Napabuntunghininga na lamang siya habang pinapanood ang paalis na kotse ni Ravin. Ang mapang-asar na ngiti niya kanina ay unti-unting nawala. Palagi siyang nasa likod ni Ravin , pero sa likod ni Robin wala, o baka mayroon na. Hindi naman siya masisi kung pati siya ay tinulak siya palayo, pakiramdaman kasi ni Robin pinagka-isahan siya ng lahat.
Pero siguro nga, malaki ang naging kasalanan niya sa parte na iyon.
"Saan ka pupunta?" tanong niya kay Ravin.
"I want to dance her too." Makulit na sabi nito, tinignan niya muli si Robin at ang girlfriend nito na si Heaven Marie, masayang sumasayaw ang dalawa sa dancefloor, mukhang may sariling mundo ang dalawa. Kaarawan nilang tatlo pero daig pa ni Robin ang nanalo sa lotto sa sobrang saya.
"Can you stop." Pigil niya sa kamay ni Ravin, sinunod sunod nito ang inom sa wine na nasa harapan nila. Dahil eighteen na sila, hinahayaan na sila ng kanilang mommy na uminom, basta daw ba kaya pa rin nila ang kanilang sarili. Wala namang problema sa kanya iyon, hindi na siya kailangang pagsabihan, hindi katulad ng kanyang dalawang kapatid.
"Isasayaw ko si Heaven Marie. It's my birthday too, am I not allowed to be happy?" Gusto niyang batukan ang kapatid, paanong hindi siya magiging pabor sa pagsayaw na sinasabi nito , alam niya kasi ang hidden agenda nito.
"Please Ravin, don't make a scene. I know what's going on, in that mind of yours." He hissed. Hindi naman kasi kung sino lamang ang nagugustuhan nito, girlfriend pa ng kanilang kapatid. Gusto nitong manghimasok sa masayang relasyon ng dalawa.
"Talaga, e di sabihin mo, nang magkaalaman na." mapanghamon na sabi nito saka tumayo. He was left dumbfounded, napaka tigas ng ulo, lumakad sa gitna kung saan nandoon ang dalawa. Sumunod na rin siya , kung sakaling may mangyari ngayong gabi, kailangan nandoon siya para mamagitan.
"Can I dance with you? " tanong ni Ravin kay Heaven Marie, nagulat ang dalawa sa pagsulpot ni Ravin. Tumingin si Heaven Marie kay Robin, si Robin naman ay napatingin kay Ravin, hindi maipinta ang mukha. Halatang hindi nagustuhan ni Robin ang narinig. "Can I dance with her dear brother?" Ang opinyon naman ni Robin ang hiningi nito, nagsusukatan ng tingin ang dalawa, nakakatakot ang tensyon, hindi nagasasalita si Heaven Marie, si Robin, ang sasabihin ni Robin ang kanyang hinihintay, bagama't hindi pa rin nakabitiw sa isat-isa.
Ramdam niyang walang balak umupo si Ravin, kilala niya rin ito. Ayaw nito ng napapahiya. Napapansin niya na ang tinginan ng mga tao sa paligid, pati ng kanilang mga magulang. Curious kung anong nagaganap sa kanilang apat.
He needs to do something. He feels like he needs to.
"I want to dance with her too, after Ravin siguro tapos kayo ulit. Hindi na rin siya iba sa amin, right Heaven Marie?" he smile at Heaven Marie, sinuklian din naman nito ng malaanghel na ngiti.
"Okay, pero sandali lamang, ayoko ng malayo ng matagal sa girlfriend ko." Robin said reluctantly bago binigay ang kamay no Heaven Marie kay Ravin.
Maling hakbang, maling salita rin mula sa kanya. Dapat hindi pala, dapat hinila niya paalis si Ravin , palayo sa dalawa.
At that time as well, he started building the big chaos that will happen.
Before, he thought that he was stopping a war to happen, pero hindi pala, isa pala siya sa nagpabaga sa apoy para mas lumaki pa, na sa sobrang laki nito, sinunog nito ang matibay na pundasyon ng kanilang pamilya.
"Umiiyak ka doc?" mabilis niyang pinahid ang kanyang luha. Dinala pala siya ng kanyang pag-iisip sa garden ng kanilang hospital. Mabilis niyang pinahid ang luhang tumakas sa kanyang mga mata saka hinarap ang kanyang pasyente. Kung nakikita lamang siya ni Robin na naiiyak ngayon, katakot takot na tukso ang aabutin niya rito.
"Gabing-gabi na, why are you still awake?" sita niya rito, naka pangginaw naman ito, hatak-hatak din ang bakal na may nakasabit na dextrose.
"Nagising ako kasi may maganda akong plot ng kwento na napanaginipan, tapos napa dungaw ako sa salamin, nakita kita, kaya heto, gumagala-gala kapag may time." Kwela pang sagot nito.
Nakuha pa nitong magpatawa samantalang nag-aalala siya rito kanina. Alam niyang malungkot ito sa hindi magandang balita kanina.
"Para saan ang teddy bear?" turo nito sa kanina niya pang hawak, inabot nya naman ito dito.
"To cheer you up Angel, para sa'yo yan, by one take one, binigay ko yung isa sa pamangkin ko."
"Wow, thank you Doc ah, ang thoughtful mo, kahit medyo kuripot ka. " sarkastikong sabi nito, saka niyakap ang teddy bear saka tumingin sa langit. Napakabata pa nito kung tutuusin para magkaroon ng malalang sakit, she's just twenty two years old, graduating student na dapat ng Communication Arts kaya lamang na-diagnosed ng Chronic Kidney Disease, nasa hospital ito para sa dialysis nito. Tahanan na nito dati ang hospital dahil nurse sa surgery ward ang mommy nito, pero darating pala sa punto na magkakasakit ito at ma-hohospitalized din.
"We're you still upset? Umatras ang suppose to be donor mo?" tanong niya, malungkot kasi ang mommy nito. Her mother has so many plans to her daughter.
"Wala naman akong magagawa, siguro natatakot siya kaya siya umatras. I can't force her Dr. Raven. It is a dangerous operation." Nag-indian seat ito sa bench saka humarap kanya. "Nag-aalala ka sa akin no Doc?" tukso nito sa kanya," Touch naman ako ng sobra, kinikilig yung dalawang kong malfunctioning na kidney." Pinukpok niya ang ulo nito, paano'y nagawa pang isama sa biro ang sakit nito.
"Don't worry Doc , hindi naman ako nawawalan ng pag-asa, huwag ka ng malungkot, pero alam ko naman may ibang bagay pang nagpapalungkot sa'yo , maayos din iyon, hindi nga lamang ngayon, pero maayos din. Just like my donor, siguro hindi pa siya handang ibigay ni God dahil gusto niya muna akong mapurga sa mga pagkain dito sa hospital."
Sasagot pa sana siya kaya lamang may nursing attendant na lumapit sa kanila.
"Dr. Romualdez, kanina pa po kayo pini-page sa Surgery."
"s**t!" napamura siya ng maalala kanina si Dr. Orella, siguro umuusok na ang ilong ng masungit na doktora na iyon. Hinahanap pala siya ni Dr. Alcanjara.
"Angel, bumalik ka na sa room mo, isusumbong kita sa mommy mo." Tumango naman ito, binilinan niya ang nurse para maihatid ito. Mabilis siyang tumungo sa elevator para magpunta sa 5th floor kung naasan ang surgery department. Pagpasok nya sa loob ng silid ay tinginan ang mga doctor na nasa loob, hinanap nya si Dr. Alcanjara pero ang masungit na si Dr. Orella ang natagpuan ng kanyang mga mata. Kung makatingin ito ay para bang kakainin siya nito ng buhay.
"Where's Dr. Alcanjara? " Tanong niya kay Dr. Busa na kaedaran niya , kasabay niya itong napasok sa hospital.
"He thought you were too busy kaya naman si Dr. Dela Cruz na lamang ang sinama niya." Si Dr. Orella ang sumagot, tumayo ito saka lumapit sa harapan niya. Tinignan siya nito mula ulo haggang paa, bago lalampasan, pero naiinis siya bigla doon. Ewan niya ba , napagpapasensyahan niya naman ito dati, pero iba ngayon.
"Wait, ano bang problema mo sa akin?" tinapat nya na ito. He needs to know once and for all.
"You want to know why? " matapang na sagot nito, naka pameywang pa sa kanya. "Because you're incompetent. You're just here because of that surname of yours but truth being told you lacks the talent and skills. Mayroong mas magaling pero hindi sila makapasok sa hospital na ito dahil sa'yo. Because of your family that's why you're here. Hindi ka ba nakukunsensya?"
Sa unang pagkakataon, gusto niyang manakit ng babae , pero hindi siya ganoon. Pumikit muna siya saka huminga ng malalim.
"That's not true. I am here because of my talent and the people who believe in me." He fought back.
Dr. Orella lazily shrugs her shoulder.
Hindi kumbinsido.
"Really? Then prove it." Saka mayabang na tumalikod ito, pero hindi pa siya tapos.
"And what will I get in return?" tamad na lumingon ito.
"At bakit kailangang mong may makuha pabalik?" nag-isip ito sandali bago muling nagsalita." Okay, I'll be on my knees begging, but Dr. Romualdez, that will never happen." Mayabang na sabi nito.
He clenches his fist. Sinusubok talaga siya ng doctor na iyon.
"I know you will." Sabi niya sa sarili, two images flashes in his mind. Una ay nagsosorry habang inaamin ang pagkakamali, ang pangalawa. Napamura siya.
She'll be that last girl on earth that he will dream of.