"Good morning Dr. Raven, gwapo natin ah?" napangiti siya kay Ellena, ang secretarya ng surgery ward. Siya ang umaasikaso sa mga task at schedules nila, ito rin ang tagapag-paalala sa kanila kapag may kulang silang napipirmahan sa mga charts ng pasyente.
"Good morning din, syempre Friday ngayon, alam mo namang may lakad ako today." Napakagat labi ito sa kanyang sagot, mukhang may gustong sabihin. "Bakit?"
"Iyon nga po Doc, pwede po ba raw kayong may OPD muna today, wala po kasi si Dr. Orella may biglaang leave, katatawag lamang po kanina."
"What? Hindi pwede!" he protested. Hindi naman sa tinatanggihan niya ang maging doctor ng out patient ng surgery, every Wednesday ang schedule niya roon, it's just that, today is Sora's school activity, hindi present si Ravin kaya siya ang substitute. He can't miss it or his niece will be so upset.
"Eh, Doc Raven sabi ko nga po na-file na ang leave nyo, kaya lamang daw may importante rin daw na lakad si Doctora. Anong gagawin ko Doc, sino ang magsusubstitute? Nine in the morning na, tumatawag na ang records section dahil sa rami na raw ng patient na nandoon."
"Where's Doctor Busa?" isa na lamang ang naiisip niya. Kahit kailan talaga ginagalit sya ni Dr. Orella, alam niyang batid nito na wala siya ngayong araw, duty talaga nito, hindi siya magtatake over sa duty nito, oo nga't doctor siya pero hangga't maari hahanap siya ng pwede.
"Nasa quarter's doc, tulog po siya, five in the morning na natapos ang eight hours operation nila, siya rin po ang duty kahapon." Hindi na niya pinatapos si Ellena, pumunta siya ng quarters para gisingin si Dr. Busa.
"Bro, wake up." Ngayon nya gagamitin ang advantage ng pagiging magkaibigan nila, umakyat siya sa itaas ng double deck kung saan ito nakahiga, niyugyog nya ito nang maigi para magising.
"Bakit? Antok pa ako." Nagtalukbong pa ito, antok na antok talaga.
"I need your help, mag duty ka para sa akin sa OPD."
"Doctor Raven, maawa ka naman, ilang oras pa lang ang tulog ko, gusto mo na ba akong mamatay?" Reklamo nito, habang nakatalukbong ito.
Napahinga siya ng malalim. He has no choice, kailangan niya ang tulong ni Busa ngayon, his family will hate him for this but he has no choice.
"If you agree I will set you up on a date with my sister Misha." Hudyat iyon para bumangon sa kama si Busa at nauna pa itong bumaba sa kanya.
"Wala nang bawiaan yan ah, sandali mag-aayos lamang ako." Mabilis pa sa alas kwatro ang kilos nito, nagpunta sa bathroom para mag-ayos ng sarili , napapailing naman siya habang bumababa. He just made his sister as bait. Hindi naman din kasi lingid sa kanila ang pagkagusto ni Dr. Jeric Busa. Kahit pa pitong taon ang agwat ng eda ng mga ito , noong nadalaga ang kanyang kapatid na babae ay doon lamang naging vocal si Jeric. At dahil overprotective kuya siya sa kanyang mga kapatid na babae, hindi siya pumapayag na lumabas ang mga ito, ngayon nga lamang na wala siyang choice.
"Oh tara na, ready na ako." Nasa tapat na si Dr. Busa, handang handa na, mukhang hindi na inaantok , parang nagkaroon ng bagong enerhiya, nagulat si Ellena nang magkasabay silang lumabas.
"Nakumbinsi mo Doc? sa lahat yata ng pagod at kulang sa tulog parang ang saya-saya niya yata?" Pagtataka ni Ellena, napatapik na lamang siya balikat nito, tumulak na siya pauwi sa bahay kung saan naghihintay sa kanya si Sora.
"Uncle!" tumayo iyo nang makita ang kanyang kotse.
"Hi baby girl?" kinarga niya ito sa kanyang bisig.
"Akala ko wala akong makakasama today, hindi pwede si daddy, busy siya lagi sa work, buti na lang uncle, you're not busy." Halata ang tampo sa boses nito para sa ama. Pinupog niya na lamang ito ng halik sa mukha upang hindi maging malungkot.
"Mas magaling naman si uncle Raven kaysa kay daddy mo, kaya mananalo tayo sa mga games. Ayaw mo bang kasama ako?" kunwari'y nagtatampo na sabi nya.
"Syempre hindi po." Hinawakan niya naman ang ulo nito. "Okay let's go po, tawagin ko na po si mama. " Imbes na lolo at lola, mama at papa ang nakasanayang itawag ni Sora sa kanilang mga magulang.
Dumating naman agad ang mga ito, tatlo silang pupunta sa school ni Sora.
"Akala ko si Misha ang sasama sa amin?"
"Iyong kapatid mo ay tulog pa, tayo na lamang ang pumunta, ayoko nang magsalita pa." sayang ang pagkakataon, sasabihin niya pa naman kay Misha na pagbigyan si Jeric, hindi niya nga lang sigurado kung papayag ang kapatid. Medyo girl version kasi ito ni Robin. Magkasundo ang dalawa kung nagkataon.
"Tara na." yaya ng kanyang mommy Candice.
Nakalimutan na ni Sora ang lungkot ng pumasok sa vicinity ng school nito, tumakbo ito agad nang makakita ng mga kakilala, hindi niya tuloy mapigilan ang mapaisip, sa parehas na school din kasi sila nag-aral na tatlo, sobrang daming ala-ala.
"Ay, lampa!." Nakatapat ang kanyang bibig sa faucet dahil uhaw na uhaw siya pero may lumapit galing sa mataas na grade at tinulak siya. Grade two lamang siya at ang tatlo ay nasa grade four, wala naman siyang ginagawang masama sa mga ito. Pinagtawanan siya ng mga ito.
"Ayaw ko ng gulo." Sagot niya sa mga ito.
"Ayaw mo? Pero gusto namin!" hinawakan siya sa kwelyo ng isa at pilit na itinayo, sasapakin pa sana siya kaya lamang ay may tubig na tumama sa mukha nito, may nakatapat na hose sa mukha nito.
Nabitawan siya dahil napatakip ito ng mukha.
"Sinong?!" galit na baling nito sa tumatawang nasa gilid . He knew that laugh, okay na siya hindi siya mapapahamak, hindi siya hahayaan ni Robin. Si Robin ang may lakas ng loob na umaway sa kung sino man ang nang-aaway at nang-aapi sa kanya, kahit pa mas matatanda ang mga iyon sa kanila.
"Mukha ka kasing mabantot na baboy, pinapaliguan lang kita, kaya lang wala akong dalang sabon. Sorry." Nang –aasar na sabi nito. Binaba na nito ang hose. Tinignan siya ni Robin at nagsalubong ang kilay nito ng makita ang ayos niya.
Mayabang itong umabante patungo sa tatlong umaaway sa kanya.
"Sinong nagsabing pwede ninyong awayin ang kapatid ko? Sawa na ba kayo sa buhay nyo?" pinapatunog pa nito ang kamao.
"Galingan mo Robin, just tell me if you need my help." Si Ravin, hindi niya ito napansin kanina, nakaupo sa isang mono block habang may hawak na libro sa kamay.
"Stay put ka lang diyan Rav, I can do it alone." Robin smirked. Mayabang talaga ang kanilang kapatid pero tiyak naman may ibubuga, ilang sandali lamang ay bagsak na ang tatlo, pinaluhod pa nito para humingi ng tawad sa kanya.
Nakakatawa. Ang sarap kahit na-guidance sila dahil doon, kahit pa grounded sila ng one month, pero walang grounded- grounded kay Robin, tumatakas ito basta maisipan.
...
"Uncle, that's my teacher. " tinuro niya ang guro nito na may mahabang buhok, pino kumilos at magiliw sa mga bata.
"Maganda siya no uncle? Mabait din siya sa akin, introduce ko sana siya kay daddy kaya lang wala si daddy e, alam mo ba , ina-ask niya ako kay uncle Robin, wala naman ako ma-answer kasi di ko pa na-meet si uncle, fan daw po yata ni uncle ang papa ni teacher." Kwento ni Sora, ang mommy Candice niya ay nasa harapan na ng teacher ni Sora, tinuro sila, hinila naman siya ni Sora para maipakilala rin dito. Nagkamay sila ng guro ni Sora, mukha nga itong mabait at magiliw sa bata, nawala si Sora nakihalubilo sa mga iba pang bata na nandoon. Sinudan niya ito ng tingin, lumapit ito sa isang batang lalake , katabi noon ang isang babae na nakatalikod, mukhang pamilyar sa kanya ang likod na iyon. Tinitignan niya pa lang ang likod ay parang kinikilabutan na sya, isang tao lang naman ang nagpaparamdam sa kanya noon, nakumpira nang makita niyang humarap ito.
"Dr. Orella?" mahinang tawag niya, kinakausap ito ng batang lalake, hindi niya alam na may anak na pala ito.
"Doctor ang uncle ko, uncle!" tinawag siya ni Sora, wala siyang choice kung hindi ang lumapit. Halata ang pagkagulat sa mukha ni Dr. Orella, ngayon malinaw na kung bakit wala rin ito sa hospital, kailangan din palang umattend nito sa school event ng anak nito.
"Good morning Doctor, dito rin pala nag-aaral ang anak mo, kakilala pa siya ng pamangkin ko." Bati niya , pero imbes na matuwa ay sumama ang mukha nito sa kanya. Mukha siyang kakainin nito ng buhay samantalang natutuwa lamang siya na makita ito sa iisang lugar sa labas ng hospital.
May sinabi ba siyang hindi maganda? Kahit kailan talaga lagi na lamang bad mood ito.