Why of all the places dito pa biglang susulpot si Maven? Ayokong magpanik sa harapan ni Ryle kaya pinipilit kong pakalmahin ang sarili ng ganon ay makaisip din ako ng paraan. Mag-isa lang naman si Maven nung nakita ko siya, mabuti na lang din at hindi namin siya nakasalubong. Pero kahit na! Ang isipin na nasa iisang lugar kami ay mas lalong nagpapakaba sa akin. Paano kung nakita niya kami? Anong gagawin ko oras na mapagtanto niya kung sino ang batang kasama ko? Binalot ako ng takot sa mga naiisip. Hindi ako papayag na mangyari ang bagay na iyon. Nasa loob kami ng Bookstore ang paborito naming puntahan ni Ryle. Dito kami palagiang pumupunta dahil hobby ni Ryle ang magbasa at magkulay sa mga coloring book. Nitong mga nakaraan nahiligan niya ang astronomy. Isa sa mga pangako ko sa kanya

