"Welcome back, bro! Mukhang may kasama ka ngayon, ah?" bungad ng isang lalaking may malaking pangangatawan. Ayon sa suot niyang gray na t-shirt ay isa siyang empleyado sa gym na ito. May logo rin sa kaniyang dibdib na flames – simbolo ng sports gym na ito. "Yo, Zeke! Pinsan ko 'to, si Andrea. Siya iyong lumipat sa bahay namin. Kanina lang siya nakarating. Baka lagi ko na siya makasama rito dahil mahilig din siyang magbanat ng buto." "Really? E'di ayos! Mas darami pa ang customers ko," aniya saka bumaling sa akin. "Hello, Andrea. My name's Zachariah, but Zeke's fine." "Hi, Zeke! Andrea Narvaez. Nice to meet you!" Nakipagkamay siya sa akin at medyo natigilan pa dahil parang may iniisip. "Narvaez? Then, kapatid ka ni Matthew Narvaez?" "Yhup! Paano mo nalaman?" "Regular din ang kuya mo s

