“Babalik na po kayo sa trabaho?” Abala si Mama sa pag-aayos ng bag na dadalhin sa mansyon, iyon ang bag na palagi niyang ginagamit kapag papasok sa trabaho kaya ko nahulaan ang gagawin niya. Ayaw ko talaga siyang payagan pero nakakahiya nga naman atsaka kailangan talaga na magtrabaho ni Mama. Kahit may ipon ako galing sa sweldo sa part time, malaki ang nagastos namin sa ospital. Maghahanap ako ng part time ngayon. Halos dalawang buwan akong matetengga sa bahay dahil August pa naman ang pasukan. Atsaka hinihintay ko din ang ibang resulta ng entrance exam ng mga school na kinuhanan ko. Balak ko na pumili ng eskwelahan kapag lumabas na ang lahat ng resulta. Simple lang si Mama kung manamit at halata ko kaagad ang malaking pagbabago sa katawan niya. “Matagal na sana kaso ayaw mo akong

