Prologue
Raven,
I know when I broke their hearts, I broke yours too..
Sorry for everything, but please don't give up on them?
x
...
Doc, what's your saddest goodbye?
He didn't answer that question from his patient, kahit na may tao na sumagi sa kanyang isip noong oras na iyon, ngiti lamang ang kanyang sagot. Ang totoo kasi, hanggang ngayon, hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na maayos pa rin ang bagay na nasira na kahit halos sampung taon na ang nakakaraan. Kay bilis pala? Nakakapang hinayang lamang dahil noong mga bata pa sila, sabay sabay silang nangangarap, kahit madalas doon sa lokohan lamang nauuwi ang kanilang usapan.
"Robin, what's your dream?" tanong niya sa kanyang pinakapilyong kapatid, they were eleven that time, nandoon sila sa tree house , dala ang laptop ni Ravin, Robin's idea. He told them that they will watch a very very good film. Sa ngisi nito, duda na siya doon.
"My dream? Syempre I will marry a very very beautiful and sexy lady, then we will make love all night, ganoon!" hinampas niya ito sa braso. Si Ravin naman ay tawa nang tawa habang binabato si Robin ng pop corn na pinaluto nila sa kasambahay. Their parents are out so malakas ang loob nila.
"Malibog ka talaga, yung seryoso nga. " Pilit niya sa mga ito. "Ako I want to be a doctor, gusto kung magpagaling ng mga pasyente."
"Of course moron, kaya nga doctor diba? Alangan naman bigyan mo ng sakit ang pasyente?" pang-aasar ni Ravin sabay apir kay Robin. Sige lamang na nagtawa ang dalawa, tanggap niya naman na madalas syang pagtulungan ng mga ito...feeling niya nga minsan hindi siya belong e, na extra lamang siya, pero triplets nga sila, kahit medyo magkakaiba ang histura nila , pare-parehas naman silang guwapo. Magpapasenya na lamang siya, total sabi naman ng mommy niya, mukhang siya daw ang panganay dahil mas matured at mas mabait siya kaysa sa dalawa. That was a compliment from their mother so he will just accept that his brothers have tiny brains.
"Seryoso kasi." Giit niya para sa kanya, mahalaga na ang bagay na iyon sa kanilang edad.
"I want to be a professional basketball player! Tapos Rookie ,MVP ako sa unang taon ko, just like Benjie Paras." Sagot ni Robin, no doubt about that he loves basketall yun nga lamang minsan mainit maglaro, kaya ayaw niyang kalaro ito. Manonood lamang ang gusto niya para kapag napasabak sa g**o siya ang taga -awat.
"Sama nyo talagang dalawa, so that means ako lamang ang mag tatake over ng business?" si Ravin. Well he trust his brother Ravin, sa kanilang tatlo ito lamang ang may potensyal kagaya ng kanilang daddy. Magaling kasi ang leadership skills nito at matalino rin. Robin's smart but lazy smart, kahit alam niya ang homework ay hindi nito gagawin or ipapagawa sa isa sa kanila ni Ravin. He said ayaw niya raw ilabas ang katalinuhan niya dahil ayaw niyang nasa isang section silang tatlo. He prefer lower section.
Just like he said he's totally diferrent.
"Ah..ahh, that feels so good, Come to me faster!" ungol ng babae ang kanyang naririnig, galing iyon sa nakabukas na laptop at tutok na tutok ang kanyang dalawang kapatid.
"Patayin nyo nga iyan!" hindi sila dapat nanonood ng ganoon!
"Oh shutpup Rave, I enjoy mo na lamang!" si Robin iyon, na hindi man lamang magawang tumingin sa kanya. Nagkasundo na nga ang dalawa. Tumalikod siya sa mga ito.
"Sina mommy!" sigaw niya sa dalawa.
"Shut up, gabi na sila makakauwi." Si Ravin iyon, totally ignoring what he said. Ang lakas pa ng sound ng pinapanood kaya alam iyang dinig sa baba. Kagat niya ang kanyang labi habang paakyat ang kanilang mommy Candice. She didn't look happy at all, nakumpirma ang kalokohan nila nang makita nito ang pinapanood ng dalawa. Inagawanito ang laptop, ang lakas ng protesta ng dalawa thinking it was him pero para namang nabuhusan ng malamig na tubig ng makita na amh mommy nila ang siyang kumuha at nagtapon sa laptop sa labas.
"Mommy!"
Ang kawawang laptop, nawasak ng ganoon ganoon na lamang.
"Ma'am, ito na po iyong pinapakuha ninyong mga monggo." Hindi niya alam kung para saan iyon, nakaluhod kasi silang tatlo sa living room habang nakataas ang kamay. Maging siya ay nadamay din sa galit ng kanilang mommy, ang kanilang daddy ay nasa gilid lamang nito. Hindi niya alam kung naawa ito o natatawa sa kanila.
"Stand up boys."
Tumayo silang lahat, tuwang- tuwa dahil sa wakas tapos na ang parusa, mga thirty minutes din silang nakaluhod sa semento.
"Sorry mommy, it won't happen again!" si Robin ang nauna saka humalik sa pisngi ng mommy nila na hindi naman sumasagot.
"Sinong nagsabi sa inyong tapos na?" sinenyasan ng mommy nila ang isang kasambahay, naglatag ito ng kumot sa lapag...matapos noon ay kinalat ng mommy nila ang monggo saka sila inutusan muli na lumuhod.
"Mommy?!" protesta nilang tatlo, kaya lamang ay wala silang magawa kung hindi tanggapin ang parusa ni Attorney. Tumingin sila sa daddy nila para mag magmkaawa na iligtas sila sa parusa.
"Candice, masyado naman yata iyang parusa mo, kawawa naman ang mga bata." Lalo pa silang nag paawa sa kanilang daddy, hindi naman din kasi sila matiis nito.
"Ren, your kids were watching p**n! Sa tingin mo palalampasin ko iyon?!" nakikita nilang tatlo ang pag-usok ng ilong ng kanilang mommy. Handang kumain talaga ng tao si Attorney.
"Pero-"
"Ikaw ba noong twelve ka nanood ka na ng p**n?"
"Uy, hindi ah! Grabe siya manghusga." Depensa ng kanyang daddy...talo na sila, ang mga kasambahay ay natatawa na lamang sa gilid, he can't blame them , nakakahiya kaya ang ginawa nilang tatlo... well yung dalawa lang pala, pero since triplets sila, damay pati siya...sad life...
Pero tuwing maalala niya ang mga kalokohan na iyon...binabawi niya na ang sinabi niya noon, it was the happiest moments of his life, yung buo silang tatlo, sa hirap at ginhawa, sa kalokohan o kahalayan man..
"Raven, this is Heaven Marie my girlfriend." Mag-sisixteen na sila noon nang lumandi na ng tuluyan si Robin, ipinakilala sa kaniya ang girlfriend nitong si Heaven Marie, she's beautiful and kind.
"Anong pinakain sa'yo ng kapatid ko? Bakit pumatol ka sa kanya?" nainis sa kanya si Robin habang tawa lamang ng tawa ang girlfriend nito... as he looks at them, total opposite talaga, pero nakita niya ang pagbabago kay Robin, nabawasan ang pagiging pilyo nito, mas naging responsible, naging focus sa pag-aaral, kaya pala , may pinapa -impressan.
"Hindi ka pumapasok sa school?"
"Hindi, home schooled ako." Sagot nito.
"Bakit?" tanong niya, pero hindi na nasagot dahil tinanong ni Robin kung bakit wala si Ravin.
"May tinatapos pa daw sa club nila si president."
"Tignan mo iyon, hindi niya makikila si Heaven Marie... hindi bale, may next time pa naman." Oo nga naman... ilang beses din na postpone ang pagkikita ni Heaven Marie and Ravin, pero sana pala hindi na lamang nangyari iyon.
"Are you insane? Anong sinasabi mo na gusto mo ang girlfriend ni Robin!" gusto niyang sakalin si Ravin, he confronted him dahil nahalata nya, iba ang kanyang tingin kay Heaven Marie. He knew it. Nahuhulog din ang loob ng kapatid niya sa babae na dapat off limits.
"What can I do? I love her too. Pwede pa naman diba? Magbabago pa ang feelings niya, I'm better than Robin!" his crazy brother insisted. Ganoon nga talaga siguro...kapag masyadong matalino , nagiging bobo sa pag-ibig...at ang kabobohan ni Ravin na iyon ang nagdala sa kanilang posisyon ngayon.
"Hi Tito." Pumasok si Sora sa kanyang silid, he's about to leave, nilalagay niya na lamang ang mga damit na dadalhin niya sa hospital.
"Hi Sora." He greeted back, she really looks like her mother, ang ngiti , ang buhok , ang kulay.. good things she's healthier, salamat sa Diyos.
"Ni-congratulate mo na si tito Robin?"
"Bakit?" He joked, sumimangot ito.
"Bad ka tito, he won yesterday, dapat ni congratulate mo siya, kung alam ko lamang ang number ni tito, I will call him. I will congratulate but sadly I don't know his phone number. I only see him in tv."
"Busy kasi siya." that's all he can say...masasabi niya ba rito na hindi nito makikita ang taong ayaw magpakita? Magulang nga nila hirap na hirap abutin ito...ito pa kaya na siyang bunga ng pagkabigo ng kanilang bunso?
"Bakit lagi ganyan ang sagot mo? May time siya for different interviews pero wala siyang time para umuwi sa house, now I start to wonder why."
Eventually malalaman din nito...pero hindi pa sila handa ngayon para sabihin dito. She's too young for that.
"Baka magkita kami, I will told him that you said congratulations." Sabi niya dito, mabilis namang gumanda ang mood nito.
"Really and also told him that I am proud of him, sabi ko nga sa mga classmates ko that he is my tito and they said that he is supercool. Walang nambubully sa akin sa school kasi boxing champ ang tito ko, they are all afraid of him, tapos yung mga teachers naman, they said he is so hot, tito what's that mean?" Natatawa na lamang siyang tinapik ang ulo nito.
Sinamahan siya nito pagbaba, nakaabang naman doon ang kanyang mommy, hinatid siya nito hanggang sa kotse.
"Nagka-usap na ba kayo?"
"Hindi pa mommy." Hindi niya kayang sabihin na kahit tawag niya ay hindi sinasagot ni Robin, nagalit kasi ito ng binigay niya ang number sa parents nila.
"If you have time." Alam niya na ang ibig sabihin nito, she wanted him to visit their brother, tapos sasabihin niya kung kumusta lamang ito...he misses him too kaya lamang ay napakalayo na nito...
"Okay, mag-ingat ka." Nagdrive siya papunta sa gym kung saan nagpapractice si Robin, ayaw pa siyang papasukin sa loob ng mga guard, kung hindi pa dumating si Caleb ay sa hanggang labas lamang siya.
Malalakas na suntok ang narinig nya...malaki ang gym at punong puno ng mga equipments, marami ring nagtatrain, isa ito sa sikat sa bansa. Sa gitna ay nakita niya ang kanyang kapatid, na may ka sparing... halos ka edaran din nito.
"Watch your footwork Robin, "paalala ng isang coach nito.. sinunod naman iyong kanyang kapatid, he watched him...mahihiya ang katawan niya sa pagiging maskulado nito. Tumunog ang bell at nagyakap ang dalawang boksingero.
"Nice one bro!" si Robin iyon, tukoy sa kalaban nito, parehas tumatawa ang dalawa, nakakainggit, pero nang bumaling sa kanya ang mata niyo ay otomatikong napawi ang ngiti sa mga libi, para siyang isang kalaban na hindi dapat tapunan ng atensyon. Lumapit ito sa ringside saka tumalon pababa... inabutan agad ito ng towel pamunas sa mukha.
"Anong kailangan mo Doctor?" seryosong tanong nito.
"Kung sabihin kong kailangan ko ng kapatid, ibibigay mo ba?"
"Rave, hindi na tayo mga bata...kung wala kang magandang sasabihin, umalis ka na lang." tumalikod ito, susundan niya sana ito kaya lamang ay may mga humarang sa kanya. Si Caleb ay humawak sa kanyang balikat, siya ang bodyguard ng kanyang tito Ron, ito rin ang dahilan kung bakit napunta sa mundo ng boxing ang kanyang kapatid. A Romualdez inside a boxing ring? Isang malaking katawa- tawa sa business world kung saan sila kilala, pero hindi nila alam ang ugat ng dahilan nito.
"Hindi iyan makakatulong, leave him alone...lalo lamang siyang lumalayo." Binalingan niya ito, gusto niyang ibuhos dito ang kanyang galit.
"Kasalanan mo ito. He could be better than this." he hissed, aiming his anger on the man in front of him,
"Anong masama sa sports na pinili niya? Mas gusto mo ba ang kapatid mo na lumalaban ng illegal sa mga pustahan kagaya noon?" nagulat siya sa sinabi nito.
"I didn't know...diba sa talyer lang siya noon nagtatrabaho?"
"Marami na kayong hindi alam tungkol sa kanya...mahahanap niya rin ang kanyang sarili, hindi pa nga lamang sa ngayon."
Pinag-isipan niya ang sinabi nito.
Pero kalian pa?
Kailan darating ang oras na iyon.