sa normal ang buhay ko.
"Tzk. Tzk. Tzk. Kawawang nilalang lakad pagod na lang," pang aasar sa akin ni William sa akin.
"Ikuha na kita ng wheelchair ayoko kasing mahirapan ka," malambing na sambit ni Doc Kim sa akin.
"Ako na," sambit ni William.
"Sigurado ka?" nakangiting sambit ni Doc Kim sa kanya.
Tinarayan ni William si Doc Kim at madali siyang umalis sa harap naming dalawa. Ilang minuto lang ang lumipas at nakabalik agad si William.
"Upo!" utos niya sa akin habang hingal na hingal.
Hindi ko alam kung bakit umupo ako agad sa wheelchair na dala-dala ni William.
"Nakalimutan kong ibigay sayo ang saklay na gagamitin mo habang hindi pa masyadong nakarecover ang mga paa mo."
Madaling umalis sa harapan ko si Doc Kim at tumungo sa nurse desk para kunin ang saklay na iuuwi ko.
"Ooh heto gamitin mo ito para mapabilis ang pag galing ng mga paa mo," "Sa susunod mag iingat ka na huh! para hindi ka na masaktan ng ganyan,"
"Salamat Doc Kim,"
"Tulungan na kita diyan,"
"Wag na Doc Kim, Kaya ko na naman 'to," sambit ko kay Doc Kim.
"Sige. Wag mo akong kakalimutan tawagan kapag may kailangan ka huh,"
"Sige Doc."
Pinaandar na ni William ang wheelchair ko at tumungo na kami sa entrance ng ospital. Pag labas namin sa ospital ay nakaramdam ako ng init sa katawan ko.
"Sa wakas! Nakita ko na din ang labas!" masaya kong sambit.
"Magiging mas mabuti na ang lagay mo ngayon dahil nakakalanghap ka na muli ng gasolina," natatawang sambit ni William sa akin.
"Oo!" natatawang tugon ko sa kanya.
Agad na pumara ng masasakyan si William at pagkatapos ay sumakay kami agad doon.
"Saan ho ang kayo?" tanong sa amin ng driver.
"Sa Antipolo po," tugon ni William.
"Huh?" nagtatakang tanong ko kay William.
Pinaandar na ng driver ang taxi at umalis na kami sa tapat ng ospital. Habang nasa biyahe kami ni William ay hindi ko mapigilang mag tanong sa kanya.
"Huy saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ba't pupunta tayo sa albularyo?" tugon niya sa akin.
"Ngayon ba 'yun?"
"Oo nga,"
"Ano ba 'yan hindi man lang ako nakapag pahinga ng maayos,"
"Dito ka na sa tabi ko matulog para hindi ka bangungutin,"
"Hayyst! Ang hirap naman nito!" inis na sambit ko sa kanya.
"Hayaan mo na ok lang 'yan,"
"Sige na nga."
Sumandal ako ng bahagya kay William at inilapat ko ang ulo ko sa matigas niyang braso.
"Hindi ka ba naiirita?" tanong ko sa kanya.
"Saan?"
"Sa buhok ko! Ilang araw akong hindi naligo malamang amoy putragis 'yan!"
"Sus! Wala namang bago."
Umalis ako sa pagkakasandal kay William at tumingin ako ng masama sa kanya at pagkatapos ay sinungitan ko siya.
"Grabe! Kung 'yan lang rin naman ang sasabihin mo sa akin eeh wag na akong sasandalan sayo nakakahiya naman kasi!" inis na sambit ko sa kanya.
"Ito naman hindi na naman mabiro! Syempre given naman na hindi ka nakaligo kasi nasa ospital ka ng ilang araw. Ok na 'yun!"
"Akala mo naman hindi ka amoy pawis!"
Agad na inamoy ni William ang kili-kili niya at pinaamoy ito sa akin.
"Bango 'di ba? Sana all!" natatawang sambit niya sa akin.
"Yabang!"
Isinandal ko na muli ang ulo ko sa balikat ni William at ipinikit ko na ang mga mata ko.
"Matutulog ka na?" malungkot na tanong sa akin ni William.
"Mas masarap matulog kaysa makipag kwentuhan sayo!"
"Grabe naman 'to! Sige na nga matulog ka na para may lakas ka mamaya,"
"Ok fine!"
Tumahimik ang kapaligiran at sinimulan ko ng kunin ang antok ko. Ilang minuto lang ang lumipas at nakatulog din ako agad sa tabi ni William.
Walang bago ngayon sa akin parang normal na muli ang buhay ko. Mas mabuti ng wala akong panaginip kaysa naman biglang sumusulpot si Agatha sa panaginip ko.
Lumipas ang ilang oras ay ginising na ako ni William.
"Agatha?" tawag niya sa akin habang niyuyugyog ako.
"Ooh? Inaantok pa ako," inis na tugon ko sa kanya.
"Nandito na tayo."
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at sa pag mulat ko ay nakita ko ang lugar na puro kakahuyan lang at isang napakahabang daanan.
"Mag ayos ka na ng sarili mo at baba na tayo." sambit ni William sa akin.
Agad kong inayos ang sarili ko at pagkatapos ay bumaba na kami sa taxi.
"Ito na 'yun?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa. Sasakay pa tayo ng tricycle," tugon niya sa akin.
"Eeh? Asan ang tricycle?"
"Mag hintay lang tayo ng kaunti,"
"Mag tatakip silim na ooh?"
"Kunting tiis lang at maya-maya ay nandiyan na yung susundo sa atin,"
"Hayyy..."
Umupo muna ako sa malaking bato habang tinitingnan si William na tinitingnan ang kanyang cellphone.
"Teka at tatawagan ko 'yung susundo sa atin,"
"Sige."
Nakaupo lang ako sa malaking bato ng mga oras na ito ng biglang nagsiliparan ang mga kumpol ng mga ibon.
Nag aagaw na ang liwanag at dilim dahil sa matagal-tagal din ang binayahe namin ni William papunta dito.
"Asan na 'yung kausap mo?" inis na tanong ko sa kanya.
"Malapit na daw siya,"
"Pakisabihan naman na bilisan kasi anong oras na ooh?"
"Oo na," 'Ooh ayan na pala siya eeh."
Tumingin ako sa bandang likuran ko at nakita ko ang isang tricycle na papalapit sa amin.
"Magandang hapon po Sir William," bati ng lalaki sa kanya.
"Mabuti at nakadating ka na 'yung kasama ko kasi inip na inip na eeh,"
"Pasensya na po at nag pa gas pa ako sa daan,"
"Ok lang 'yun."
Inabot ng lalaki ang mga bag na dala ko at inilagay ito sa bubong ng kanyang tricycle.
Umupo na ako sa loob ng tricycle at hinintay na pumasok sa loob si William. Pagkatapos na ayusin nila William ang mga gamit namin ay agad din siyang sumakay sa tricycle at tumabi sa akin sa loob.
Pinaandar na ng lalaki ang tricycle niya at humampas agad sa mukha ko ang napakalamig na hangin na nagmumula sa lugar na ito.
"Grabe ang lamig ng hangin!" sambit ko kay William.
"Paano namang hindi malamig eeh probinsya na din ito,"
"Medyo probinsya lang ang ambiance pero hindi pa din,"
"Nakikita mo ba 'yung mga puno na 'yun?" turo sa akin ni William.
"Ooh? Anong meron doon?"
"Doon kita titirahin este doon kita ititira,"
"Napaka dugyot mo talaga!" inis na sambit ko sa kanya.
Pangisi-ngisi lang si William sa akin habang nakatingin sa daan. Mabilis na bumalot ang kadiliman sa lugar kaya gumamit na ng front light ang driver. Palinga-linga ako sa paligid habang tinitingnan ang nag lalakihang puno ng niyog at mga mangga dito.
"Grabe nakakamiss ang ganitong lugar," masayang sambit ko.
"Bakit? Saan ka ba nakatira bukod sa apartment mo?"
"Sa probinsya!"
"Talaga? Saan?"
"Sa Batanes,"
"Wow! Ang ganda diyan aah!"
"Syempre naman!"
"Ooh! Bakit ka napadpad dito sa Maynila?"
"Syempre para mag trabaho,"
"Asan ang pamilya mo?"
"Jusko naman William commonsense naman! Syempre nasa bahay sila,"
"Aaah sa Batanes?"
"Oo! Paulit-ulit tayo dito?"
"May kapatid ka?"
"Meron,"
"Asan siya?"
"Nasa langit na," "Ang dami mo namang tanong!" inis na sambit ko sa kanya.
"Nag tatanong lang naman eeh,"
"Patingin naman ako ng family picture niyo. Kailan mo ako ipapakilala sa pamilya mo?"
"Malabong mangyari 'yang gusto mo,"
"Hindi ba sabi mo nasa langit na kapatid mo? Anong nangyari sa kanya?"
"Ano 'to hot seat? Ang dami mong tanong puro naman walang kwenta,"
"Grabe ka naman sa walang kwenta,"
"Ikaw ba asan ang pamilya mo?" inis na tanong ko sa kanya.
"Nasa States silang lahat,"
"Akala mo huh! Ako naman ang mag tatanong sayo," "Bakit nandito ka?"
"Nandito ako para mambabae este para mahalin ka," malandi niyang sambit sa akin.
"Kadiri ka talaga! Ano nga bakit ka nga nandito?"
"Wala lang boring kasi sa States. Hindi ko magagawa ang mga gusto ko dun kasi nakabantay sila sa akin,"
"Bakit bunso ka ba?"
"Oo bunso ako,"
"Anong work mo pala?"
"Hindi ko kailangan mag trabaho dahil may pinapatakbo akong business dito,"
"Anong klaseng business? Aaah alam ko na!"
"Ano?"
"Gay bar 'yan o strip bar?" pang-aasar ko sa kanya.
"Laman lang ako ng mga bar pero hindi ganyan ang business ko,"
"Eeh ano?"
"Spa,"
"Huh? Spa?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Hindi ba't babae lang ang mahilig mag patakbo niyan?"
"Sinabi ko pang spa lang ang meron doon?" natatawang tugon niya sa akin.
"Ewww! Kadiri ka talaga! Siguro doon mo kinukuha ang mga babae mo?"
"Syempre hindi!" natatawang tugon niya sa akin.
"Ewan ko sayo! Kadiri ka!"
Tawa lang nang tawa sa akin si William parang inaasar talaga ako. Pero honestly hindi ko alam na may business pala siya dito sa Pilipinas akala ko tamang pabigat lang sa lipunan si William may ambag naman pala.
Malayo-layo na din ang tinahak naming daan ngunit hindi pa din kami nakakarating sa paroroonan namin kaya sumandal nalang muli ako sa balikat ni William. Habang nakasandal ako sa kanya ay nagulat na lang ako na hinawakan niya ang kamay ko.