Pagkatapos mabanggit ang tungkol sa bisita nina Rai sa mansyon nanahimik na ang dalawa. Kahit pa ipinagsawalang kibo ko iyon, tanaw ko sa peripheral vision ko na tahimik na nagpapalitan ng mensahe ang dalawa. Ayaw talaga nilang iparinig sa akin ang pinag-uusapan. Medyo nakakaramdam na ako ng panik sa inaasta ng dalawa. Hindi naman ako dapat mag-alala hindi ba? Maya-maya dumating si Rai. Una ko kaagad napansin ang bago niyang gupit. Gustong-gusto ko ang mahaba niyang buhok na kapag nagugulo ay tumatabing sa mga mata niya. Nanibago ako dahil wala na ang buhok niya na paborito kong suklayin. But it doesn't mean he looks less attractive. Mas lalo nga yata gumwapo. Kaswal lang naman palagi si Rai kung manamit. He was not the type that likes to wear too much. Simpleng maong pants, rubber shoe

