CHAPTER THIRTEEN

2142 Words
THEY GOT the shocking news the next day. Wala na si Lolo Hilario, inatake ito sa puso habang natutulog. Nang pinuntahan ito ng nurse nito ay wala ng pulso ang matanda. Naging payapa ang ginawang pag-iwan sa kanila ng matanda. Lahat sila ay naiyak sa balita na natanggap. Isa sa naging mas emosyonal ay si Luigie dahil nakausap pa niya ito kagabi bago matulog. Binigay pa nito ang wedding ring ng asawa nito sa kanya. Lahat ng apo nang matanda ay umuwe sa Tarlac para sa burol nito. Si Yanna ay susubukan magpaalam para makauwe agad at maabutan ang burol ng matanda. Marami ang pumunta bukod sa mga kamag-anak nila Jarreus. Mga malalapit na kaibigan at kakilala ang pumunta para makiramay. Sa unang pagkakataon, pagkatapos nang ilang taon ay ngayon lang uli niya nakita si Regina. Kasama nito ang asawa at ang anak na si Reina. Unang kita pa lang niya kay Reina ay kuhang-kuha nito ang mukha ng ina. "It has been so long, Luigie. Kumusta ka na?" tanong ni Regina sa kanya habang buhat-buhat ang anak. Ngumiti siya. "Okay naman," Bumalik ang tingin niya sa anak nito. "Ilang taon na siya?" "Turning three years old, next month." Ngumiti ito. "I'm happy that you married Jarreus." "Actually, mabilis ang lahat. Hindi ko rin alam na pagbalik ko dito ay ikakasal kami na dalawa." Nakaupo sila ni Regina hindi kalayuan sa mag-pinsan na nag-uusap. Nang bumaling sa kanya si Jarreus at ngumiti ay parang tumalon ang puso niya. Kumawala si Reina sa ina at tumakbo sa ama nito. Kitang-kita niya sa mukha ni Jarreus kung gaano ito katuwa sa bata ng kinuha nito si Reina mula kay Rex. Nakita niya kung gaano ito kasaya sa pamilya nito. Naisip tuloy niya kung bakit nagawa ito mahalin ni Jarreus. Regina was the exact opposite of her. "Are you aware that Jarreus was in love with you before?" tanong niya. Nilingon siya ni Regina. May pag-unawa na tumingin ito sa kanya. "Nagkakamali ka, Luigie. Jarreus was not in love with me. He was in love with the idea he was in love with me. Alam mo 'yon. Halos sabay-sabay kami lumaki na tatlo kaya pakiramdam lang niya ay may gusto siya sa akin. Na mahal niya ko. Noon nga, naisip ko rin na hindi ako mahal ni Rex na baka parehas sila ni Jarreus. Pero nagkamali ako sa kanya. But I was sure about Jarreus feelings." Naniniwala naman siya na mahal siya ni Jarreus. Pero ngayon lang niya naisip na hindi pala sapat iyon. Kaya ba niya maging katulad ni Regina? Being a mother suited Regina so well. Siya ba? Hindi niya alam kung kaya niya maging mabuti na ina. Lumaki siya na walang kinagisnan na ina at walang oras ang ama sa kanya. Her nanny take care of her. Pero iba pa rin ang pagmamahal ng tunay na mga magulang. Obligasyon ng nanny niya alagaan siya dahil trabaho nito iyon. "What did you give up for them?" halos pabulong na tanong niya habang nakatingin kina Jarreus. Tumingin din ito kina Jarreus. "Lahat-lahat para sa pamilya namin ni Rex. Alam mo ba na nakakuha ako nang magandang offer na trabaho sa Malaysia sa pagiging botanist ko. Okay naman kay Rex ang malayo ako basta kada buwan ay uuwe ako o siya ang pupunta sa akin. Pero nang malaman namin na pinagbubuntis ko na si Reina ay naging komplikado na ang lahat. Na-stuck ako sa tabi niya at walang iba na inisip kundi sila na lang. Kapag may anak ka na ay iba na iyong priority mo kaysa ng wala pa siya. May mga bagay ako na kailangan isakripisyo para sa kanya." "Is that a bad thing?" Umiling ito. "Nope. Worth it siya, Luigie. Maiisip mo na lang na siguro ay mother instinct iyon. Nang una ay hindi ako handa sa pagdating ni Reina dahil marami pa kong gusto sa buhay ko. But she worth to give up everything." Handa na ba siya sa ganoong klase ng responsibilidad? Hindi na niya alam. *** HINDI naging madali itong dumaan na mga araw para sa pamilya nila Jarreus. Namatay ang lolo niya at kakalibing lang nito nang isang araw. Bumalik na sila sa Maynila para sa kanya-kanyang trabaho. Malungkot pa rin siya sa pagkawala ng lolo nila pero dahil kay Luigie kaya kahit papaano ay nagiging ayos ang lahat. Hinahawakan nito ang kamay niya sa lahat ng pagkakataon at nagbibigay iyon ng lakas ng loob sa kanya. They were living in the same roof. Umuuwe lang si Luigie sa unit nito para makasama ang mga ito. Napangiti siya nang manakawan ng halik bago niya ihatid ito sa unit na tinutuluyan kasama ang assistant na si Thea at ang manager na si Vladimir. Aaminin niya na nagseselos pa rin siya sa Vladimir na iyon. Pero wala naman siya dapat na ikaselos dahil kasal na si Luigie sa kanya. Wala ng pag-asa ang lalaki na iyon sa asawa niya. "Matatanggal kaya ang ngiti niya kung ipinukpok ko sa ulo niya itong gitara?" Narinig niyang tanong ni Chazer. "Ba't hindi natin subukan? Pero ikaw ang magpupukpok sa kanya n'yan, Chazer. Tapos ikaw bahala sumalubong ng galit niya." ani Vash Pablo. "I think he will not mind us." "You bet?" Biglang nawala ang ngiti sa labi niya nang mapagtanto na sa likod niya ang dalawa. Paglingon niya ay nakahanda na si Chazer para ipukpok ang gitara nito sa ulo niya. Matalim na tinignan niya itong dalawa na agad kumaripas ng takbo palayo. "Stupid assholes," naiiling niyang sabi. Minsan hindi niya maintindihan kung paano niya naging kaibigan ang dalawang iyon. Pag-angat naman niya nang tingin ay nakatingin rin sina Maureen, Van Darren at Rex sa kanya. Tinaasan niya ng kilay ang dalawa. "What?" "For the first time, I see you again smiles like a freak." puna ni Maureen. Inirapan niya ang mga ito at tumayo muna sa pagkakaharap sa keyboard instrument niya. Mamaya pa naman magsisimula ang pagtugtog nila kaya lalabas muna siya para hindi mapansin ng mga ito. Nang makalabas ay tumingala siya sa malapit nang magdilim na kalangitan. Kanina lang niya nakita at nakasama si Luigie pero nami-miss na agad niya ang dalaga. Pupuntahan niya ito mamaya pagkatapos ng gig nila. Napalingon siya sa pinanggalingan ng naamoy niyang usok ng sigarilyo. "Magagalit sa'yo si Regina kapag nalaman niyang naninigarilyo ka pa rin." aniya kay Rex, hindi niya namalayan na sinundan siya ng pinsan. Lumingon muna ito bago hithitin ang sigarilyo nito. "Bakit isusumbong mo ba ko?" "Hindi na tayo mga bata para magsumbungan pa." Huling nagalit siya kay Rex nang ilang beses nito i-take for granted si Regina na halos umabot sa suntukan nila. Hindi ito nagpatalo sa kanya. Kaya parehas silang nakatamo ng pasa at pinagalitan sila ng husto dahil doon ni lolo Hilario. Kapag sumasagi sa isip niya ang bagay na iyon ay natatawa na lang siya. Kung hindi dahil kay Rex ay hindi siya magigising sa katotohanan na in love siya kay Luigie. Inakbayan niya si Rex. "Salamat, Rex." "Para saan?" salubong ang kilay na tanong nito. "Para sa pagpapa-realize kung gaano ako kagago dahil sinasaktan ko ang babaeng mahal ko." Ngumisi ito at mahina na sinuntok siya sa balikat. "Don't mess it up again, Reus." "I know," aniya. "My wife was always worried about you. Huwag mo na pag-alalahanim si Gine." Tumango siya. Tinapon na nito ang sigarilyo at nag-aya na pumasok sila. *** SINUNDO si Luigie ni Jarreus mula sa huling photoshoot niya. She already decide to quit. She will not get any more project anymore. Ito ang taga-sundo at taga-hatid niya kahit saan man siya mapunta. Mayamaya din ito kung magtext kung kumain na ba siya, ano ang ginagawa at kung ano-ano pa. Hindi na nga niya maiwasan ang mainis pero at the same time ay kiligin din. Ang effort kasi nito masyado magbigay ng time sa kanya. Nang may madaanan silang streetfood vendor. Pinahinto muna niya si Jarreus para makabili ng tig-beinte peso na fishball at kikiam. "Ang tagal ko nang hindi nakakakain nito. I really miss this foods." Ani Luigie habang kumakain ng fishball. Natawa si Jarreus. "You're cute," "Huh?" Nilingon niya ito. "Para kang bata kung kumain." Inabot ng kamay nito ang gilid ng labi niya at may kung ano na pinahid sa parte na iyon. "Kung hindi lang ako nagda-drive, hinila na kita kanina pa at hinalikan." Inirapan niya ito. "Gusto mo ba?" alok niya. Binuksan nito ang bibig para subuan niya. Inirapan niya ito at pinagpatuloy ang pagkain ng mga iyon. "Ayoko nga, kulang pa nga ang mga ito sa akin. Arte mo pa kasi, dapat bumili ka na ng iyo kanina." "Para kang si Reina. She loves street foods too," "You adored that kid," simpleng sabi ni Luigie. "Of course, she's witty and cute. She's adorable little girl." Ngumiti si Jarreus sa kanya. "Gusto ko ng tulad ni Reina. But the mini version of you. Blue eyes." Sumulyap ito sa kanya. "When was your last period?" "My period?" wala sa loob na tanong niya. Busy siya sa pagkain ng kikiam. "Hindi kaya buntis ka na. Malay natin naglilihi ka na sa mga kinakain mo," pabiro na sabi nito pero nahimigan niya ang excitement at kaseryosohan sa boses nito. Natigilan si Luigie. Parang may bagay na bumara sa lalamunan niya. "Napag-usapan na natin ang bagay na 'yan, Jarreus." Tumango ito pero pansin niya ang lungkot sa mukha nito. "I know, magkakaroon tayo ng mini version mo kapag ready ka na." *** "ANO'NG GINAGAWA natin dito?" tanong ni Luigie nang sa parking lot ng ospital nina Jarreus ang hinto nila. Walang sinabi ito hanggang sa makababa sila. "May baby na inoperahan ang pinsan kong si Rick. Gusto ko lang kumustahin ang lagay ng bata," ani Jarreus habang naglalakad sila sa hallway. Napatango na lang siya. Nang marating nila ang labas ng silid ng batang sinasabi nito na naoperahan ay biglang may kumirot sa puso niya. May mga aparato na nakakabit sa katawan ng bata. "Ilang buwan na siya?" "She's six months old baby." "She or He?" marahan na tanong niya. "She." Napangiti siya. "She's so lovely..." "She had congenital heart disease. They operated her little body." Nakatitig si Jarreus sa bata. "She's fighthing. She's a fighter," Nalungkot siya para sa bata. "She's too tiny and fragile to have an operation. Mahirap ito para sa mga magulang niya," "That's the sad thing, wala siyang mga magulang." Nagtatanong na nilingon niya si Jarreus. "Iniwan lang siya basta sa parking lot ng ospital. Nang makita siya ng mga guard ay halos kulay-ube na at hindi na makahinga ng maayos sa kaiiyak. Kung nahuli pa ng dating... that baby..." "Shame on her parents." Nagpuyos sa galit si Luigie. Sino ang taong gagawa ng bagay na iyon sa musmos na bata. "She's a baby how could someone leave her like that?" Ang ibang tao ay parang basura lang ang tingin sa mga kagaya nito. Naramdaman niya na kinabig siya ni Jarreus at hinalikan sa tuktok ng ulo. "Calm down, babe. She's on the good hands. Magaling na doktor si Rick kaya sigurado ako na gagaling si baby." "Jarreus..." Paano niya sasabihin kay Jarreus ang totoo? It will break his heart. "She will recover." Kung alam lang ni Jarreus ang lahat. Mananatili pa rin kaya ito sa tabi niya? A tear escape on her eyes. Pagkatapos nila doon ay dumeretso sila sa pediariatic ward. Nang makita pa lang niya ang maraming baby sa loob niyon ay may malaking kamay ang pumisil sa puso niya. "Madalas kapag masama ang mood ko ay dito ang diretso ko. Titignan ko lang sila and everything was like a magic. Mamamalayan ko na lang na ngumingiti na ko." Nang may lumabas na nurse mula sa ward. Inutusan ito ni Jarreus na kumuha ng kung ano. Nang bumalik ang nurse ay may dala-dala na itong disposable coat. "Let's go inside. Mas mararamdaman mo ang sinasabi ko kung mahahawakan mo kahit isa sa kanila." Sinuot niya ang coat at nag-sanitizer sa kamay. Pagkapasok pa lang niya sa ward ay damang-dama na niya ang pagkukulang niya. Sumunod siya kay Jarreus nang huminto ito sa isang incubator. Namasa ang gilid ng mga mata niya. But this, nasasaktan siya dahil alam niya na hindi niya kayang ibigay ang gusto ni Jarreus. Hinawakan ni Jarreus ang kamay niya at pinasok sa butas ng incubator. Nang mahawakan niya ang maliit na kamay ng bata ay may humaplos na mainit na bagay sa puso niya. Lalo nang maramdaman niya na hinawakan nito ang hintuturo niya. "Do you feel it? Ang sarap sa pakiramdam 'di ba?" nakangiting sabi ni Jarreus sa kanya. Tumango siya at pinagkatitigan ang maliit na kamay ng baby na nakakapit sa kanya. Napangiti siya habang hawak ang kamay ng baby. It sadden her heart because she can't be happy knowing she get rid as precious as it is. She felt ashamed because she also destroy someone's life...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD