EPISODE 27

1519 Words
"Nako wag masyadong pa sweet at hindi tatalab sa akin 'yan!" pang aasar ko sa kanya. "Sus! Madali ka lang pakiligin masyado ka lang maarte," "Maarte? Talaga ba?" "Hindi pala maarte ang tawag dun. Ano nga 'yun?" "Pa hard to get!" natatawa niyang sambit sa akin. "Syempre anong gusto mong gawin ko? Bumigay agad sa mga pa-sweet mong ginagawa? Nuh hindi pa ako baliw para maging easy girl," "Gagalingan ko na lang manligaw para sa ganun ay makuha na kita," "Siguraduhin mong gagalingan mo dahil kapag hindi bahala ka diyan," "Ako pa ba? Kakayanin ko kahit mahirap," "Naks! Akala mo 'yun? 'Yung playboy na si William mag titiis para sa akin? Wow! Amazing!" pang asar ko sa kanya. "Syempre naman piling ko kasi worth it 'yung pag sa-sacrifice ko kaya itotodo ko na 'to," "Sige ikaw ang bahala basta walang sisihan kapag hindi napagbigyan," natatawang tugon ko sa kanya. "Sige ok lang naman atlist triny ko." Ngumiti lang ako kay William bilang tugon sa kanya at pagkatapos ay tumingin na ako sa paligid. Ngayon ay wala na talagang makitang kung ano man sa daan bukod sa naiilawan sa daan. "Matagal pa ba tayo?" tanong ko kay William. "Hindi ko din alam." Kinalabit ko ang driver at tinanong ko kung malapit na ba kami sa patutunguhan namin. "Kuya? Malapit na ba tayo?" tanong ko sa kanya. "Malapit-lapit na po ma'am kaunting tiis na lang po." Umupo na lang muna ako ng maayos sa pwesto ko at tumingin na lang muli ako sa daan upang mawala ang pagkabagot ko. Lumipas pa ang isang oras ay dumating na kami sa patutunguhan namin. "Nandito na tayo!" sambit ni William sa akin. "Mabuti naman at makapag unat-unat na." Pagtigil na pagtigil ng tricycle ay agad na lumabas si William para ibaba ang mga gamit ko at pagkatapos ay inalalayan niya akong bumababa sa tricycle. "Dyan ka muna sa gilid at aayusin ko lang saglit ang gamit mo para madali nating madala sa loob," "Sige lang." Gumilid lang ako ng bahagya at tiningnan ko lang si William habang kinukuha ang mga gamit ko papasok sa isang kubo-kubo. Mukhang luma na ang kubo-kubo na ito ngunit napakaliwanag pa rin sa labas. Pagkatapos kunin ni William lahat-lahat ng gamit ko ay sinamahan na niya ako papunta sa kubo. Sa labas ng bakod ay mukhang simpleng kubo lang ito ngunit nang pumasok kami sa loob ay napakarami palang tao sa likod.  Lahat sila parang may iba't-ibang sakit na dapat ay ipagamot. Umupo kami ni William sa likuran na pwesto at doon ako nagtanong sa kanya. "Ano ba itong pinuntahan natin?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Kay Mang Taning. Siya ang kilalang albularyo dito sa lugar na ito," "Aaah... Kaya pala ang daming tao," "Hindi lang siya albularyo magaling din siyang manggagamot," sabat ng isang ale sa tabi namin. "Aaaah talaga?" "Oo. Dito kami nag papagamot bukod sa magaling siyang manggamot ay mura pa kaysa sa ospital na hindi naman malunasan ang sakit namin," "Nako Nay hindi lahat ng sakit ay dapat sa albularyo dahil hindi lahat ng sakit magagamot niya," "Totoo ang sinasabi ko. May sakit akong hindi magamot ng ospital noon kaya nung nalaman namin si Mang Taning ay agad kaming pumunta dito para subukin siya at hindi naman kami nagkamali doon dahil gumaling ako sa sakit ko," "Mabuti naman at magaling na kayo ngayon Nay. Kung magaling ka na bakit nandito ka pa?" "Ipapagamot ko naman 'yung anak ko," "Bakit ano pong sakit?" "Sabi nung albularyo sa lugar namin kulam daw," "Totoo ba ang kulam?" "Oo naman!" "Bakit naman po nakulam ang anak niyo?" "Inggit daw sa kanya 'yung nangkulam sa kanya," "Aaahh ganun po ba?" "Ikaw ba? Anong ipapagamot mo?" "Yung a-," putol kong tugon sa kanya ng bigla muli siyang sumingit. "Aah 'yung paa mo? Bakit anong nangyari diyan?" "Na-" "Nalaglag ka? Nako kawawa ka naman. Ingat ka sa susunod para hindi ka maaksidente," sagot niya sa tanong niya. "Maganda ka nga aanga-anga naman," bulong niya. "Ano po 'yun?" inis na tanong ko sa kanya. "W-wala,"  "Sa susunod Manang wag makikipag usap kung ikaw lang rin naman ang makikipag usap sa sarili mo? Mag tatanong ka sa akin tapos ikaw rin ang sasagot? Siraulo ka ba? Sa susunod pati utak mo pagamot mo na!" inis na sambit ko sa kanya. "Aba bastos 'to aah!" sigaw niya sa akin. "Kayo ang bastos manang!"  Ang dami nang sinabi ng matanda sa akin ngunit pinalampas ko na ito dahil init na init na ang ulo ko sa kanya at gusto ko na lang tumahimik kaysa pa makipag sigawan sa kanya. Ilang minuto akong niratrat ng matanda kaya inilayo na ako ni William sa kanya. "Halika na dito sa malayo." pang aaya ni William sa akin.  Lumipat kami ng pwesto na dalawa para maiwas ako sa matanda na 'yun dahil sobrang nakakairita siya. "Akala mo talaga kung makapag salita," inis na sambit ko kay William. "Shhhh... Hayaan mo na matanda na eeh. Ikaw na ang umintindi," "Tsss..." Tumingin na ako sa ibang parte ng lugar para maiba na ang mood ko dahil nag iinit na talaga ang ulo ko sa bunganga nung matanda. Ilang minuto pa ang lumipas ay tinawag na kami ni William. Napaismid ang matanda sa akin at bigla na lang inaway muli ako. "Teka? 'Di ba kakadating niyo lang? Bakit kayo na agad ang tinatawag sa loob?" nakataray na tanong niya sa amin. Hindi ko siya kinibo at patuloy lang kaming nag lakad ni William papasok sa loob. Patuloy lang yung matanda na nag sasalita sa amin ng masasakit ng bigla nalang nag salita sa kanya si William. "Manang para po sa kaalaman mo. Nung nakaraan pa po ako nag pareserve ng slot kay Mang Tasing kaya wala po kaming dinaya sa pila dito. Alam ko pong maraming nag papagamot sa kanya kaya nung una palang nag pareserve na ako tsaka po pakiusap wag niyong baratratin yung girlfriend ko kasi kakagaling lang niyan sa ospital ngayon." masungit na sambit niya sa matanda. Pagkatapos mag salita ni WIilliam sa matanda ay pumasok na kami sa loob ng kubo. Sa labas madaming upuan na nakahilera para sa mga mag papagamot ngunit dito sa loob ng kubo ay walang kaupo-upuan man lang. "Dito tayo uupo sa sahig?" mahinang tanong ko kay William. "Oo," "Huh? Paano ako uupo?" "Edi sumalampak ka sa sahig," "Gago ka ba? Alam mo namang masakit pa mga paa ko tapos sa sahig mo ako papaupuin?" "Kumuha ka nga ng upuan sa labas Toy!" sigaw na lang bigla ni Mang Tasing. Napatingin ako sa kanya at tumahimik na lang. Mabilis na bumalik ang batang inutusan ni Mang Tasing at agad na inabot ang upuan  sa akin. Kinuha ko ito at agad akong umupo rito. "Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin. "Mabuti naman na po ako ngayon," "Alam ko." Napataas ang kilay ko sa kanya sabay masungit na tumugon sa kanya. "Alam niyo na pala bakit pa kayo nag tatanong?" "Bago ka pa tumuntong dito sa kubo ay naramdaman ko na agad ang aura mo. Nakikita ko na ikaw ay masaya ngayon dahil may taong nag bibigay saya sa buhay mo," "Luh? Manong binubuko mo naman ako masyado," "Maganda ang mga susunod na mangyayari sayo kapag maganda ang mood mo kaya iwasan mong mastress sa anumang mga bagay dahil ito ang mag papabalik ng masasamang alaala sayo," "Anong alala manong?" "Ang nakaraan." Hinawakan niya ang mga kamay ko at pumikit siya. Sa pagpikit niya ay nakaramdam ako ng kuryenteng dumadaloy sa katawan ko papunta sa kanya kaya napapabitaw ako sa kanya ngunit hinihigpitan niya ang hawak niya sa akin kaya hindi ako nakakabitaw sa kanya. "Balikan natin ang nakaraan. Ipikit mo ang iyong mga mata at samahan mo akong lakbayin ang iyong mga alala," sambit ng matanda sa akin habang nakapikit ang kanyang mga mata. "Ayoko," tutol ko sa kanya. "Huy! Sumunod ka lang sa kanya para matapos na ito," "Ayoko nga," inis na sambit ko kay William. "Sayang ang biyahe natin dito kung mag mamatigas ka Agatha," "Mali!" biglang sabat ng albularyo. "Anong pong mali?" nagugulang tanong ni William sa kanya. Nakakakutob na ako sa matandang ito kaya pinilit kong bitawan ang mga kamay niya. Malakas at pwesado kong tinanggal ang kamay ko sa kanya dahilan para mapadilat siya ng mata. Pawis na pawis ang matanda at hingal na hingal na nakatingin sa akin. "Wala akong nakikitang masamang espiritu sa kanya," "Po?" tanong ni William sa kanya. "Hindi nababalot ng masamang  espiritu ang babaeng ito," "Kung ganun po anong nangyayari sa kanya?" "Siya mismo ang gumawa ng mga ito dahil siya ang may sala ng lahat!"  "Hindi ko po kayo maintindihan Mang Tasing. Ano pong nakita niyo sa alaala niya?" "Isang karimarimarim na krimen! Lumayas kayong dalawa dito at ayoko nang makita pang muli ang inyong pagmumukha!" sigaw niya sa amin. "Anong nakita niyo Manong? Pakiusap sabihin niyo sa akin," pang mamakaawa ni William sa kanya. "Lumayas na kayo!" sigaw niya sabay tulak sa amin papalabas. Agad na tinulungan ako ni William sa pagtayo sa upuan at inakay ako papalabas ng kubo. Tumingin ako ng masama sa matanda at sabay ngumiti sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD