EPISODE 28

1662 Words
Hindi ko alam kung anong nangyari dun sa matanda at nag wawala pagkatapos hawakan ang mga kamay ko pero hindi ko alam kung bakit napangiti nalang ako bigla sa kanya. "Bakit tayo pinaalis nung manggagamot?" tanong ko kay William. "Hindi ko din alam kung bakit pero hayaan mo na at umuwi na lang tayo alam kong pagod na pagod ka na dahil sa ginawa ko sayo," "Ok lang basta kasama kita," "Sorry talaga Agatha," "Ok lang." Sumakay na muli kami dun sa tricycle na sinakyan namin kanina papunta dito pagkatapos nito ay bumalik na kami sa syudad para doon naman sumakay ng taxi pauwi sa apartment namin. Habang nasa taxi kami ni William ay hindi niya mapigilan na mag tanong sa akin kung anong nangyari sa aming dalawa nung matanda. "Anong nangyari sa inyo nung matanda? Bakit nagalit siya sayo?" tanong niya sa akin. "Malay ko dun kung bakit naging ganun 'yun," "Ano bang meron sa nakaraan mo? Bakit ganun na lang ang galit niya?" "Hindi ko nga alam William," "Pwede ko bang malaman ang kwento ng buhay mo?" "Paano kung ayoko?" "May tinatago ka ba sa akin?" "Paano kung sabihin ko sayong oo?" "Akala ko ba tayo na? Bakit hindi mo sabihin sa akin ang buhay mo?" "Ayoko. William kahit kaunti naman bigyan mo ako ng privacy," "Ok sige. Ibibigay ko ang privacy na sinasabi mo. Pag uwi natin sa apartment ibibigay ko ang kalayaan na gusto mo," "Akala mo naman talaga mag syota na tayo kung makaasta ka? Hayaan mo hindi na ulit kita gagambalain!" inis na sambit ko sa kanya. Hindi ako tinugunan ni William at natulog nalang siya sa kabilang gilid ng taxi. Gumilid din ako sa kabilang bahagi nito para iparamdam sa kanya na kaya kong mag isa. Lumipas ang mga oras ngunit wala pa rin kaming pansinan ni William hanggang sa makarating na kami sa apartment. Pag hinto ng taxi sa apartment namin ay agad kong binuksan ang pinto ng taxi at dahan-dahan akong lumabas ng kotse at iniwan ko si William na masarap ang tulog sa loob. Hindi ko siya nilingon ni isang lingon man lang dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon sa kanya. "Bahala ka sa buhay mo!" inis na sambit ko habang paika-ikang naglalakad papasok sa loob. Naglakad lang ako papalayo kay William hanggang sa may malakas na sigaw mula sa likod ko. Napatingin ako agad dito at nakita ko si William na masama ang tingin sa akin. "Talagang ganyan ka Agatha!" inis na sambit niya sa akin habang papalapit sa akin. Hinintay ko siya na makarating sa akin ngunit ng makarating siya sa lugar kung nasaan ako ay iniwanan niya din ako. "Hoy!" sigaw ko sa kanya. Ngunit hindi niya ako pinansin at dire-diretso lang siya sa paglalakad niya papalayo sa akin. Tiningnan ko lang si William hanggang sa makarating siya sa pintuan ng apartment ko at sabay baba ng mga gamit ko. "Tsss... Akala mo naman hahabulin kita!" inis na sambit ko. Naglakad na muli ako patungo sa apartment ko at dahil sa bagal ng aking lakad ay umabot ako ng ilang minuto bago ako makapunta sa pinto ng apartment ko. Pagod na pagod ako ng makarating ako dito. Pagdating ko sa pinto ay agad ko kinuha ang susi sa bag ko at binuksan ko ang pinto pagkatapos ay ipinasok ko isa-isa ang mga gamit ko at tsaka ay humiga ako sa sofa para mag pahinga. "It's good to be back!" masaya kong sambit. Madaling araw na ng mga oras na ito kaya mararamdaman mo na ang malamig na hangin na umiihip sa loob ng apartment ko. Humiga na ako ng maayos nang maipinahinga ko na ang katawan ko dahil sa haba ng binayahe namin papunta at pabalik mula antipolo. Paghiga ko ay mabilis lang din akong nakatulog. Kinabukasan. Tumayo ako sa kinahihigaan ko at umunat ng katawan ko. "Grabe bumalik na ako sa dati!" nakangiting sambit ko. Naglakad-lakad ako para ma-exercise ang mga paa at sobrang tuwa ko lang dahil hindi na siya masakit kagaya kahapon. Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita ko ito na madaming missed call galing kay ma'am Angela. "Bakit ang daming tawag nito?" tanong ko na lang bigla. Binuksan ko ang mga mensahe niya. "Kumusta ka na girl? Nakalabas ka na pala ng ospital kahapon hindi mo man lang ako sinabihan para nahatid din kita sa bahay mo."  Agad ko siyang tinawagan ng mabasa ko ang text niya sa akin. Tumunog na ang cellphone niya at sinagod naman niya ito. "Ooh? Bakit mo naman ako tinadtad ng tawag at text?" "Ito na nga girl! Kamusta ka?" "Mabuti na ang pakiramdam ko kaya sa susunod na araw ay papasok na ako," "Wag ka na muna pumasok teh! Jusko naman ngayon ka na nga lang nag leave sa trabaho papasok ka pa agad?" "Boring dito sa bahay walang kausap!" "Asan na 'yung jowa mong si Papa William?" pang aasar niya sa akin. "Jowa ka diyan! Hindi ko jowa 'yun!" "Sus! Kahit nakita kayo ni Zach na nag hahalikan na dalawa?" "Sinabi niya sa inyo?" "Sa akin lang," "Napaka chismosa talaga ng lalaking 'yan," "Dalawin mo ako dito sa bahay para naman may kausap ako," "Asan nga si Papa William?" "Nag away kaming dalawa kagabi at sinabi ko sa kanya na wag na niya akong guluhin pa," "Ayy bakit? Anong nangyari sa inyong dalawa?" "Galing kaming albularyo kahapon tapos nagalit yung albularyo sa akin bigla at tinaboy kaming dalawa," "Ano bang ginawa mo bakit nagalit 'yung albularyo sayo?" "Wala naman. Binasa niya lang palad ko tapos nabaliw na," "Baka may nabasa siyang kakaiba Agatha hala ka," "Ano namang mababasa niya sa akin?" "Malay ko? Ikaw lang ang nakakaalam niyan," "Hayy nako! Wala namang problema sa akin. Sige na at mag luluto na ako ng makakain ko," "Ok bye!" Pinatay ko na ang tawag ko kay Angela at tumungo na ako sa kusina para maghanap ng makakain. Binuksan ko ang ref ko at pagkita ko dito ay walang kalaman-laman ito kahit tubig man lang kaya binuksan ko nalang ang cabinet at naghanap ng instant noodles na pwede kong lutuin ngunit pagbukas ko ng cabinet ay wala ring maluluto. "Wala man lang makain dito!" inis na sambit ko. Habang nag mumuryot ako sa upuan ay biglang nag ring ang doorbell ng bahay ko kaya binuksan ko ito. Pag bukas ko ng pinto ay nakita ko si William na may dala-dalang mga plastik. Dire-diretso lang siyang pumasok sa loob habang buhat-buhat ang mga dala niyang plastik. Inilagay niya ang plastik sa la mesa at agad na inilabas ang mga pagkain binili niya sa grocery. Seryoso siya sa ginagawa niya at hindi ako pinapansin kahit pa nasa harapan ko na siya.  Bago niya nilagyan ng mga pagkain ang ref ko ay nilinisan niya muna ito at pagkatapos ay isinaksak ang switch para gumana muli. Ang mga noodles at mga de lata ay inilagay niya sa cabinet upang sa oras ng pangangailangan ay may makukuha ako. Siguro mga anim na plastik na puno ang dala-dala ni William. Di tulad ng dati ang ref ko ngayon ay hitik sa laman na punong-puno ang ref ko ng pagkain at ang la mesa ko naman ay punong-puno rin ng mga prutas. Hindi ko alam kung paano ko pasasalamatan si William ngayon dahil sa ginawa niya sa akin dahil kahit pa sobrang sungit ko sa kanya ay nakuha pa rin niya akong tulungan. Akala ko pagkatapos niyang mag lahat ng pagkain sa ref at cabinet ko ay matatapos na siya ngunit nagulat pa ako na ipinagluto pa niya ako ng agahan ko. "W-william?" nahihiyang tawag ko sa kanya. Tumingin lang siya sa akin at pagkatapos ay itinuloy na ang pagluluto niya. "Sorry." malungkot na sambit ko sa kanya. Biglang natigilan sa pagluluto si William at tumingin muli sa akin. "Para saan?" "Kagabi," "Hayaan mo na 'yun lumipas na 'yun," "Pasensya ka na kung nagalit ako sayo kagabi ayoko lang kasi ungkatin pa ang nakaraan ko dahil mas magiging worst lang ang lahat," "Ok lang. Bibigyan na lang kita ng privacy para hindi ka na magalit," "Hayaan mo sa susunod sasabihin ko din sayo kung anong meron sa nakaraan pero sana ngayon maintindihan mo muna ako kung bakit ayaw kong sabihin ito sayo," "Naiintindihan ko." Lumapit ako sa kanya ng sobrang lapit at niyakap ko na lang siya bigla. Ibinaba ni William ang sandok at niyakap din ako ng mahigpit. "Sorry," malambing na sambit ko sa kanya. "It's ok! I understand," "How can I make up with you?" "Wala kang dapat gawin basta gusto ko lang na maging mabuti ang lagay mo." Sobrang plain lang ng sagot niya sa akin dahil ramdam ko ito kaya tumingin ako sa mga mata niya at hinalikan ko siya sa kanyang labi. Nagulat si William sa ginaya ko kaya bigla siyang umiwas sa akin at tumingin nalang sa niluluto niya. "Ayaw mo ba?" "Hindi naman sa ganun," "Then kiss me back!" "Masusunog ang niluluto ko," "May oras para diyan," "Saglit lang 'to at hintayin mo akong matapos," "I can't want anymore!" "Then." Pinatay niya ang stove at binuhat ako. Hinalikan niya ako sa aking labi ng sobrang diin habang niyayapos ang likuran ko. Sarap na sarap ako sa yapos niya sa akin at ramdam na ramdam ko ang intimacy dahil sa naglalagkit na tingin niya sa akin. Hinalikan niya pa ako ng mas madiin habang pilit na inaangkin ang buong labi ko. Inilabas niya ang kanyang dila hanggang sa nilaro-laro niya ang dila ko sa loob. "Urgh!" bigla ko na lang nasambit. Pangiti-ngiti ako nito kay William habang sarap na sarap sa ginagawa niya sa akin ng bigla niyang tinanggal ang pang itaas na damit ko. Nagulat ako sa ginawa niya sa akin kaya bigla akong natigilan sa ginagawa naming dalawa. "Not now," bigla kong sambit sa kanya. "Ok." Hinalikan akong muli ni William sa aking labi at pagkatapos ay ibinababa na niya ako sa sofa upang doon ako maghintay sa kanya pagkatapos niyang magluto at maghain ng pagkain naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD