"SHE'S not okay," naiusal ni Jarreus nang magtanong si Rex sa kanya. Kakatapos lang ng rehearsal nila para sa concert na gaganapin sa Araneta. Isa ito sa local concert na lahat year pa nila pinaghandaan.
Inabot ni Rex ang coke in can na softdrink sa kanya. Tinungga niya iyon at malalim na bumuntong-hininga. "She looks bothered. After that shoot, she become distant. Natatakot ako na baka na-realized niya na maling pakasalan ako."
It scares him. Paano kung bigla ay gusto na nito hiwalayan siya? Ano ang gagawin niya? He loved Luigie. Mula nang ma-realize niya na mahal niya ito ay gagawin niya ang lahat para sa babaeng minamahal. Babawiin niya ang lahat nang panahon.
Bumuntong-hininga ito. "Fear of leaving by someone we love is sucks, Jarreus. I know it."
Nilingon niya ito. "Regina will never leave you. She will never be."
"I know, pero kapag naiisip ko yon natatakot ako." Sabi ni Rex.
"Hindi ka asshole, Rex. Hindi tulad ko."
Tinapik nito ang balikat niya. "Just give her time. Ang bilis naman kasi ng lahat sa inyo. Don't lose hope now, cous. Iparamdam mo kung gaano mo siya kamahal ng hindi na iwan."
"I will."
He was determined to do everything. Luigie is his life.
***
"HEY! You're smoking again."
Nilingon ni Luigie si Jarreus nang maramdaman niya na niyakap siya ng lalaki mula sa likod at kinuha ang stick ng sigarilyo niya. Pinatay nito iyon sa ash tray at dinampian ng halik ang gilid ng leeg niya. Nasa unit siya ni Jarreus dahil sinundo siya ng lalaki sa pictorial niya. Hindi niya pinansin ito at kumuha ng isang stick ng sigarilyo sa binili niyang pakete sa convenience store kanina.
Marami na rin ang mga isyu na lumalabas na kaya siya nawala ay dahil nagpakasal na siya at nasa honeymoon sila ng asawa niya. Nilinaw ng manager niya na si Vladimir ang isyu na totoo iyon. Nang mag-surf nga siya sa internet nitong nakaraan ay kalat na kalat sa Russia ang pagpapakasal niya sa Pilipinas. May mga bali-balita na rin na tinapos lang niya ang lahat ng kontrata niya para mag-settle down na nang tuluyan sa bansa. Ang buong akala ni Luigie ay tuluyan nang nawala ang insecurities at takot niya. Pero lalo lang tumindi iyon dahil hindi niya kaya maging katulad ni Regina.
Muli ay kinuha nito iyon sa kamay niya. "What is wrong with you?"
Umiling siya. "Wala,"
"Luigie, you are not okay. I know,"
Nitong nakaraan ay pinilit niya huwag guluhin ito. Ayaw niya malaman nito ang bagay na gumugulo sa kanya. Kamamatay pa lang ni lolo Hilario. Ayaw niya mag-alala ito at dagdagan pa ang isipin. Napag-isipan na rin niyang mabuti na hahanap lang siya nang tiyempo para sabihin ang nabuong desisyon niya. It was for his own good.
"Alam ko kung ano ang nagustuhan mo kay Regina." sabi ni Luigie kay Jarreus nang tumingin siya sa lalaki.
Nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. "Ano ba 'yang pinagsasabi mo?"
"Iyong pagiging homey niya. She was a good wife and mother material, Jarreus. Siya iyong eksakto na kabaliktaran ko."
"Why do you bringing it up again?" pagalit na tanong nito.
She sighed. It was tiring.
"Alam mo naisip ko na mas mabuti kung maghiwalay na lang tayo. I think we should stick to that." kaswal na sabi niya. There, nasabi na rin niya.
Naramdaman niya na pinihit siya ni Jarreus. Mahigpit ang naging kapit nito sa magkabilang balikat niya. "What the hell are you talking about? Naririnig mo ba iyang sinasabi mo?!" he hissed.
Napahugot ng malalim na hininga si Luigie. "I know what I am talking about, Jarreus. Ikaw lang naman ang iniisip ko. You deserve to meet someone like Regina. Iyong kaya i-give up ang lahat para sa iyo at pamilya na gusto mo. I can't be like that Jarreus." I can't give you everything...
"Hindi naman kita minamadali. If you are not ready it is okay with me. I can wait for you." Bahagya na niyugyog siya ni Jarreus.
Kumalas siya sa lalaki. "That baby... you wanted a child. You keep on pursuing it... you want me to bear your child. Hindi ko kaya 'yon, Jarreus. I have my life before you... This life wasn't mine."
"It is okay if you want to continue your career. I'll give you what you want just stay with me."
"I don't want it anymore."
"Babe, please..."
"Magkaiba ang mundo na ginagalawan natin. I have a successful career in the other part of the world. Ikaw dito sa Pilipinas at ako sa Russia. We are part of different worlds."
"I can adjust, puwede kita puntahan doon para makasama. Puwede ako manatili doon kung gusto mo. I can give you everything you want. Stay with me, Luigie. Keep me."
Takang tinignan niya ito. "Nandito ang buhay mo, Jarreus. Ang career mo, ang pamilya mo ang mga kaibigan mo. Hindi ako parte ng buhay mo."
"You're wrong, you're my life. Handa ko iwan ang meron ako dito para makasama ka. Para maging tayo pa din..."
"You're stupid." She mumbled.
"Tanga na ko kung tanga sa tingin mo. Pero gagawin ko ang lahat para mag-work ang relasyon na ito."
Naiyak na siya. Bakit siya pinahihirapan ni Jarreus. "Why can't you understand? I don't want us anymore."
"Ang selfish mo, Luigie. I thought we are okay. Bakit ka ba nagkakaganyan? Ano bang mali? May hindi ba ako nagawa o may pagkukulang pa ko. Sabihin mo nang magawan natin ng paraan. Let me understand what you want so we can work it out. " Nagpipigil ng galit na sabi nito.
"You will never forgive me..."
"Tell me! Para maintindihan ko kung bakit ayaw mo na."
"I aborted your baby. I aborted our child." Paos na sabi niya.
Nakita niyang umigting ang panga nito sa galit. "You..."
"I kill your child. I killed your baby..." ulit niya.
Kitang-kita niya kung paano kumislap ang mga mata nito dahil sa mga luha. She hurted him so bad. Nanghihina na napaupo ito.
"Sabihin mo nga sa akin kung paano natin magagawan nang paraan ito? Gusto mo ng anak pero hindi ko kaya ibigay sa'yo. I can't be a mother, Jarreus. I killed your child. Your own flesh and blood..." Huminga muna nang malalim si Luigie para tanggalin ang panginginig ng boses niya. "We should file an annulment. I want out to this marriage, Jarreus. I know it won't work out."
"Stop!"
"Pakawalan mo na ko dahil pinatay ko ang anak mo."
"Shut up!" galit na sigaw ni Jarreus sa kanya.
"Puwede naman tayo maghiwalay na dalawa kasi wala na naman si lolo Hilario. Aminin natin sa lahat ang dahilan kung bakit naikasal tayo. Alam ko na maiintindihan ng lahat ang sitwasyon tapos bumalik na tayo sa kanya-kanya natin na buhay."
"I won't let you to leave me. Naiintindihan mo ko." mariin ang bawat salita na binitiwan nito.
Umiling siya. Hindi ito ang magdedesisyon sa kanya. "You can't dictate me, Jarreus. Hindi ngayon. Hihiwalayan kita sa ayaw o gusto mo."
Hinubad niya ang singsing na nilagay nito sa daliri niya ng kasal nila. Pati na rin ang singsing na sinuot ni lolo Hilario sa kanya bago ito mamatay. Kinuha niya ang kamay ni Jarreus pero ayaw nito ibigay iyon sa kanya kaya nilapag na lang niya sa center table ang dalawa na singsing.
Hindi ito sa kanya nakatingin.
"Is that what you want?" sa wakas ay tanong nito paglipas nang ilang minuto na katahimikan.
Tumango siya. "Oo. Because this is the best for us."
Umalis na siya sa unit nito. Nang makalabas ay doon na siya tuluyang napahagulgol. She wanted it to end but why it felt so hurt?
***
"I'M so f**k up." bulong ni Jarreus sa sarili habang pinipigilan ang mga luha. Napahilamos siya ng mukha sa sobrang galit. Does he get her pregnant? Did she abort their baby? Gaano ba kasakit ang ginawa niya para ipalalag nito ang anak nila?
He cried because of what she did. Gusto niya magalit pero alam niya na ginawa ni Luigie iyon dati dahil sa ginawa niya. It was not her entirely fault.
"Oh, God...I can't still lose my wife. Mahal na mahal ko siya..."
Ano ba iyong nagawa niya na mali ngayon? Nagkulang ba siya sa pagpaparamdam na mahal niya ito? Iniwan na naman siya ni Luigie. Hindi na niya napigilan ang sarili at tinakpan ang mga mata ng kanyang palad. Pasakit ng pasakit ang kirot sa dibdib niya kapag naiisip na tuluyan nang mawawala sa kanya ang babae.
"Jarreus..." Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nakatayo hindi kalayuan ang mga kabarkada niya. Nakatitig lang ang mga ito sa kanya. Napahugot ng malalim na hininga si Jarreus. Kailangan niya tumigil sa pag-iyak. Mukha na kasi siyang tanga sa harap ng mga ito. Pilit na ngumiti siya kahit parang may nakadagan sa dibdib niya.
"I guess, everything I did wasn't enough. Iniwan na naman niya ko." Halos walang boses na sabi niya. '
"We should have a baby... but she gets rid of it..."
Tahimik lang ang mga ito at parang nakikinig sa kanya.
"I'm angry but I wasn't angry with her. I'm on rage but not to her..." Hindi na niya napigilan at humagulgol. "I love her so to hate her. Mahal ko siya kaya mas masakit."
Lumapit si Maureen sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
No one was talking. He felt his heart in a feeling of deep sorrow.
***
INAYA ni Luigie si Thea mag-bar para maibsan ang halo-halong emosyon na nararamdaman niya. Gusto na niyang mawala si Jarreus sa isipan niya. Iyong tipo na maialis niya ito sa sistema niya. Kailangan niya ito kalimutan para din sa lalaki. Jarreus deserve more not her. Inilapag niya ang dalawang kamay sa bar counter at idinukdok ang mukha doon.
"Ma'am Luigie, stop it! Your tipsy." ani Thea sa kanya.
Inagaw nito ang hawak na alak niya. Bago pa nito makuha iyon ay tumayo na siya at mabilis na inilayo niya ang sarili sa kaibigan. Pupunta na sana siya sa dance floor nang may humawak sa braso niya. Paglingon niya ay nakita niya ang natatarantang mukha ni Thea.
"We need to go home!" sigaw nito sa kanya para magkarinigan sila sa sobrang ingay doon. Tinabig niya ang kamay nito. "I don't want to get home! Kung gusto mo ikaw na lang pero hindi pa ko uuwe, okay. I'm having fun here!" Inirapan niya ito bago umalis at nakipagsayaw sa gitna. Wala siyang pakialam kung sino ang nasa likod niya at pilit idinidikit ang katawan sa kanya. Wala siyang pakialam sa ingay. She wanted to have fun and forget about Jarreus. Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa dance floor at nakikipagsayaw sa mga lalaking hindi niya makita ang mga mukha. Naramdaman na lang niya ang taong nasa likod niya ay nakasubsob na ang mukha sa leeg niya. Binibigyan siya ng mabining halik sa leeg hanggang sa may tainga niya. Pinulupot na rin nito ang kamay sa baywang niya. Kapagkuwan ay naramdaman na lang niya nawala na ang kamay nito sa baywang niya. Nakarinig siya ng malalakas na tilian sa paligid partikular nasa parteng likuran niya.
Paglingon niya ay nakita niya si Jarreus na may sinusuntok na lalaki. Tila nagising siya nang makita ang pobreng lalaki na sa sahig at wala nang malay. Mabilis na lumapit siya at hinawakan si Jarreus sa braso upang pigilan.
"Jarreus, stop!" Huminahon ito nang mahawakan niya. Hindi nagtagal ay hinigit siya ni Jarreus palabas ng bar. "Paano mo nalaman na nandito ako?"
"Ano bang ginagawa mo? You were flirting inside for God's sake, Luigie, Don't you remember you are still married to me?" Ramdam niya ang namumuong tensiyon sa pagitan nila. Galit ito. Nang humigpit ang hawak nito ay nagsimula na siyang pumalag. Agad naman siyang binitiwan nito at tinignan siya. Tanging liwanag mula sa poste ang nagsisilbing ilaw sa kanila. Humakbang ito palapit sa kanya kaya mabilis na inabante niya ang kamay rito.
"Huwag kang lumapit. Sinisimulan ko na uli buuin ang pader na itinayo ko sa sarili ko kaya huwag mong sirain uli. Please leave me alone." Ilang minuto silang hindi gumalaw. Walang kumibo sa kanya.
Nang sa tingin ni Luigie ay wala na itong sasabihin pa ay humakbang na siya paalis.
"I realized I was in love with you when you are meeting another man in Russia. I know all your activities, Luigie. I even know what happens to Leo Lermontov."
She trembled with fear.
"I know what happens to the man and it was not your fault. Anything that happen was not your fault."
Umiling siya. Hindi nito alam kung ano ang ginawa niya.
"I was a heartless monster and Phillip was right. I can't be happy and loved..."
"It wasn't true, babe. I love you..."
"I killed your child! How can you forgive me, Jarreus?" sumbat niya.
"Because I love you and we matters. We both make mistakes and we'd in hell. But I'm willing to take all your pain away and change it. Wala na kong pakialam sa kung ano."
"You can't love as heartless as me. I don't deserve any good things."
"Then I'll be bad to have you. You deserve me. You deserve to be with me."
Umatras siya. "No."
Umatras pa siya nang pilit siyang inaabot ni Jarreus. Someday, Jarreus will meet someone like Regina.
"Lu, please... don't do this to me."
Umiling siya at pinigilan ito lumapit. "Stop. Don't get near me. Please don't get near me..."
Hindi niya namalayan ang mabilis na sasakyan na patungo sa direksyon niya. The next thing she heard was Jarreus desperately calling her name.
Everything went blank.