Lumipas ang ilang minuto ay natapos na ding magluto ng agahan si William. Dinala nalang niya ang mga pagkain sa sala upang hindi na ako tumayo pa sa upuan at maglakad.
"Hindi mo naman ako sinabihan na marunong ka palang magluto," nakangiting sambit ko sa kanya.
"Kailangan bang sabihin ko pa ito sayo kung pwede ko naman ipakita sayo,"
"Masyado ka talang pa-fall,"
"Bakit nahuhulog ka na ba? Wag kang mag alala sasaluhin kita,"
"Ewan ko sayo!" sambit ko sa kanya habang kinikilig.
Kukunin ko na sana ang plato sa tapat ko ngunit bigla itong kinuha ni William at sinandukan ako ng pagkain.
"Wag masyadong maraming kanin," sambit ko sa kanya.
"Huh?" gulat na tanong niya sa akin.
"Sabi ko kaunting rice lang,"
"Bakit? Sayo ba 'to?"
"Hala? Gago? Seryoso?"
"Bakit? Akala mo ba sasandukan kita?"
Tinitigan ko ng masama si William sabay ngiti niya sa akin.
"Joke lang! para sayo talaga 'to," nakangiting sambit niya sa akin.
"Talagang pinag titripan mo ako aah?"
"Ito naman biro lang eeh! Anong gusto ng mahal ko? Hotdog ko este hotdog, cornbeef o bacon?"
"Mahal pa nga! Ayoko ng hotdog mo panis na 'yan eeh!"
"Baka? Isubo mo muna para malaman mo,"
"Kadiri ka talaga!"
"Sige na kumakain ka na mamaya kung saan pa mapunta ang usapan natin dito,"
"Mabuti pa nga. Mamaya mawalan na ako ng gana kumain nito."
Natawa lang sa akin si William at kumuha nalang ng mauulam ko at pagkatapos niya ako pagsilbihan ay kumuha na din siya ng pagkain niya at kumain na kaming dalawa.
Wala akong ginawa ngayon kung hindi ang umupo at humilata sa kama dahil si William na ang bahala sa lahat.
Habang nakatingin ako kay William na naghuhugas sa kusina ay bigla na lang siyang umalis at lumabas ng pinto.
Nakatingin lang ako sa kanya nito ng umalis siya sa bahay hanggang sa bumalik siya.
"Saan ka pumunta?" tanong ko.
"Kinuha ko lang 'yung flash disk ko para hindi ka mukhang kawawa diyan na nanunuod sa akin,"
"Grabe ka naman sa kawawa pero infairness huh! Hindi ka lang marunong magluto ng pagkain marunong ka ring mag linis ng bahay,"
"Anong akala mo sa akin dugyot sa apartment ko?"
"Well, Hindi ko masasabi 'yan dahil hindi pa ako nakakapasok sa apartment mo,"
"Kung gusto mo doon ka matulog mamayang gabi may aircon ako sa kwarto ko,"
"So?"
"Kung gusto mo lang naman hindi naman kita pipilitin,"
"Pag isipan ko."
Binuksan ni William ang tv ko at pinasak sa likuran ang flash disk.
"Ooh mamili ka ng gusto mong palabas para hindi ka mabagot diyan," sambit niya sa akin habang inaabot ang remote sa akin.
"Ok sige."
Inabot ko agad ang remote sa kanya at namili ako ng mga palabas na nakalagay doon.
Kung hindi horror ang nakalagay dito romance naman. Hindi ko alam kung manunuod pa ako sa mga ka-kornihan na palabas ni William o matutulog na ako.
"Wala ka na bang ibang palabas bukod sa romance at horror?" tanong ko sa kanya.
"Ayaw mo ba ng romance?"
"Hindi ko kasi trip ang mga ganitong genre,"
"Kung ayaw mo niyang mag horror ka na lang,"
"Horror? Mamaya mabaliw-baliw na naman ako dito,"
"Edi ako na mamaya ang mamimili ng palabas meron pa ako diyan na ibang palabas hanapin ko pagkatapos kong mag-lampaso ng sahig,"
"Ok sige hintayin kita."
Sinimulan na ni William kunin ang mop sa banyo upang mag lampaso ng sahig. Nakangiti lang akong nakatingin sa kanya dahil sobrang natutuwa ako sa effort niya sa akin.
"Masarap ka sigurong maging asawa?" bigla kong sambit sa kanya.
"Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan," nakangiting tugon niya sa akin.
"Sus! Sige na maglinis ka na diyan,"
"Ok!"
Itinuon na niya ang atensyon niya sa paglalampaso at pagkalipas ng ilang minuto ay natapos din siyang mag linis ng bahay ko.
"Uwi muna ako sa bahay para maligo nakakahiyang tumabi sayo amoy pawis na ako,"
"Sige! Maliligo din ako,"
"Kailangan mo ng damit?"
"Hindi na kaya ko na 'to,"
"Sigurado ka?"
"Oo naman! Nasa bag lang naman gamit ko,"
"Sige. Una na ako tapos balik din ako agad,"
"Ok sige!"
Umalis na sa harapan ko si William at lumabas na siya ng apartment ko. Tumayo na din ako sa kinauupuan ko para kunin ang mga damit na susuotin ko at pagkatapos ay pumasok na din ako sa kasilyas para maligo.
"Sa wakas! Makakaligo din ako makalipas ang isang linggo!" masaya kong sambit.
Binuksan ko na ang poso at nilagyan ko ng tubig ang timba. Pagkatapos nito ay binasa ko na ang katawan ko at nagsimula na akong magsabon ng katawan ko.
Dahil sa sobrang tagal kong hindi nakaligo ay may amoy na din ako sa katawan na hindi kanais-nais kaya ibinabad ko ang katawan ko sa sabon at nag simula akong magkuskos ng katawan ko gamit ang sponge.
Pagkatapos kong magsabon ay hindi pa ako nasiyahan dito kaya nagkuskos pa muli ako ng katawan ko gamit ang batong panghilod.
"Yuck!" nandidiring sambit ko habang tinitingnan ang mga itim-itim na nakuskos ko sa katawan ko.
Hiyang-hiya ako sa sarili ko ngayon dahil sa dumi na nakuha ko sa katawan ko.
"Nakaka turn-off 'yung libag ko sa katawan buti na lang at hindi nag reklamo sa akin si William." sambit ko na lang.
Habang naliligo ako ay biglang bumukas ang pintuan ng apartment ko kaya tinawag ko agad ang pangalan ni William.
"William?" tawag ko habang pinapakinggan ang labas.
Walang sumagot sa tawag ko kaya nag kibit balikat na lang ako at ipinag patuloy ang pagligo. Pagkatapos kong magkuskos ng katawan ay hindi pa rin ako na-satisfy kaya kinuha ko ang body scrub ko at nag scrub muli ako ng katawan at sunod nito ay binabaran ko ng sabon ang katawan ko habang nag sha-shampoo ako ng buhok ko.
Sa unang gamit ko ng shampoo ay hindi ito bumula sa buhok ko kaya binanlawan ko ito at naglagay muli.
Dahil sa tagal kong hindi nakaligo ay naglangis na ang buhok ko at kumapal na ang buhok sa hita at kili-kili ko.
Kalahating minuto na ang lumipas buhat nang naligo ako at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tapos sa seremonya ko. Kinuha ko ang shaving cream at razor ko sa cabinet para naman mag tanggal ng mga unwanted hairs sa katawan ko.
"Tanggalin ko din kaya itong sa baba ko?" pilyang tanong ko sa sarili ko.
Hindi man ako sanay na nag aahit sa pribadong parte ng katawan ko ay naahit ko ito ngayon dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Habang abalang-abala ako sa sarili ko ay may kumatok na lang bigla sa pinto ng banyo.
"Ooh!" sigaw ko.
Wala muling sumagot sa tawag ko kaya hindi ko na lang ito pinansin hanggang sa kumatok ito muli.
"Bakit ba!" inis na sigaw ko.
Tumigil ang pangangatok sa pintuan ko kaya tinapos ko na ang dapat kong tapusin ng biglang kumalabog sa pinto ko. Nagulat ako sa kalabog na ito kaya nasugatan ko ng bahagya ang pisnge ng ari ko at dali-dali kong binuksan ang pinto sabay sigaw ng malakas.
"Ano bang problema mo William at katok ka ng katok!" sigaw ko habang pasilip sa labas.
Nagulat ako at nanlaki ang mga mata ko ng pag silip ko ay wala akong nakitang katao-tao sa labas kaya madali kong sinara muli ang pinto ng banyo at gumawa na lang ako ng ingay para hindi ako matakot.
Kumanta ako kahit pa wala ako sa tono at nilakasan ko pa ito para mabawi ang takot na nararamdaman ko ngayon.
Tumindig ang balihibo ko sa katawan ng tumama sa akin ang isang napaka lamig na hangin kaya nag madali na ako sa ginagawa ko at nag banlaw na ako ng katawan ko.
"Asan ka na ba William? Bakit ang tagal-tagal mong dumating!" inis na sambit ko.
Pagkatapos kong mag banlaw ay agad akong nagpunas ng katawan ko at nagsuot ng panloob kong damit.
"Bahala na! Sa labas na lang ako mag bibihis para makita ko agad ang pag dating ni William." sambit ko sa sarili ko.
Lumabas na ako sa banyo ng naka panty at bra lang ng bigla akong nagulat sa nakita ko.
Nasa sala si William kasama si Ma'am Angela pare-pareho kaming tatlo na nagulat sa isa't-isa kaya nag madali akong pumasok muli sa banyo para doon na mag bihis ng tuluyan.
"Punyeta talaga! Bakit nandoon sila sa sala? Akala ko ba walang tao sa labas?" inis na sambit ko.
Sobrang hiyang-hiya ako ngayon dahil nakita nila akong naka undies lang lalo na kay William na gulat na nakatingin sa akin.
Habang nag susuot ako ng damit ko ay biglang may kumatok sa pintuan ko.
"Ooh?" inis na tanong ko.
"Anong ginagawa mo?" natatawang tanong ni Ma'am Angela sa akin.
"Hindi ko alam na nandyan kayong dalawa kaya lumabas ako ng banyo para mag bihis sa labas,"
"Nakita na namin kaluluwa mo!"
"Heh! Manahimik ka diyan!"
Natawa ng malakas si Ma'am Angela kaya napabilis ang pagbihis ko ng damit ko at lumabas na ako agad ng banyo.
"Bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya paglabas ko ng banyo.
"Aalis na ba ako? Mukhang nakakaistorbo ako sa inyo aah?"
"H-hindi kasi naman eeh! Bakit biglang ganun!" nahihiyang sambit ko.
"Ok lang 'yan maganda nga katawan mo eeh may curve,"
"Sus! Nahihiya tuloy akong lumapit ngayon kay William,"
"Ano ka ba? Ok lang 'yan mag jowa naman na kayong dalawa,"
"Hindi ko pa sinasagot. Anyway kumusta si Zach?"
"Ok naman siya wala namang nag bago sa kanya,"
"Aaah... Mabuti naman kung ganun,"
"May dala akong pagkain tara kainin na natin 'yun bago pa lumamig,"
"Salamat ma'am Angela."
Tumungo na kami sa salang dalawa para samahan si William. Hindi ko agad pinansin si William dahil nahihiya ako sa kanya.
"Umorder ako ng pizza para may dagdag tayong pagkain," sambit ni William sa amin.
"Wow! May pa pizza!" nakangiting sambit ni ma'am Angela sa kanya.
"Anong flavor ng frappe mo ms. Angela?"
"Dark Chocolate,"
"Ok."
Tumayo si William sa kinauupuan niya at kinuha ang cellphone niya para umorder ng inumin. Ilang minuto lang ang lumipas at dumating na lahat ng inorder niyang pagkain mula pa sa iba't-ibang mga store.
"Kain lang kayong dalawa diyan," sambit niya sa amin.
"Ikaw ba?"
"Sige lang busog pa ako,"
"Kakain ka o magagalit ako sayo?"
Umupo agad si William sa tabi ko at kumuha ng isang hiwa ng pizza.
"Sabi ko nga eeh kakain na din ako para tatlo tayo."
Humagalpak ng tawa si Ma'am Angela kay William sabay tukso sa kanya.
"Under ka pala eeh!"
"Mamaya mag ta-top ako ms. Angela."
Nanlaki ang mga mata ni ma'am Angela at kumindat-kindat sa akin.
"Hoy! Mali 'yang nasa isip mo!"
"Luh? Wala naman akong sinasabi aah,"
"Alam ko meaning ng mga kindat na 'yan!"
Tatawa-tawa lang si ma'am Angela hanggang sa nag play na ng palabas si William.
"Comedy na lang panuorin natin para hindi ka maboring,"
"Mabuti."
Ngumiti ako kay William at itinuon ko na ang atensyon ko sa tv para manuod ng palabas.