Tahimik kami habang nasa byahe. Si Ryle ay napagod kaya’t nakatulog na sa likod medyo naguiguilty pa rin ako sa nangyari pero mas mabuti na rin iyon dahil muntik pa kaming makita ni Maven. Masyado akong nagpakampante. Hindi ko naisip na pwede nga iyong mangyari, syempre mall iyon kaya natural na magagawi sila roon. Sa susunod ay dadalhin ko si Ryle sa lugar na hindi masyadong dinarayo. “Kamusta ka? Bakit hindi mo kasama ang boyfriend mo?” pang-uusisa ni Brandon. Matagal bago ako nakasagot. “A-ano busy siya k-kaya hindi ako nasamahan,” pagdadahilan ko. Pati ba naman sa parte na ito si Rai pa rin ang poproblemahin ko? Konting tiis na lang. Kapag nagawa ko ang huling misyon sa akin ni Lucy tuluyan na akong makakatakas sa kamay ni Rai. He can no longer blackmail me. Bago niya pa magaw

