Wala naman akong ginagawang masama pero nang magtagpo ang mga mata namin ni Rai, kakaibang takot ang naramdaman ko. Para akong may ginawang masama at nahuli sa akto. Ilang beses ko pa lang nakikitang magalit si Rai. Tandang tanda ko pa iyong unang beses, noon iyon nang ipakilala niya ako sa Mama niya. Ngayon naman ay ganoon din. Tahimik lang siya magalit pero ramdam mo iyon at talagang nakakatakot. He is watching us like a hawk watching its prey, if his looks can kill we are already lying on the concrete floor, barely breathing. I have the urge to push Brandon away. Pero bakit ko naman iyon gagawin? Wala naman kaming ginagawang masama. I'm only comforting him, that's all. Siya ang bahala kung anong gusto niyang isipin. Rai did not like the defiance I show towards him. Mukhang kaunt

