Kanina pa ako hindi mapakali. Hindi pa rin tuluyang rumerehistro sa utak ko na makikilala ko na ng tuluyan ang mga magulang ni Rai. Parang nung nakaraan lang naihanda ko na ang sarili ko sa mga posibilidad na pwedeng mangyari. Kahit iyong mga sasabihin ko napractice ko na rin. Lahat ng preperasyon ko nauwi sa wala dahil sa kaba na nararamdaman ko. Kapag talaga nasa mismong pangyayari ka na, dadapuan ka talaga ng kaba. Palagi naman akong nalalagay sa mga alanganin na sitwasyon pero ngayon lang yata ako kinakabahan ng ganito. Nakakaya ko naman na harapin ang mga iyon at madalas mag-isa lang ako dahil wala naman akong mga kaibigan. I can face some of my fears alone and yet, it only takes an imagination of what kind of woman Rai's mother is to destroy my confidence. Pinisil ni Rai ang kam

