CHAPTER NINETEEN

2243 Words
"HINDI pumupunta si Jarreus sa bahay. Isang buwan na rin mula nang dumalaw siya." hindi napigilan ni Luigie sabihin kay Vladimir habang humihigop ito ng kape. Natigilan ito sa paghigop at hindi makapaniwala na tumingin sa kanya. Pati siya ay natigilan sa lumabas sa bibig niya. Ninamnam muna niya ang natutunaw na icing sa bibig. "He should visit me more often, right? Dinadala ko ang anak namin." Nag-iwas siya ng tingin dahil may gusto ipahiwatig ang tingin nito. "Don't get me wrong, okay. Gusto ko lang siya nakikita kasi iyon ang gusto ng baby ko." Vladimir still looked at him with disbelief. "That is true. Ang baby ko iyon." "You're getting weirder, Luigie. Don't you remember that you wanted him to stay away from you?" "Oo nga, pero I'm pregnant with our baby," maliit na sabi niya. "You filed an annulment. Baka bukas makalawa ay maghiwalay na kayo. Hindi ba unfair naman na gusto mo lagi siyang nasa tabi mo?" Pinaglaruan niya ang icing ng kinakain niyang cake. "Pero nagkikita naman kayo sa pagpa-process ng annulment ninyo. Bakit hindi mo sabihin sa kanya. I bet he will be very happy going everyday in your house if you tell him" She knew how irrational she is. Pero gusto niyang nakikita si Jarreus siguro dahil sa pagbubuntis niya. "Ito nga talaga ang gusto ko pero..." Umirap ito at pumilantik sa harap niya. "That's the reason he respected your decision. Live with it, Luigie." Napasandal siya sa upuan. "I don't know. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang gusto ko." She sighed. "To be honest, gusto kong maputol na iyong kasal namin. I want us to be free. Pakiramdam ko mangyayari lang iyon kung tuluyan ng magkaroon ng bisa ang annulment. Mali kasi itong kasal. We get married because of peer pressure. Hindi naman niya ko pinakasalan dahil mahal niya ko." "Mahal ka niya. I can testify to that." "I know. I believe him now pero hindi ko ramdam na gusto ko pang ituloy ito. Hindi kasi ganito ang gusto ko." "Then ask yourself what you really want. Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan pati si Jarreus. You are being unfair to him. Let him move on if you don't want to keep him." Tama ang kaibigan, pero... nang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon sa handbag at tinignan kung sino ang tumatawag. Nag-angat siya ng tingin. "It is Jarreus," Nagkibit-balikat ito. She sighed before answering the phone call. "Hello?" "Where are you?" "I'm with Vlad. Lumabas lang ako sandali. Ang boring na kasi sa bahay. I need to have some walk." "Without informing your Dad? He was worried with your whereabouts. Alam mo naman na maselan ang pagbubuntis mo. Kasama mo ba si Thea?" "Nope. Hinayaan muna namin si Thea makipag-date." "I'll go there to get you. Where are you exactly right now?" "Sa Glorietta..." sinabi niya kung nasaan siya eksakto. "But I'm with Vladimir naman. I'm safe naman." "Wait me and don't go anywhere." Pinal na sabi ni Jarreus at pinatay na ang tawag. Vladimir just sipped to his hot coffee. Hindi nagtagal ay nakita na niya ang papalapit na si Jarreus. Mabilis na lumapit ito nang makita siya. "Text me next time, Lu. I'll go with you." "Baka kasi busy ka. Marami daw kayong gig ngayon sabi ni Rex sa akin." Tumiim ang mga bagang nito. "It doesn't matter if I'm busy because I always have time for you." Hinatak nito ang isang upuan sa tabing lamesa nila at tumabi sa kanya. "Don't give your Dad a hard time too, Lu. He was trying to reach to you and making amends. Gusto niya maging maayos kayo." She pursed her lips. Mukhang nagagalit ito sa kanya. Lukot ang mukha nito. Hindi niya mapigilan ang mapangiti. He looked more manlier. Nagsalubong ang mga kilay ni Jarreus. Nakangalumbaba na tinitigan niya ito. "You looked so guwapo." Namula ang mga tainga nito. Natawa na siya ng tuluyan. Tumikhim ito. Nang bumaba ang mga mata nito sa paa niya. He arc his brow. "And you're still wearing your heels?" Sinilip niya ang mga paa. "I take care of myself naman, Reus." He sighed. "Hintayin mo ko. Babalik ako agad." Tumayo na ito at umalis. Nilingon na lang niya si Vladimir na nangingiti. "He looked hot and a bit angry with you. He flushed too. I want to tell him "Spank me, papa." Namula ang mukha niya. There are times Jarreus literally spank her. "Ang naughty mo, Vlad." Nang bumalik si Jarreus ay may dala itong paperbag. Nilabas nito ang isang pares ng itim na doll shoes. Lumuhod ito sa harap niya at tinanggal ang stilettos niya. "Uh... ako na." She tried to stop him. Sinuot mismo nito sa paa niya ang binili nitong sapatos. "Magsuot ka ng komportableng pansapin sa paa. Mas mabuti na ang maingat, Luigie." Tumikhim si Vladimir at nagpaalam na. May importanteng talent daw itong kikitain. Hindi man lang pinansin ni Jarreus ito. "You're rude to Vlad." Napabuntong-hininga na lang siya. "He's a gay. Hindi mo siya dapat pinagsusungitan." "Lalaki pa rin iyon." Pasuplado na sagot nito. Nilagay nito ang sapatos niya sa loob ng paperbag. "You want to go somewhere else?" Umiling siya. Nang maalala niya iyong tungkol sa matandang nakabangga sa kanya. Tumikhim siya. "Kumusta iyong matanda? Inatras mo na iyong kaso?" Tumingin ito sa kanya. "Kahit labag sa loob ko." Tila natanggalan siya ng tinik sa lalamunan. "But you did it right. Alam ko, Jarreus." xxx "AS you see your baby is fully develop." Ani ng doktor sa kanya habang tinitignan sa monitor ang anak. It is her 26 weeks of pregnancy and they were excited to know the gender. Noong nakaraan ay hindi muna niya tinanong kung ano ang gender ng baby. Gusto niya malaman iyon kapag sigurado na at kasama si Jarreus. He was always present to her check-ups and she appreciated it. He was with her every step of her pregnancy. Tahimik lang itong nagmamasid sa kanya pagkatapos ay ihahatid na siya. She felt Jarreus change. Siguro dahil pinilit niya ang annulment nila na dalawa. Tinulungan siya ng ama para makapag-file at maayos iyon. Tulad ng pakiusap niya kay Jarreus ay nakiki-cooperate naman ito. Halata na rin ang tiyan niya pero hindi naman kalakihan. Sabi nga ni Thea, maliit daw siya magbuntis. Baka daw babae ang anak niya. Pero kahit ano basta malusog ay ayos lang sa kanya. She looked closely to the monitor. Para siyang naiiyak. "You want to hear again the heartbeat of the baby?" Ilang beses na niya narinig iyon pero ganoon pa rin ang emosyon niya. Mabilis na tumango siya. May kung ano lang na ginalaw ang doktora. Hanggang sa narinig na nga niya ang heartbeat ng bata. Tumingin ang doktor sa kanila. "Did you hear that?" Nilingon niya si Jarreus na nakatitig pa rin sa monitor. Napalunok ito at tumingin sa kanya. Hindi niya alam kung matatawa ba siya dahil parang namasa ang gilid ng mga mata nito. She felt a familiar warmth while looking at him. "Gusto ninyo na malaman ang gender ng baby?" Ngumiti siya. "You want it a boy or girl, Jarreus?" Napakurap ito at napalunok ulit. Maybe he was still in shock. Natawa siya at nilahad ang kamay sa lalaki. Alam niyang ang awkward dahil kakatapos lang kahapon nang paghaharap nila ni Jarreus para sa legal annulment separation. Hindi magtatagal ay tuluyan na rin silang maghihiwalay. Matagal na niyang hinihintay iyon at sa wakas malapit na rin niyang makuha. Agaran naman na lumapit ito sa kanya. Kinuha niya ang kamay nito at pinagsalikop ang kamay nila. Nilingon niya ito. "Boy or girl?" Ulit niya. "Kahit ano," may bikig sa lalamunan na sabi nito. Pinisil niya ang kamay nito. Tumawa ang doktora. "Usually ganyan talaga ang reaction ng mga newly parents. Congratulations to the both of you it is a healthy baby boy." She giggled. "Akala ko babae pero I'm happy to know it is healthy, doktora." She was caught off guard when Jarreus tilted her face gently to claimed her lips. Hindi niya inaasahan ang ginawa nito kaya nanlaki na lang ang mga mata niya. "I love you," he whispered and smack her lips again. "I love you both so much."' She kissed him back without thinking its consequences. Ayaw na rin niya mag-isip pa kung bakit mali ang halikan kita ngayong kaunting panahon na lang ay maghihiwalay na rin sila. Mabilis na dumaan ang dalawang buwan, they had signed the papers to get the legal separation. Mas mabilis kaysa sa inaasahan na aabot ng taon. Maybe it is because the influence of their family. Kahit anuman iyon ay sa wakas tapos na. She wanted it so much to happen. She wanted everything between them to end. "Luigie," Nilingon niya si Jarreus na nakasunod pala sa kanila ng abogado niya. Pinauna na niya ito at hinarap si Jarreus. Bumaba ang tingin nito sa tiyan niya. Lagi naman kapag nagkikita sila na dalawa. "Let's eat lunch," Bago pa siya sumagot ay may dinugtong pa ito. "For the old times sake." Akmang pag-iisipan muli niya nang sumipa ang anak sa tiyan niya. Bigla ay napasinghap siya ng malakas. Mabilis na lumapit at hinawakan siya ng lalaki. "Are you okay?" Nag-aalalang tanong nito. Tumango siya. "Sumipa lang si baby," Amusement written on his face. "He kick?" Kahit maghihiwalay na sila hindi naman mawawala ang katotohanan na si Jarreus ang ama ng baby niya. "Ayaw niya yata tumanggi ako sa'yo." Napahaplos siya sa tiyan. Malapit na ang kabuwanan niya. Sa totoo lang ay natatakot siya para sa kapakanan ng anak niya. Pumantay si Jarreus sa may umbok na tiyan niya. He didn't dare to touch her after they fill the annulment. Kahit nga lumapit ay laging may distansiya ito. Iyon naman ang gusto niya dahil nagiging marupok siya. Whenever Jarreus is near, she was horny as b***h. Marahan na hinaplos nito ang tiyan niya. "Don't kick your Mom. You are hurting her." He smiled and glanced at her. "She had enough already and we should protect her. We should always protect the women we love, anak." Her heart filled with warmth. Minsan hindi niya maiwasan makaramdam ng paghihinayang. Jarreus might actually loved her but she wasn't there anymore. Mahal niya ito pero hindi niya makita ang sarili na kasama ito. Mas gusto niya magmahal sa malayo. Siguro dahil hindi na kayang magtiwala ng puso niya. "You want to name him?" Nakita niya ang gulat sa mukha ng lalaki. "Gusto mo ako ang magpangalan sa kanya?" Tumango siya. "Gusto ko malaman kung ano ang gusto mong name niya." "Vincenzo Jared Del Castillo." Napangiti siya. Tila matagal na nitong pinag-isipan iyon. "Not so cool but they are nice." "He kick again!" Jarreus exclaimed in glee. Humalakhak ito. "Nagustuhan niya ang name niya." Medyo napangiwi siya nang sumipa ang anak. Napansin ni Jarreus ang ekspresyon niya kaya marahan na hinaplos nito muli ang tiyan niya. "I know you are excited to meet us too. Pero anak huwag mo naman sipain si mommy." His eyes were full of affection. May kudlit na naman na panghihinayang siyang nadama. She sighed as this getting heavier everytime. "You looked a great couple." Sabay sila napalingon ni Jarreus nang may magsalita sa gilid nila. It is the attorney of Jarreus. Hindi man lang nila napansin na nakamasid ito. Kanina pa kaya ito? Naglakad ito at huminto sa tapat niya. Jarreus lawyer is a woman. Maganda ang babae kahit napaka-pormal nito. "Pero gano'n talaga na may mga bagay na hindi dapat pinipilit." Hindi niya napigilan makaramdam ng disgusto rito. Tumingin ito sa kamya at ngumiti ng matamis. "Lalo kang gumaganda Ms. Samonte." nakangiting sabi nito. "Your pregnancy suits you fine." Bumaling ito kay Jarreus. May kakaiba sa klase ng tingin nito. Hindi niya gusto iyon. "Hindi pa ba?" Napakamot sa likod ng ulo ang lalaki. "Not yet but I think I'm almost there." Makahulugan na sagot nito. Hindi niya nagustuhan ang paraan ng pag-uusap ng mga ito. Are they close to each other now? Tumawa ang babae. "Good to hear. I think you really need it." "Jarreus," hindi niya napigilan makisingit. Kung magtutuloy kasi ang usapan ng mga ito ay baka makalimutan ng dalawa na nandoon siya. Marahan na dumantay ang kamay ni Jarreus sa balikat niya. He looked and smiled widely at her. She smiled back. "Hindi dapat pinaghihintay ang buntis." "Mauuna na kami, Bamby." Tumango ang babae at nauna na maglakad palayo sa kanila. Jarreus called her first name basis. Gusto niya malaman kung may kinalaman sa kanya ang pinag-uusapan ng mga ito. O kung anuman iyon kahit walang kinalaman sa kanya. "After this are you gonna meet her again?" Lumingon ito sa kanya. "Why not? She's a friend." "Pero tapos na iyong trabaho niya sa annulment natin." Jarreus stop and looked at her. Pati siya ay natigilan sa tono at sinabi niya. Napalunok siya. Kung anuman ang relasyon ng dalawa ay wala na siyang dapat na pakialam. "Don't mind me. It is your choice and life anyway. Wala na dapat akong pakialam." Nauna na siya maglakad na agad naman sinundan nito. "You want seafood, Luigie?" "Barbara ang name niya 'di ba?" Sa halip ay natanong niya. May maliit na ngiting gumuhit sa mga labi nito. "Yeah but I prefer to call her Bamby. She likes it anyway."' Napanguso siya. "Seafood?" Napabuntong-hininga na lang siya at nauna na muli maglakad. "Seafood it is," She wanted all of it. Pero bakit nakakaramdam siya ng pagkairita? Nagseselos ba siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD