Ang awkward. Bakit ba bigla na lang nagpapakita sa akin ang mga taong ayaw ko naman makita? Oo at namiss ko rin naman sina Maven pero matapos ang nangyari noon? Mahirap ng bumalik ulit sa dati. For sure they will interrogate me. Sumunod ako kay Maven at sumakay kaming elevator. Good thing at kami lang dalawa ang naroon. We did not talk and I’m thankful that Maven chose to be silent. Gusto kong makibalita sa buhay niya pero ganoon din naman ang mangyayari, the conversation will definitely thrown at me at ayoko na mangyari iyon. Hindi ko alam kung saan kaming floor dahil busy ako sa pag-iisip ng sasabihin. Para kasing ang OA ko sa part na kailangan ko pa talaga na pumunta sa kanya para lang iaabot ang coat samantalang pwede ko naman ihabilin na lang sa hotel niya. Edi sana mas napadali

