“Saan mo ba ako dadalhin? Akala ko ba ihahatid mo na ako pauwi?” sunod-sunod kong tanong. Nahalata ko na hindi maganda ang mood ni Rai matapos ng dinner. He really hates his mother’s actions back then at kung hindi ko siguro napigilan ay baka tuluyan na siyang sumagot para sa akin. Gaya nga ng paulit-ulit kong sinasabi sa kanya it is a battle that I must face alone. Ayoko na dahil sa akin ay magkakasamaan pa sila ng loob ng Mama niya. Hindi rin naman ako nag expect at nakatulong iyon. Mabuti na lang din at mabait ang senyor. Tahimik lang si Rai at hindi pa rin umiimik. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Kanina pa ako nagtatanong pero hindi naman siya sumasagot. Tanda at pamilyar sa akin ang ilang nadadaanan kaya nasisiguro ko na nasa bayan pa rin kami. Marahas na bumuntong hininga

