SAMANTHA
Kasalukuyan akong nakaupo sa aking upoan sa loob ng silid. Nakatulala lang akong nakatingin sa pisara nang mahagip ko ng mga mata ko sa bintana ang mga nakaw na tingin sa akin ni Frederick.
Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa iyon, bigla tuloy akong ‘di naging komportable. Hindi pa rin kasi ito tumitigil sa ginagawa niya.
Magkalapit naman kaming dalawa bilang kaibigan pero sa hindi ko malaman na dahilan ay wala akong maisip na rason kung bakit niya ako tinitingnan na tila may malisyang titig.
Napasubsob tuloy ako ng aking mukha sa desk, naiilang na kasi ako at hindi na kinakaya ang hiya dahil sa ginagawa ng lalaking iyon.
Kailan ba siya titigil nang pagtitig sa akin? Nakainis! Dahil ‘yong mga tingin niya parang may ibig sabihin.
Kausap ko sa aking sarili. Bumuntong-hininga muna ako nang malalim bago muling iniangat ang ulo ko.
Bumungad sa akin ang mukha niya pagharap ko sa pisara. Nasamid tuloy ako sa sarili kong laway.
“Okay ka lang?” pangangamusta niya.
Hinampas-hampas ko muna ang aking dibdib bago nagsalita.
“Bakit kasi bigla-bigla ka na lang nasulpot?” angal ko.
Napakamot siya ng ulo at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.
“May gusto sana akong sabihin sa ‘yo...”
Napatingin ito sa sahig na tila nahihiya at parang isang lalaking nanliligaw sa babaeng kanyang napupusuan.
“May binuo kasi akong grupo... gusto mo bang sumali?” ngumiti ito na parang pilit.
Iyon lang pala ang sasabihin niya pero parang hirap na hirap pa siya at kailangan ba talagang mahiya pa siya ng ganiyan?
“Anong klaseng grupo ba ‘yan at kailangan mo akong i-recruit?” tanong ko.
Nilaro n