Ako na mismo ang naglagay ng braso niya sa balikat ko para tuluyan siyang maalalayan. OA nga lang talaga ako kasi kaya niya naman talaga maglakad ng deretso. Habang papasok kami ng elevator may mag-asawang matanda kaming nakasabay. Mukhang nasa kaparehas na floor ng condo ni Rai ang condo ng dalawa. “Nakakatuwa ka naman hija, masyado kang maalaga sa asawa mo.” Nalaglag ang aking panga sa sinabi ng Lola. Anong mag-asawa ang sinasabi niya? Bakit, may karatula ba na nakakabit sa noo ko na nagsasabing asawa ko ang lalaking ito? “Ganyan din kami noong kabataan namin. Halos hindi mapaghiwalay,” segunda niya pa at masayang inaalala ang mga karanasan ng kabataan nila. Tipid akong ngumiti at hindi na lang umimik. Pero naiilang ako dahil sa paniniwala nila na mag-asawa nga kami ni Rai. Dahan d

