Chapter 67

2325 Words

Kahapon lang ay tinawagan ako ng isa sa mga coffee shop na pinag-applayan ko. Inasahan ko na baka matagalan bago ako makahanap ng part time job. Marami rin naman kasi ang naghahanap at maaaring mas kwalipikado pa sila kaysa sa akin. I’m not confident that I’ll get a job easily but I’m still hopeful. Kaya naman ganun na lang ang tuwa ko ng tawagan ako kahapon. Malaking tulong sa akin lalo pa na plano ko talaga na mag-ipon na habang hindi pa nagpapasukan. Gusto ko kasi na kapag pumapasok na ako ay hindi na ako hihingi pa kay Mama. Mas makakaipon na rin siya para sa sarili. Kaya ko naman atsaka maghahanap pa ako kung kinakailangan. Alam ko na mahihirapan ako pero handa naman ako. Ano ba naman iyong magsakripisyo ako. Kaagad kong tinawagan si Rai. Masaya ako na nagbunga iyong pagod

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD